Tuesday, August 30, 2005

Lola at tiyuhin

Tiktik (31Aug05)

Dear Don Honesto,
NAPANAGINIPAN ko ang namatay kong lola. Kasama daw ang tito ko na nag-alaga sa akin nang ako ay sanggol pa. Ulila kasi ako sa ama. Pinagagalitan daw ng lola ko ang ate ko. Ako ay simpleng nanonood lang hanggang sa magising ako. Kamamatay lang ng lola ko last month at ako ay isang crew sa isang fast food center. Ipinanganak ako noong Setyembre 22, 1985. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

GREG NG TAGAYTAY CITY

Dear Greg,
Kung napanaginipan mo ang yumao mong lola, nangangahulugan itong nagma-matured ka na ay nagiging responsible sa iyong buhay. Nagkakaroon ka na rin ng disiplina sa sarili at natututong maging independent. Malinaw dito na may kakayahan ka nang makatindig sa sarili mong paa. Ang iyong tito ay sumisimbolo rin ng pagkakaroon mo ng strong character. Ang ate mo ay nagsasabi na ikaw ay patas magdesisyon at madaling makaunawa sa mga taong nagkakasala sa iyo. Ang iyong lola ay nagpapahiwatig din ng papalapit ka na sa panibagong yugto ng buhay. Katapat ng patay ay No. 29; No. 37 ang lola; No. 30 ang tito; No. 10 ang ate; No. 36 ang galit. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 22 ay makatanggap ng kakaibang buwenas. Pinakabuwenas mo ang No. 4 at No. 3. Sa jai alai, isama mo ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-18-23-26-34-37-40-42.
---30—


02. PALMISTRY

Makakaahon sa hirap

Dear Sir Dennis,
INILAKIP ko ang xrox copy ng guhit ng aking palad. Gusto ko sanang malaman kung magkakaroon pa ako ng tsansa na makaaahon sa hirap. Isa akong magsasaka at baon ako sa utang. Binabalak kong ibenta ang aking minanang lupain para makaginhawa. Anong negosyo ba ang bagay sa akin? Gusto ko sanang mag-abroad, matuloy kaya ako? Ipinanganak ako noong Agosto 28, 1970.


FERMIN NG IRIGA CITY

Dear Fermin,
MAKAKAAHON ka naman sa hirap dahil marami kang pagsisikap sa buhay. Marami kasing sumibol na maliliit na guhit paitaas sa mga daliri mula sa Life Line (tingnan ang bilog sa gitna). Nagsasabi ito na ikaw ay makakaahon sa hirap pero kailangang magpatulo ka ng pawis. Hindi magaan ang iyong pag-unlad. Buwenas ka sa mga negosyo na naglalako o nagbibiyahe ng mga produkto. May nag-parallel kasing guhit paitaas sa bandang ilalim ng hinliliit (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng hinliliit). Magagawa mo ring makapagtrabaho sa ibang bansa kasi’y mahaba ang naabot ng dulo ng Life Line at nagkaroon ng sanga ang dulo nito (tingnan ang bilog sa bandang pulso). Nagsasabi ito na buwenas ka sa pagdayo sa malayong lugar.
---30---

1 Comments:

Blogger Unknown said...

Magandang umaga po. Gusto ko rin pong e share yong napanaginipan ko kagabe. Nakito kopo yong tito ko na karga2x niya ang anak niyang sanggol pa. Ipapagamot niya sana. Nong kinarga ko na yong anak niya, bigla akong natalisud at bumagsak pero hindi naman nasaktan yong bata. Sabe nong isang doctor, kritikal na raw yong condition niya kaya dina raw maagapan. Biglang nagpanic si tito at kinuha niya yong bata mula sakin. Pumunta muna ako sa counter para magbayad ng charge fee. Meron akong nakitang 100 pesos sa table at doon kopo pinatong yong 200 na binayad ko. Paglabas kopo nakita ko nalang nasagasaan yong tito ko hawak yong anak niya. Tas nagkagulo napo lahat ng tao sa labas. Basta po paggising ko kinabahan ako. Ano po kayang ibig sabihin nun. Maraming salamat po.

10:43 AM  

Post a Comment

<< Home