Wednesday, August 31, 2005

Bulaklak

Tiktik (01Sept05)

Dear Don Honesto,
NAPANAGINIPAN ko ang dalawang punpon ng bulaklak. May iba’t ibang kulay at mabango ang amoy. Ibinigay ko raw ito sa yumao kong ina. Pero, nang iaabot ko na ay biglang dumating ang dalawang paru-paro na may magagandang kulay ang balahibo. Sinikap kong habulin hawak ang lambat na pansilo ang mga paru-paru pero nadapa ako hanggang sa pagtawanan ako ng mga kapatid ko at nagising na ako. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Hunyo 6, 1970. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

GERALD NG SAN PABLO CITY

Dear Gerard,
ANG bulaklak ay nagbabala na isang panganib pero kung makukulay ang bulaklak, nagsasabi ito na may isang achievement na mapapasakamay mo nang hindi inaasahan. Ang paru-paro ay nagpapahiwatig na ikaw ay may kalayaan nang magdesisyon at maging independent. Ang yumao mong ina ay nagsasabi na ikaw ay responsible sa iyong mga ikinikilos at nagkakaroon ka na ng disiplina sa sarili. Ang lambat na pansilo ay nagsasabi na maingat ka at pinag-aaralan mong mabuti ang iyong mga desisyon kaya’t makakamit mo ang marami mong pangarap. Kung nadapa ka, mag-ingat ka sa mga bagong kakilala dahil maaari kang mapahamak. Katapat ng bulaklak ay No. 33; No. 22 ang paru-paro; No.29 ang patay; No. 37 ang nanay; No. 44 ang lambat; No. 20 ang kapatid; Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 6 ay maging emosyonal at magkaroon ng maraming karelasyon. Pinakabuwenas mo ang No.6 at No.1. Sa jai alai, isama mo ang No. 9.Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-8-11-10-11-17-23-27-30-32-36-40-42.
---30—

02. PALMISTRY

Di makapaga-abroad

Dear Sir Dennis,
NAGPA-SEROX na rin ako ng guhit ng palad at inilakip ko ang kopya sa liham na ito. Gusto ko sanang malaman kung masusundan pa ang dalawa kong anak sa pagkadalaga. Sa ngayon, may asawa ako at pinakasalan ako pero hindi pa kami nagkakaanak. Ilan pa kaya ang magiging supling ko? May balak akong magtrabaho sa ibang bansa, matuloy kaya ako? Matupad kaya ang pangarap kong magkaroon ng sariling bahay at lupa? Ipinanganak ako noong Oktubre 22, 1970.

DELIA NG BATANGAS CITY

Dear Delia,
MAGKAKAROON ka pa ng dalawa pang anak kasi’y may apat na guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa bandang kalamnan ng hinlalaki) . Nagsasabi rin ito na makakatapos ng pag-aaral ang iyong mga anak at makakatulong sila sa iyong pagtanda. Kapansin-pansin din ang dalawang munting guhit na sumulpot sa tagiliran ng palad (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng hinliliit). Nagsasabi ito na dalawang beses kang magmamahal. Huwag kang nang magtangkang mag-abroad dahil malaki ang tsansa na mapeke ka kasi’y wala kang buwenas sa paglalakbay at malalayong lugar. Maliit lang kasi ang naabot ng dulo ng Life Line at wala rin itong sanga (tingnan ang bilog sa bandang pulso). Nakasandal ang iyong pag-unlad sa pagsisikap kung saang lugar ka isinilang. Gayunman, makakapagpundar ka ng sariling bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger).
-----30--

5 Comments:

Blogger Unknown said...

hello po. Good eve po.

Ask ko lang po sana if ano po ibig sabihin ng panaginip ng ka workmate ko na nakita daw niya ako na dumaan sa harap niya na may dalang pungpung ng bulaklak. Ano po kaya ibig sabihin nun? Maraming salamat po.



Lalay

7:17 PM  
Blogger Marmar said...

Hello po.
Tanong ko lng kaibigan ko nanaginip po xia ng dalawang beses na papunta na daw xia sa akin sa daanan papunta sakin Ang lalaki daw ng mga puti na bulakbulak na sobrang dami nakatanin na puti na bulaklak ano po ibig sabhin nito maraming salamat po

2:21 AM  
Blogger Unknown said...

Hello po;
Pinaginipan,ko po ang aking amang yumao,na nasa loob kme ng bhay,napansin ko na yung taas ng aming bobong n maraming ng agiw at sapot ng gagamba,naisip gusto ko linisan kinabukasan, tpos nun, nkita ko yung yumao kung ama na may hawak na gitara,habang tumutugtog sya kinuha ko isang maliit na gitara pra gayahin sya. Ako sa kasulukuyan n may problema sa paa n nainpiksiyon ang buto dahil sa disgrasya sa motor.Ano kya kahulugan ng panaginip ko, pinanganak po ako Nov. 12, 1979.maraming salamat po

8:54 AM  
Blogger Unknown said...

Nana ginip ako ng bulalak una makukulay ito pero biglang nag dilim ang langit at naging malakas ang hangin tapos nag hagisan sakin ang mga punpon ng mga lantang bulalak d kalaunan ang mga makukulay kong bulaklak ay natanta at naging itim anu po ibig sabihin nun

5:00 PM  
Blogger Unknown said...

Magandang araw po Ano po ang ibig sabihin ng panaginip q na uod sa kamay q ng naggagapangan

7:54 AM  

Post a Comment

<< Home