Sunday, September 04, 2005

ahas at house 'n lot

Tiktik—05sept05

Dambuhalang ahas

Dear Don Honesto,

NAPANAGINIPAN ko po ang isang malaking ahas na nakapulupot daw sa paligid ng bahay namin. Nililingkis daw niya ito hanggang sa mahugot ang mga haligi at mabuwal ito tulad ng ordinaryong punong kahoy sa panahon ng bagyo. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Pebrero 5, 1985. Bagong graduate ako sa computer course at panganay sa apat na magkakapatid. Naghahanap ako ngayon ng trabaho.


HENRY NG ANTIPOLO CITY

Dear Henry,

ANG bahay ay repleksiyon ng iyong pagkatao. Ang ahas ay phallic symbol na nagsasabi na ikaw ay maaaring matukso sa imoralidad o magumon sa pakikipagrelasyon sa opposite sex kung saan maaaring masira ang iyong reputasyon o masabit sa mga kalokohan na may kaugnayan sa babae! Kailangang makontrol mo ang simbuyo ng damdamin upang hindi ka mapahamak, pero kung pagbabatayan ang panaginip, mahihirapan kang makontra ito. Kung nabuwal ang bahay, nagbabala ito ng kabiguan at may mahalagang papel na gagampanan ditto ang iyong magiging karelasyon sa hinaharap. Kumbaga, kwidaw ka! Gayunman, mas makakabuting ipokus mo ang iyong panahon sa paghahanap ng trabaho o pagtatayo ng sariling computer rental o computer service center. Katapat ng bahay ay No. 40; No. 28 ang ahas; No. 17 ang pagkabuwal; No. 49 ang dambuhala; No. 33 ang paglingkis. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 5 ay madaling mabuyo sa tukso ng mga kaibigan o maimpluwensiyahan ng kapwa. Pinakabuwenas mo ang No.5 at No. 3. Sa jai alai, isama mo ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 4-8-11-19-23-27-30-35-40-42.
---30-

02. PALMISTRY

Makakapagpundar ng house and lot

Dear Sir Dennis,

NAGPASYA na rin akong magpa-xerox ng guhit ng palad. Gusto ko kasing malaman kung makakapagpundar ako ng sariling bahay at lupa. Pinalalayas na kasi kami sa squatter area kaya’t mapupuwersa na naman kaming mangupahan. Nanghihinayang ako sa perang ibinabayad ko sa paupa. May apat akong anak na nag-aaral, sino sa kanila ang makakatapos ng pag-aaral at makakatulong sa panahon ng aking pagtanda. Balak ko ring magtrabaho sa ibang bansa, matuloy kaya ako? Ipinanganak ako noong Mayo 17, 1970.

EDUARDO NG OLONGAPO CITY

Dear Eduardo,

WALA kang dapat ipangamba, kasi’y makakapagpundar ka naman ng sariling bahay at lupa. May guhit na pumaitaas sa banding ilalim ng hinlalato ( tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger). Nagsasabi ito na buwenas ka sa lahat ng may kaugnayan sa real estate. Maaari ka ring pumasok sa agri business. Magagawa mo kasing makapagtrabaho sa ibang bansa kung saan doon magsisimula na gumanda ang iyong buhay. Malawak kasi ang naabot ng dulo ng Life Line kung saan umabot ito sa bandang pulso at nagkaroon ng maraming sanga (tingnan ang bilog sa bandang pulso). Nagsasabi ito na ikaw ay maninirahan nang matagal ang ibang bansa bago babalik sa Pilipinas. Makakatapos din ng pag-aarapo ang iyong apat na anak kasi’y mahahaba at matitikas ang apat na guhit na pumaitaas sa bandang kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa bandang kalamnan ng hinlalaki).
----30---

12 Comments:

Blogger Unknown said...

Dear Don Honesto Uy Gusto ko po malaman anu po ang kahulugan ng panaginip ko na isang malaking ahas na nakapulupot po sa buo kong katawan,anu po ang maswerteng numero ko po maraming salamat po

5:38 AM  
Anonymous Anonymous said...

nakakapanaginip din ako ng malaking ahas sa loob ng aming tahanan,ngunit di nya ko inaatake nangigilid lang sya o kayay umaakyat sa bandang itaas ng bubungan namin.....nakakatakot kaya my time talaga na ako ang lumalabas palabas ng aming tahanan......any comments po sa nakakaalam ng kahulugan nito.....

4:15 PM  
Blogger Mark said...

Nanaginip po ako na may mga ahas sa bawat butas at naglalabasan po sila ang ginawa ko pinagtatakpan ko sila ng pahiga.anu po ibig sabihin nito.

6:09 AM  
Blogger Mark said...

Nanaginip po ako na may mga ahas sa bawat butas at naglalabasan po sila ang ginawa ko pinagtatakpan ko sila ng pahiga.anu po ibig sabihin nito.

6:10 AM  
Blogger Unknown said...

Nanaginip po ako ng dalawang dambuhalang ahas na kulay gray at may prang batik batik na pula, parehong kulay, nakatayo ako at pinagitnaan lng ng dalawang ahas at dinaanan lng ako

10:58 AM  
Blogger Unknown said...

Masalas po ako managinip NG ahas...kanina na nginip po AQ ng ahas n green NSA gilid po NG hugasan NG Plato nkatingin sken..at Isa ahas n silver at pula Ang ktawan bigla DW PO nlaglag galing s Isang kahoy s kisame.
Pgkatapos nila kunin ay nlagay lng sa tubig.
Ano PO ibig ssbihin nun?

3:57 PM  
Blogger Unknown said...

Dear maestro, nanaginip po ako me pinintahan kami na Lugar dko alam Kng saan yon pero parang probensya sya para in invite ata kmi non tapos pagdating namin sa Lugar me nakita akong yellow na ahas mukha syang mabait at masaya naka steady lang po sya pero ang position nya yng parang patuklaw pero hindi sya na nuklaw, me isang lalaki na hinawakan ang neck nya kaya parang lumaban ang ahas sa knya, tapos sabi samin nong matanda hindi na kami makakabalik sa pinangalingan namin parang doon nlang kami, tapos nag lakad kami kasama Ang matandang babae, nakita ko sya parang napapagod na sya sa kaka lakad, me nakita akong tricycle sabi ko sumakay kana at ako ang mag drive, tapos sumakay naman yng matanda tapos dko na alam Kng saan kami nakarating dito nag tapos panaginip ko. Ano po ang tamang mga numero nito.

9:50 PM  
Blogger Unknown said...

Hello po don Honesto nananiginip po ako ng ibat ibang kulay ng ahas tatlong ahas at malalaki po at pumalibot at pumapalupot sa mga anak na Isang bahay po kme at dun mga hipag ko po at asawa ko mukhang maamo hu tatlong ahas birthday ko ay July 02,1983.sana mabigayn nyo po pansin panaginip ko po at maisakutuparan ko Pag Taya sa lotto po.
Maraming salamat po pagpalain po kayo ng Panginoon.

7:46 AM  
Blogger Unknown said...

DEAR HONESTO GOOD MORNING
PO ANO PO IBIG SABIHIN NG
PINTUAN ISINARA KO PO AT MAY
GUSTO PUMASOK NA LALAKI AT ANO
PO KATAPATNG PINTUAN SALAMAT PO😊

4:00 AM  
Blogger Unknown said...

Nanaginip po ako ng isang malaking sawa na nililingkis nya ako sa isang maliit na silid a anu po ibig sabihin nun?

11:20 AM  
Blogger Unknown said...

Nanaginip din po ako na may ng dalang bala ng baril sa katawan ko at dinukot ko daw po at hinulog ko sa labas ng pintuan ng simbahan anu po ibig sabihin nun sir?

11:24 AM  
Blogger Unknown said...

Dalawang bala po daw.

11:25 AM  

Post a Comment

<< Home