Thursday, September 08, 2005

ama at ina

Tiktik (10sept05issue)


Dear Don Honesto,
BAKIT kaya madalas kong mapanaginipan ang namatay kong tatay at nanay. Ulila na ako sa mga magulang pero kapag napapanaginipan ko sila ay parang buhay na buhay pa at nagkakataon na aktuwal nila akong pinapayuhan sa aktuwal ko ring mga problema sa araw na iyo. Naghahanap ako ng trabaho noon at napaginipan ko na pinapupunta ako ng yumao kong tatay sa kanyang kumpare at nang pumunta nga ako ay nabigyan ako ng trabaho bilang officer clerk. Parang nagkatotoo ang panaginip ko. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Oktubre 22, 1979. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

HENRY NG MUNTINLUPA CITY

Dear Henry,
MATURITY ang sinisimbolo ng mga yumao mong magulang sa loob ng panaginip. Ibig sabihin ay unti-unti ka nang nagma-matured at nagiging responsible sa iyong sarili. Natututo ka nang dumisiplina sa iyong sarili. Gayunman, nagsasabi pa rin ito na ikaw ay papunta na sa panibagong yugto ng buhay at iiwanan mo na ang panahon ng kabataan. Dapat mong iwasan ang paglalakwatsa o mga aktibidad na hindi ka naman makapagpundar o aasenso bagkus ay maaaring magpahamak sa iyo. Nagsasabi rin ito na ikaw ay malapit nang lumagay sa tahimik at inihahanda mo na ang pagiging padre-de-pamilya sa hinaharap. Katapat ng ina ay No. 37 No. 49 ang ama; No. 34 ang pagbibigay ng payo; No. 29 ang patay; Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 22 ay maging likas na mabait at may kakaibang buwenas na matatanggap. Pinakabuwenas mo ang No. 4 at No.2.
Sa jai alai, isama mo ang No. 9.Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-27-34-38-40-42.
---30—

02. PALMISTRY

Buong pamilya sa Canada

Dear Sir Dennis,
NAGPASYA na rin akong magpaserox ng guhit ng palad. Gusto ko kasing mag-resign sa trabaho at nais kong itanong kung bubuwenasin ako sa paga-abroad. May pinsan ako sa Canada at inaaya niya ako na dalhin ko roon ang aking pamilya. May dalawa akong anak. Masusundan pa ba ang bunso kong anak? Makakapagpundar ba ako ng sariling bahay at lupa? Ipinanganak ako noong Hunyo 6, 1970.


CHRISTOPHER NG PASAY CITY

Dear Christopher,
WALA kang dapat ipag-alala, kasi’y matutuloy kayong buong pamilya sa Canada. Magkakaroon ng malaking pagbabago sa iyong kapalaran sa kalagitnaan ng buhay mo. Naputol kasi ang iyong Life Line at nag-takeover pababa sa pulso ang iyong Fate Line (tingnan ang bilog sa gitna). Nagsasabi ito na hahatakin ka ng iyong kapalaran kung saan maninirahan ka nang matagal sa malayong lugar kasama ang buong pamilya. Makakapagpundar ka ng sariling bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger). Nagsasabi ito na ikaw ay buwenas sa lahat ng may kaugnayan sa real estate , agribusiness o lupa. Masusundan pa ng dalawa ang iyong anak kasi’y may apat na guhit na pumaitaas sa bandang kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng hinlalaki). Makakatapos ng pag-aaral at makakatulong sa iyong pagtanda ang iyong mga anak.
----30-

1 Comments:

Blogger Unknown said...

Ano poh ang kahulugan isda at cellphone sa panghinip? nanaghinip poh kasi ako na andun ako sa tabing dagat at nung may nagsilanguyan na isda papunta sa tabi ng dagat tapos na shock ako sabay ng tuwa at marami na nanghuli ng isda pati mama ko nasa panghinip na yun natutuwa na Maraming isda may pang ulam na,, tapos nun naglakad lakad ako kasi nga naghahanap ako ng isda kasi may mga medyo malaki tapos merong katamtaman lang,,, maya,maya lang sa paglalakad lakad ko,, makakita ako ng cellphone na sira naisipan kong sira na yun kasi shempre dagat tapos may basag basag na yong pero nung inopen ko gumana 😂😅 d natuwa na nman ako.. tapos nag lakadlakad ulit ako, makakita na nman ako ng phone tapos ganun din gumana din nung inopen ko,, tapos makakita na nman ako ng isa pa.. sobrang tuwa ko kasi nakakita ako ng cellphone sa isip isip ko ang dami ko ng cellphone 🤣🤣 tapos naputol kasi nagising ako 😅😅 hehe curios lang poh kung ano ibig sabihin nun?

7:06 PM  

Post a Comment

<< Home