watawat sa iskul
Tiktik (11sept05 -advanceissue)
Dear Don Honesto,
PALAGI akong nagbabasa ng kolum mo at nais kong bigyan mo ng kahulugan ang aking mga panaginip. Napanaginipan ko na ako ay nasa loob ng isang eskuwelahan. Ako raw ang natokahan na magtaas ng watawat sa flag ceremony. Pero ang bandera ay iba ang porma at korteng damit na gown na maraming borloloy. Hindi ko maintindihan pero hindi ito porma ng bandila. Habang itinataas ko ito sa tagdan ay kumakanta ng mga modernong awitin ang mgsa estudyante. Nang makarating sa dulo ng tagdan ang gown ay naglabas ng baril ang mga tao.Nagsisigaw ako sa takot hanggang sa magising. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Setyembe 6, 1979. Isa akong ordinaryong empleado at nangangarap akong umasenso.
ROY NG NAVOTAS, MM
Dear Roy,
ANG eskuwelahan ay nagsasabi na ikaw ay conscious pa rin sa pag-aaral o pagpapakadalubhasa sa isang larangan. Nagsasabi ito na kailangan mong sumailalim sa training, seminar o kumuha ng special course kung saan magagamit mo ito sa iyong pag-asenso o paghanap ng mas matinong trabaho o puwesto. Ang bandera ay nagsasabi na natatangay ka ng emosyon pero sa maling direksiyon. Kailangang disiplinahin mo ang sarili mo. Ang gown o damit na ipinalit sa flag ay nagsasabi na ikaw ay magkakaroon ka karelasyon mula sa alta-sosyedad na magpapabago ng takbo ng iyong buhay. Ang mga estudayante ay nagsasabi na marami ka pang katanungan sa buhay kaya’t dapat na maging maingat ka sa pagdedesisyon. Ang baril ay nagsasabi na ikaw ay may strong sexual drives kaya’t dapat na makontrol mo ang simbuyo ng damdamin. Katapat ng iskul ay No. 27; No. 10 ang tagdan; No. 3 ang watawat; No. 45 ang baril; No. 22 ang estudyante; No. 33 ang pag-awit. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 6 ay maging emosyonal at magkaroon ng maraming karelasyon kaya’t kadalasang nawawala sa konsentrasyon. Pinakabuwenas mo ang No. 6 at No. 2.
Sa jai alai, isama mo ang No. 7. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 2-7-11-19-23-29-34-37-40-42.
---30—
02. PALMISTRY
Makakahiwalay si mister
Dear Sir Dennis,
BIGYAN mo sana ako ng payo. Inilakip ko ang serox copy ng guhit ng aking palad. Gusto ko kasing itanong kung magkakalayo kami ng asawa ko. Mula nang mawalan siya ng trabaho ay lagi kaming nag-aaway at may pagkakataon na sinasaktan niya ako pag nalalasing. May apat kaming anak na nag-aaral. May maliit akong grocery na pinagkukunan naming ng ikabubuhay. Mapapalaki ko ba ang munting negosyo ko? Makakapagtapos ban g pag-aaral ang aking mga anak? Ipinanganak ako noong Nobyembre 26, 1970.
ERLINDA NG LAOAG CITY
Dear Erlinda,
NAKAKALUNGKOT mang sabihin, hindi na magtatagal ang pagsasama ninyong mag-asawa at walang duda na magkakahiwalay kayo. Kasi’y may split ang dulo ng nagsosolong guhit sa tagiliran ng palad (tingnan ang bilog sa banding ilalim ng hinliliit). Nagsasabi ito na hindi na kayo magkakabalikan kapag naghiwalay. Gayunman, mananatili kang nagsosolo sa buhay hanggang sa pagtanda at hindi ka na muli pang magmamahal. Pero mapapalaki mo ang iyong negosyo kasi’y may guhit na pumaitaas sa banding ilalim ng hintuturo (tingnan ang bilog sa banding ilalim ng index finger). Nakikita ito sa matatagumpay na negosyante. Mapagtatapos mo sa pag-aaral at magtatagumpay ang apat mong anak kahit nagsosolo kang nag-aaruga. Mahahaba at matitikas kasi ang apat na guhit na pumaitaas sa banding kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa bandang kalamnan ng hinlalaki).
----30--

0 Comments:
Post a Comment
<< Home