Sunday, September 11, 2005

rambol sa opis

Tiktik (13sept05)

Dear Don Honesto,

NAPANAGINIPAN ko po ang opisina na dati kong pinagtatrabahuhan. Naroroon daw yung mga dati kong katrabaho at nag-iinuman kami. Parang may piyesta sa dami ng mga pagkain. Pero, nagkaroon ng rambol at nagsaksakan ang mga kaibigan ko. Nagsisigaw ako sa galit hanggang sa magising. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Hunyo 19, 1970. Natanggal ako sa trabaho at nag-aayos ako ng papeles para makapag-abroad. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

JACK NG BACOLOD CITY

Dear Jack,

KUNG napanaginipan mo ang iyong mga dating co-workers, nangangahulugan ito na conscious ka talaga sa paghahanap ng trabaho. Nasa proseso ka ng pag-iisip kung anong klase ng trabaho ang nais mong pasukan o kompanya na aplayan. Kung parang piyesta, nagsasabi ito na nasasabik ka na guminhawa ang buhay at makarekober sa paghihirap. Kung nagkaroon ng rambol o saksakan, nagsasabi ito na ikaw ay nagtatangka na disiplinahin ang sarili at magbagong buhay. Gusto mo nang ayusin ang iyong ugali, diskaerte at pananaw sa buhay. Walang duda na matutuloy ka sa paga-abroad at makakaahon sa problema. Katapat ng piyesta ay No. 25; No. 36 ang saksakan; No. 17 ang rambol; No. 40 ang opisina; No. 41 ang co-workers. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 19 ay makaranas ng magkakasalungat ng kondisyon—minsan bigo at minsan ay tagumpay. Pinakabuwenas mo ang No.1 at No. 8. Sa jai alai, isama mo ang No. 2. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 2-7-11-19-23-27-34-38-40-42.
---30—

02. PALMISTRY

Magkakaroon ng house and lot

Dear Sir Dennis,

NAGPA-ZEROX na rin ako ng guhit ng palad at inilakip ko ang kopya sa liham na ito. Gusto ko kasing magkaroon ng sariling bahay at lupa, matupad ko kaya ito? Nag-apply ako ng housing loan sa SSS pero wala pang resulya. Nakatira kami sa lupa na pag-aari ng kamag-anak namin pero pinalalayas na kami. Gusto ko sanang mag-abroad, matuloy kaya ako? May dalawa akong anak, sino sa kanila ang makakatapos sa kolehiyo at magtatagumpay. Ipinanganak ako noong Setyembre 5, 1970.


LUISITO NG ROXAS CITY

Dear Luisito,

WALA kang dapat ikabahala. Kahit palayasin kayo sa kinatitirikan ng bahay ninyo ay maaaprubahan naman ang iyong HOUSING LOAN kasi’y may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger). Nagsasabi rin ito na buwenas ka sa lahat ng klase ng larangan na may kaugnayan sa lupa o agribusiness. Matutuloy ka rin sa pagtatrabaho sa ibang bansa dahil mahaba ang naabot ng Life Line at nagkaroon ng sanga ang dulo nito (tingnan ang bilog sa bandang pulso). Nagsasabi ito na buwenas sa lahat ng klase ng paglalakbay. Makakatapos naman ng pag-aaral ang dalawa mong anak at kapwa sila makakatulong sa panahon ng iyong pagtanda .Mahaba kasi at matikas ang dalawang guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa kalamnan ng hinlalaki).
---30-

2 Comments:

Blogger Unknown said...

Hello Everybody,
My name is Ahmad Asnul Brunei, I contacted Mr Osman Loan Firm for a business loan amount of $250,000, Then i was told about the step of approving my requested loan amount, after taking the risk again because i was so much desperate of setting up a business to my greatest surprise, the loan amount was credited to my bank account within 24 banking hours without any stress of getting my loan. I was surprise because i was first fall a victim of scam! If you are interested of securing any loan amount & you are located in any country, I'll advise you can contact Mr Osman Loan Firm via email osmanloanserves@gmail.com

LOAN APPLICATION INFORMATION FORM
First name......
Middle name.....
2) Gender:.........
3) Loan Amount Needed:.........
4) Loan Duration:.........
5) Country:.........
6) Home Address:.........
7) Mobile Number:.........
8) Email address..........
9) Monthly Income:.....................
10) Occupation:...........................
11)Which site did you here about us.....................
Thanks and Best Regards.
Derek Email osmanloanserves@gmail.com

3:59 PM  
Blogger Unknown said...

Bkt po lahat na napanaginipan q ay nagkatotoo ano po kaya mayron ako bkt po ung mga napanaginipan q ay nagaganap

12:11 PM  

Post a Comment

<< Home