paru-paro sa orchids
Tiktik (15Sep05)
Dear Don Honesto,
LAGI ko pong napapanaginipan na ako ay nagtatanim ng mga orchids. Iniipon ko raw ang mga bunot ng niyog na nakabilad sa araw. Iniisa-isa ko itong inilalagay sa isang palayok at ibinibitin sa mga puno kasabay ng pagtatanim dito ng mga bagong supling na orchids. Malalago na ang orchids na nasa matataas na sanga ng puno at tuwang- tuwa ako sa makukulay na bulaklak. Nagkakagulo rin ang mga paru-paro na lumilipad at nagpapalipat-lipat sa mga bulaklak.Ano kaya ang ibig sabihin nito? Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Disyembre 17, 1960. May apat akong anak na nag-aaral at isa akong supervisor sa isang kompanya.
HECTOR NG CAVITE CITY
Dear Hector,
ANG orchids ay nagbabadya ng magandang kapalaran.Nagsasabi ito na mapapasakamay mo ang kakaibang suwerte o isang malaking halaga na bibihira mong matikman. Ang mga bunot ay nagsasabi na ito ay magmumula sa malayong lugar mula sa isang matagal nang kaibigan na hindi mo nakikita. Bunga ito ng iyong mga nagdaang pagtulong sa mga taong nangangailangan. Ang puno ay repleksiyon ng iyong mga hilaw na pangarap na umunlad ka balang-araw. Ang mga paru-paro ay nagsasabi na kailangang paramihin mo ang iyong mga kaibigan na siyang magiging pundasyon ng iyong pag-unlad. Marami kasing kakilala mo ang kusang tutulong sa iyo upang makaangat ka sa buhay kabilang ang pagkakaroon ng bagong trabaho. Katapat ng bulaklak ay No. 33 ; No., 44 ang bunot; No. 13 ang orchid; No. 22 ang paruparo; No.29 ang pagtatanim; No. 38 ang puno; No. 30 ang palayok. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 17 ay makaranas ng mga pambihirang kapalaran. Pinakabuwenas mo ang No. 8 at No. 3. Sa jai alai , isama mo ang No. 4. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-26-34-38-40-42.
----30---
02. PALMISTRY
Mag-aasawa muli
Dear Sir Dennis,
NAGLAKAS-LOOB na rin akong magpa-zerox ng guhit ng palad upang malaman ko ang aking kapalaran. May pag-asa pa ba akong makaahon sa hirap. Isa akong pahinante ng truck na minamaneho ng pinsan ko. Gusto ko sanang mag-abroad, matuloy kaya ako? Hiwalay ako sa asawa dahil naglayas ang misis ko nang mawalan ako ng trabaho. Iniwan sa akin ang isa naming anak na pinaalagaan ko naman sa nanay ko.Makapag-aasawa pa kaya ako? Masusundan pa ba ang anak ko? Ipinanganak ako noong Setyembre 20, 1970.
NESTOR NG CAPAZ, TARLAC
Dear Nestor,
MABILIS kang makakaahon sa hirap kasi'y maraming guhit ang sumibol mula sa kalagitnaan ng Life Line papaakyat sa mga daliri (tingnan ang bilog sa gitna) .Nagsasabi ito na ikaw ay likas na masipag at matiyaga kaya't makakaahon ka sa pagdarahop at magkakaroon ng matatag na hanapbuhay sa hinaharap. Matutuloy ka sa pag-abroad dahil malawak ang naabot ng dulo ng Life Line at nagkaroon ito ng sanga (tingnan ang bilog sa bandang pulso). Nagsasabi ito na buwenas ka sa lahat ng klase ng paglalakbay at maraming bansa ang mararating mo. Makakapag-aasawa ka muli dahil dalawa ang guhit sa bandang tagiliran ng palad (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng hinliliit). Nagsasabi ito na dalawang beses kang iibig at magkakaroon ng pamilya. Masusundan pa ng dalawa ang iyong nagsosolong anak sa unang asawa kasi'y may tatlong guhit na pumaitaas sa bandang kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa bandang kalamnan ng hinlalaki).
---30--

15 Comments:
nanaginip dw aq n nag photoshoot dw kame, den ung locatio is parang batis na my tulay, tas bgla nlng my humahabol, 2matakbo ako pero d ko mkita ung humahabol, den my paru paro na ang kulit kulit, sunod ng sunod, minsan cnusundan ko nlang kung san un pupunta . den napadpad aq sa 1 bahay n pag may tao eh nagtatago kme baka kc un ung humahabol. anu po ibig sbihin nito? - shelly
sana po mapansin at mabgyan po aq ng numero
knina kcng tanghali nanaginip aq ng maliliit n isda andami nya sobra nasa planggana lng xa naklagay nagtatalunan xa tapos tnawag q daw anak q nagpapatulong aq kunin mga isda kc kailangan daw po nmin ibalik sa planggana kc baka magalit papa nya tsaka pati sa katawan q nag sidikitan na daw po pati sa ref nmin may isda din na na maliliit pero buhay bnuhusan q ng tubig kso nagbaha lng daw po sa bahay nmin hnd q alam uunahin q kc may maliit na tndahan daw po kme na kht onti laman madami nabili ano po kaya ibg sabhin nun?? wala nmn po kc kme tndahan tapos wala din kmeng aquarium
umaga palang po may pumasok sa bakuran nmin na paruparu na itim na may halong ginto ang kulay
sana may makpansin salamat p0...����
hello po tanong ko lng nadapoan po kasi aq itim na paru paro,tas ilang minuto lng nka lipas nka kita nman po ako dilaw na paru paro.anu po ibig sabihin at anu po ma swerteng numero.slamat po.
Gud pm po tanong ko lng po ano po ibig sabihin ng tuwing lilingon ako at khit san ako mag punta nqkaka kita ako ng lnggam na itim khit nsa cr ako or sa nasa b8yahe nka fikut sa sl8bg dsmit.at minsan may dumaan sa harap ko paro paro puti at dilaw m8smo sa harap ko.ano po ibig sabihin nun
Ano pong ibig sabihin ng maliit na berdeng paro paro sa loob ng bahay ngayon lan po kasi ako nakakita ng ganung kulay kadalasan lan eh brown salamat po at sana malaman k kun ano po ito
Anu po kahulugan ng panaginip na may paru paru ako nakita na may ibat ibang kulay at maganda yun una akala q patay na tapos bigla lumipad cia at pumunta sa ulo aq at nagsalita na parang diosa ng kagandahan sa ibat ibang kulay kahit nanatakot ako kinausap ko.daw yun paruparu yun nagsalita ang paru paru na boses ngbabae nagicing aq
anu po ang ibig sabihin ng pagdapo ng "moth" daw po iyon.or paru paru na brown?
Anu pong ibig sabihin kapag my pumasok na brown na paru paro sa bahay..paikot ikot lamang po siya..tapos makatapos ang ilang minuto ay nawala siya
Ano Ang ibig sabihin sa panaginip na Ang paruparu at dumapo sa akng palad at Ng pagtingin ko at nagbago siya Ng anyo na bumalik sa pagiging uud..
Ano ang ibig sabihin sa panaginip na hulog sa ulo ko ang isang tangkay na bulaklak ng orchid galing sa punong kahoy. Salamat po
Nakakita ako nang brown na paruparo sa pinag tatrabaho an ko.ano ibig sabihin at ano ang numero nito
Good day po,ano po ibig sabihin ng aking panaginip ng paruparo kulay dilaw na pumasok sa aming tahanan at dumapo sa kaliwang pisngi ko at ano pong numero nito..Maraming salamat sa tugon and godbless
May lumilipad na paru parong itim at may puting kulay na bilog sa pakpak nya habang akoy kumakain lumalapit siya sakin kahit binubugaw ko cya ano po ibig sabihin
nanaginip po ako tatlong paru paro kulay puti 2 at isang brown ano po i ig sabihin nito thanks
Good morning po ano po kaya kahulugan nanaginip ako ng isang paruzx kulay dilaw dumapo siya sakin tapos lumipad dumapo na naman siya sa kasama kung babae tapos maya maya my isang dilaw din na paruzx dumating kulay dilaw din po tapos dumapo sa kamay ng baby ko lumipat nadin yung isa kaya sila na dalawa dumapo sa kamay ng baby ko ano po kaya ibig sabhin salamat po sana ma sagot,
Post a Comment
<< Home