Saturday, September 17, 2005

library

Tiktik (19sept05)

Library

Dear Don Honesto,

NAPANAGINIPAN ko na ako ay nasa loob ng isang library. Tahimik daw ang lahat ng nakaupo ditto at walang kaingay-ingay. Maraming nagko-kompiyuter sa paligid at wala ring katunog-tunog. Parang magkakaaway na hindi nagkikibuan ang mga tao. Pero, biglang nagpapalo ang librarian at nagsisigaw ng sunog, sunog! Nagtakbuhan ang mga tao at kitang- kita kong ang apoy na mapulang mapula. Natakot din ako hanggang sa magising. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Nobyembre 4, 1985. Bigyan mo sana akong masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.Graduating na ako sa computer course, magkakaroon kaya ako ng matatag na trabaho?

JAMES NG OLONGAPO CITY

Dear James,

Ang library ay nagsasabi na naglalaro sa iyong isip na magpakadalubhasa pa o kumuha pa ng isang kurso upang mapaganda mo ang qualification mo sa paghanap ng trabaho. Kung tahimik sa loob, nagsasabi ito na nasa ilalim ka ng masusing paga-analisa sa iyong buhay. Ang gusali o aktuwal na library ay repleksiyon ng iyong pagkatao kaya’t nagsasabi ito na ikaw ay nangangarap na makilala sa iyong larangang ginagalawan sa hin aharap o sa pagdating panahon. Ang mga tao sa paligid mo ay nagsasabi na ikaw ay maraming kakaibang ugali kabilang ang pagiging mahiyain o takot sa gitna ng lipunan. Ang apoy ay nagsasabi na ikaw ay may strong sexual drives kaya’t dapat na makontrol mo ito o maingatan. Kung mapulang- mapula ang apoy, nagsasabi ito na may malaking buwenas na matatanggap ka. Pinakabuwenas ang No. 4 at 7.Sa jai alai, isama mo ang No.3. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 2-6-11- 18-23-26-30-36-40- 40.
----30—

02. PALMISTRY

Makakaalis sa squatter area

Dear Sir Dennis,

NAGPASYA na rin akong magpa-xerox ng guhit ng palad. Inilakip ko ang kopya sa liham na ito. Gusto ko sanang itanong kung may pag-asa kaming makaalis sa squatter area at makapagpatayo ng sariling bahay at lupa baling –araw. Isa lamang akong ordinaryong empleado at maliit lang ang suweldo. Ano ba ang buwenas na negosyo para sa akin? May dalawa kaming anak, madadagdagan pa ba ito? Mapagtatapos ko kaya ng pag-aaral sa kolehiyo ang aking mga anak? Ipinanganak ako noong Setyembre 3, 1970.

HENRY NG CAINTA, RIZAL

Dear Henry,

HINDI ka dapat naga-alala dahil makakaalis naman kayo sa squatter area at makakapagpundar ka ng sarili mong bahay at lupa. Mayroon kasing guhit na pumaitaas sa banding ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa middle finger). Nagsasabi rin ito na buwenas ka sa agribusiness kaya’t puwede kang magbiyahe o maglako ng mga isda, karne, gulay at prutas. Madadagdagan pa ang iyong anak at magiging lima silang lahat. May limang guhit kasi na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa kalamnan ng hinlalaki). Silang lahat ay makakatapos ng pag-aaral at makakatulong sa panahon ng iyong pagtanda. Mahahaba kasi ang mga naturang guhit. Marami kang pagsisikap sa buhay at matiyaga ka na magsisilbing pundasyon ng iyong tagumpay. May mumunting guhit kasi na pumaitaas mula sa kalagitnaan ng Life Line (tingnan ang bilog sa gitna).
----30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home