Wednesday, October 12, 2005

ermitanyo

Tiktik (13Oct05)

Dear Don Honesto,

MADALAS kong mapanaginipan ang isang matandang lalaki na may mahabang balbas. Naglalakad siya nang marahan gamit ang isang tungkod. Pero, marami siyang alahas sa katawan. Nang mapalapit ako ay hinubad niya ang kanyang kuwintas na kumikinang at ibinigay sa akin. Nang akmang aabutin ko na ay bigla naman akong nagising. Hinayang na hinayang ako kahit alam kong isa lamang itong panaginip. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Mayo 14, 1970.


ESTELA NG NAVOTAS, MM.

Dear Estela,

Kung ermitanyo ang napanaginipan mo, nagsasabi ito na ikaw ay may angking talino na maaari mongmagamit sa pag-unlad. Mayroon kang strong character pero madalas na sumusubra ang tiwala mo sa sarili mo. Ang balbas ay nagsasabi na ikaw ay may malakas na intuition na maaari mong i-develop o linangin. Kumbaga, malakas ang iyong extra-sensory perception kaya't maaari kang maging matagumpay na negosyante o maaari mong masapol ang mga resulta sa mga number games tulad sa lotto. Ang kuwintas na kumikinang ay nagsasabi na ikaw ay maraming natatagong talento at buwenas ka rin sa iyong mga anak na pawang matatalino at aasenso sa buhay. Katapat ng ermitanyo ay No.27; No. 7 ang tungkod;No. 30 ang kuwintas; No. 25 ang pag-abot; No. 33 ang makinang.Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 14 ay maging buwenas sa negosyo at paglalakb ay. Pinakabuwenas mo ang No. 5 at No. 3. Sa jai alai, isama mo ang No.8. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 2-6-11-19-23-28-34-36-40-42.
---30---



2.PALMISTRY

Abroad

Dear Sir Dennis,

NASIBAK ako sa trabaho kasi'y nalulugi daw ang aming pabrika. Nakakuha ako ng separation pay, ano bang negosyo ang bagay sa akin. Naga-apply ako sa abroad, matuloy kaya ako? May dalawa akong anak, sino sa kanila ang magtatagumpay. Ipinanganak ako noong Disyembre 26, 1972. Ipina-serox ko ang guhit ng aking palad at inilakip ko sa liham na ito upang masuri mo. Salamat po.

EDGAR NG CAVITE CITY

Dear Edgar,

WALA kang dapat ipag-aalala, kasi'y matutuloy ka naman sa pagtatrabaho sa ibang bansa. Mahaba kasi ang naabot ng dulo ng Life Line at nagkaroon ito ng mga sanga (tingnan ang bilog sa bandang pulso). Nagsasabi ito na buwenas ka sa lahat ng klase ng paglalakbay. Buwenas ka sa negosyo na nagbibiyahe ng produkto. Buwenas ka rin sa paga-aahente ng bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger). Makakatapos ng pag-aaral at magtatagumpay ang iyong dalawang anak kasi'y kapwa matikas at mahaha ang dalawang guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa bandang kalamnan ng hinlalaki).
---30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home