Wednesday, October 05, 2005

hinubad na sapatos

Tiktik (07Oct05)

Hinubad na sapatos

Dear Don Honesto,

MADALAS kong mapanaginipan na ako ay nananonood ng sine kasama ang isang kaibigan. Pinakahuli ay nanonood daw ako ng sine kasama ang isang kaibigan. Pero hinubad ko raw ang sapatos ko habang nanonood. At nang lumabas na kami sa sinehan ay nakatapak na ako. Natawa pa ako habang nagtatampisaw ang paa ko sa putik paglabas sa gusali, sabi ko sa kasama ko, sana'y ako sa bukid na maputik. Natawa lang siya. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Hunyo 3, 1970. Isa akong binata at wala akong girlfriend pero maraming kaibigang babae. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

THOR NG CALASIAO, PANGASINAN

Dear Thor,

ANG sine ay sumisimbolo sa tipikal na gulong buhay. Nangangahulugan ito na ikaw ay nasa proseso ng pagsusuri ng iyong buhay at ikaw ay lumalakad sa pinakatipikal na estilo. Ipinakikita rito na masaya ka sa pagiging simple ng iyong buhay. Ang sapatos ay sumisimbolo sa posisyon at dahil gusto mong maging pangkaraniwan lamang, okey lang sa iyo kahit wala kang posisyon o kahit nasa ordinaryong antas ka lang sa lipunan. Nangangahulugan ito na ikaw ay mapagpakumbaba. Ang kasama mo sa panaginip ay ang iyong pinaka-espesyal na kaibigan sa lahat, siya ang iyong lihim na mahal, at masaya ka kapag kasama mo siya. Ang putik ay nagsasabi na hindi ka rin makaiwas na gumawa ng mga kalokohan pero kontrolado mo ang mga sitwasyon.Kung basa ang lupa , ito ay nagsasabi na ikaw ay may strong sexual drives kaya't maaari kang makapag-asawa sa taong ito dili kaya'y sa 2006 kung saan matutupad mo rin ang iyong mga pangarap. Katapat ng sine ay No. 14; No. 39 ang sinehan; No. 6 ang kaibigan; No. 17 ang putik; No. 22 ang sapatos; No.10 ang nakapaa; Pinakabuwenas mo ang No. 3 at No.1. Sa jai alai, isama mo ang No. 9. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 4-9-11-19-23-27-34-38-40-42.
---30--

02. PALMISTRY

Okey sa negosyo

Dear Don Honesto,

ISA akong vendor sa palengke at ipina-serox ko na rin ang guhit ng palad ko upang maikonsulta ko kung paano ako uunlad o magiging klik ang hanapbuhay ko. Nagtitinda ako ng mga gulay pero maliit lang ang kita ko.May apat akong anak, sino sa kanila ang makakatapos ng pag-aaral at magtatagumpay? Makakapagpundar kaya ako ng sariling bahay at lupa? Ipinanganak ako noong Setyembre 4, 1970.
HEHERSON NG TONDO, MAYNILA
Dear Heherson,
KONTING tiyaga pa. Kasi'y makakaaahon ka naman sa hirap. Marami kasing guhit na pumaitaas mula sa Lifeline (tingnan ang bilog sa bandang gitna). Nagsasabi ito na uunlad ka pero kailangang magpatulo ka ng pawis. Maraming oportunidad ang lalapit sa iyo na dapat mong gamitin at huwag pakawalan. May guhit na nag-diagonal din sa bandang ilalim ng hinliliit (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng kalingkingan) na karaniwang nakikita sa matatagumpay na negosyante. Buwenas ka sa paglalako o pag-aalok ng paninda sa mga bahay-bahay. Makakatapos ng pag-aaral ang unang tatlo mong anak, maliban sa bunso na mag-aasawa nang maaga at makakahiwalay lang. Matitikas kasi ang unang tatlo sa apat na guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa kalamnan ng hinlalaki). Makakapagpundar ka rin ng sariling bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger).
--30--

6 Comments:

Blogger Unknown said...

Dear Don Honesto

Noon pa man nkakapanginip na po ako na laying nawawala and pares ng sapatos o tsinelas ko halimbawa na lamang NASA iskul daw ako tapos pag uwian na nawawala lagi and pares ng sapatos o tsinelas ko kaya no choice nayapak akong umuuwi ng bahay .. Paulit paulit po yun pero ngaun Hindi ko na po napapaginipan yun... Ano po kayang ibig sabihin nun .. Salamat po

8:46 PM  
Blogger Unknown said...

Dear Don Honesto

Noon pa man nkakapanginip na po ako na laying nawawala and pares ng sapatos o tsinelas ko halimbawa na lamang NASA iskul daw ako tapos pag uwian na nawawala lagi and pares ng sapatos o tsinelas ko kaya no choice nayapak akong umuuwi ng bahay .. Paulit paulit po yun pero ngaun Hindi ko na po napapaginipan yun... Ano po kayang ibig sabihin nun .. Salamat po

8:47 PM  
Blogger Argentina Antido said...

Dear Don Honesto,
Nanaginip p0 ko ng baha nkalutang ang pares ng sapatos ng amo ko lalake habang natutulog sa papag, halo halo kc panaginip ko Honesto, may nagbigay dw sakin ng 2 alahas bracelet klasmeyt ko nung elementary, pakakasalan dw ako pero habang katabi ko dw xa sa upuan hinihipuan dw nia ung boobs ko, nagalit daw ako at nagwala, ano po ba ibig savhin ng panaginip ko Don Honesto.? salamat po advanced sa,tug0n godbless and more p0wer.

7:52 PM  
Blogger Unknown said...

Dear don honest
Lately po madalas ko ma panaginipan na lagi ako nag susukat ng bago sapatos.isang shoe store.ano po ang ibig sabihin nun.salamat ho

8:42 PM  
Blogger Unknown said...

Hi ako po c Grace 32 taong gulang nanaginip po ako ng may nagwawala daw na wallet maraming tao sa aking panaginip tapos hinahanap NG hinahanap NG may ari NG wallet Kung Sino Ang kumuha nito tapos nagpunta kmi sa isang bahay doon ay hinubad ko Ang sapatos na suot na combat shoes na kulay itim at inilagay ko it sa ilalim NG upuan NG dumating Yung babae na naghahanap NG nawawalang wallet ay sinabe ko sa knya na Kung gsto nya hanapin nya sa paligid ng bahay tapos nakita nya Ang sapatos na NASA ilalim NG upuan kinuha nya Yung sapatos at kinapa nya NG kinapa tapos sabe nya parang may kakaiba sa sapatos na ito tinuklap nya Ang tahi ng saptos at nakita nya sa loob NG saptos Ang wallet na hinahanap nya kulay brown na maliit agad nya itong kinuha sabe mo sa knya paano mapupunta dyan Ang wallet e wala nmn akong kinuha sabe ko Kung gsto mo dalhin mo na lng ako sa prisinto para maimbestigahan Yan tapos sumaky kmi sa sasakyan na wlang bubong na kulay itim sumaky ako sa unahan sabe Nung babae ndi ka pwede sumakay dto sa unahan KC baka hulihin tayo makikita ka sa mga CCTV Kaya Ang ginawa ko lumipat ako sa likod madami kmi sa loob NG sasakyan at nagpaikot ikot kmi sa malawak n lugar pero ndi nmn kmi nakarating sa prisinto (naputol na KC nagising na ako)ano Kaya ibig sabhin nyan

11:53 PM  
Blogger Unknown said...

Hi, ako po si Gretchyrose, last night nakapanaginip po ako na may nag abot sakin ng sandals ko para isuot sa paa ko...taz may narinig po akong nagsabi ng numero 3..

9:29 AM  

Post a Comment

<< Home