Saturday, October 08, 2005

gitara, abroad (10okt05adv)

Tiktik (10Oct05)

Dear Don Honesto,

NAPANAGINIPAN ko po na ako ay naglalakad sa loob ng isang mall. Kasama ko raw ang mga kaklase ko noon sa high school. May tig-iisa raw kaming gitara at parang nagko-concert kami sa gitna ng isang bulwagan sa loob ng mall.Pero may biglang bumaha sa loob ng mall kaya’t nag-akyatan kami sa mataas na lugar. Nagsisigaw ako sa takot hanggang sa magising. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero na maaari kong gamitin sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Hulyo 4,1970.

DANIEL NG TAGUIG, MM.

Dear Daniel,

ANG mall ay sumisimbolo mismo sa iyong pagkatao nanagsasabi na nabibilang ka sa maykaya o mayamang pamilya. Isa kayo sa iginagalang sa inyong lugar. Kung kasama mo ang iyong mga kaklase, malinaw dito na ikaw ay nananatiling may tendency pa rin na maging childish o hindi ka seryoso sa buhay na siyang dumidiskaril sa iyong pag-unlad. Kung may gitarakayo, malinaw na ipinapayo ng panaginip na dapat ay maging organized ang iyong mga pagkilos o maging sistematiko upang magtagumpay ka. Kung bumaha, malinaw na sinasabi na ikaw ay may strong sexual drives na dapat mong makontrol upang hindi ka mapahamak. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2008 kung saan makakaranas ka ng pambihirang buwenas. Katapat ng mall ay No.27; No. 28 ang gitara; No. 17 ang paggimik; No. 49 ang maraming tao;No. 40 ang baha. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 4 ay makaranas ng pambihirang buwenas na hindi mo sukat-akalain. Pinakabuwenas mo ang No. 4 at No.1. Sa jai alai, isama mo ang No. 9. Sa lotto, pumulot ka sa 5, 9, 11, 19, 23, 28, 34, at 40.
----30—

02. PALMISTRY

Abroad, house and lot

Dear Sir Dennis,

REGULAR akong nagbabasa ng kolum mo at nais kong bigyan mo ng kahulugan ang guhit ng aking palad. Inilakip ko ang xerox copy nito sa liham na ito. Gusto ko kasing itanong kung makakapag-abroad ba ako? Wala na kasi akong nakikitang tsansa upang makaahon sa hirap. Maliit lang ang suweldo dito at kahit ano ang gawin ko, wala pa ring pagbabago. Anong negosyo ba ang buwenas sa akin? May dalawa akong anak na nag-aral sino sa kanila ang magtatagumpay? Nangungupahan lang ako ng bahay, makapagpupundar ba ako ng sariling bahay at lupa? Ipinanganak ako noong Mayo 17, 1974.

CENEN NG NOVALICHES, QC

Dear Cenen,

WALA ka naman dapat ipag-alala, kasi’y matutuloy ka naman sa pagtatrabaho sa ibang bansa. Mahaba kasi ang dulo ng Life Line at nagkaroon din ito ng sanga (tingnan ang bilog sa bandang pulso). Nagsasabi ito na buwenas ka sa lahat ng klase ng paglalakbay at maraming bansa ang mararating mo.Buwenas ka sa negosyo na naglalako o nagbibiyahe ng mga produkto kasi’y may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng kalingkingan (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng hinliliit). Karaniwang nakikita ito sa matatagumpay na negosyante. Makakatapos naman ng pag-aaral at kapwa magtatagumpay ang iyong dalawang anak. Kasi’y matitikas at mahahaba ang dalawang guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa bandang kalamnan ng hinlalaki).Makakatulong sila sa panahon ng iyong pagtanda. Makakapagpundar ka rin ng sarili mong bahay at lupa kasi’y may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng middle finger (tignan ang bilog sa bandang ilalim ng hinlalato).

0 Comments:

Post a Comment

<< Home