Tuesday, October 11, 2005

langoy sa baha

Tiktik (12okt05)

Dear Don Honesto,

Gusto ko po sana magpa-interpret ng dream. Kagabi po nanaginip ako na may matinding baha daw na naganap. Sana wala namang ibig sabihing masama ito. Mataas daw ang tubig na nagpalubog sa mga kabahayan. Ako daw po ay lumalangoy para makaligtas. Ang pinagtataka ko lang po, gayong ang mga kabahayan ay lubog na pero ang mga halamang may mahahaba at matutulis na dahon (parang dahon ng pinya pero mas mahahaba) ay nakaangat pa rin at nakakapit sa lupa. Hinahawi ko raw ang mga ito. Habang lumulutang po ako, may nakita akong asong kulay beige na nakasakay sa isang waterlily. Tapos nakakita ako ng malaking planggana at sumakay ako doon at ginawa kong parang bangka. Pagkatapos ng eksena na iyon, lumipat ang setting sa boarding haus ko. Ewan ko pero biglang andun iyong kaopisina kong lalaki (na may girlfriend na). Gumagawa daw ako nang mga oras na iyon ng isang malapad na sumbrero (kasinlapad ng bilao) na kulay pink at may mga feathers din na pink sa gilid. Sinusuot ko daw ung sumbrero pero nahihirapan ako kaya tinulungan ako ng kaopisina kong lalaki. Magkatapat na daw ang aming mga mukha pero umiiwas daw ako sa mukha nya dahil naiilang daw ako. Pagkatapos nung mapaharap ako sa kanya, dahan-dahan nya daw akong hinalikan sa labi. Nung una, di daw ako nagri-respond pero nung nagtangka na naman siyang humalik, eh naramdaman ko na raw ang init at lambot ng kanyang mga labi kaya gumanti na rin ako sa halik nya. At ayun po, naputol na ang panaginip ko dahil nagising na po ako.

FATIMA NG CAVITE (nicebaby@yahoo.com)

Dear Fatima,

HINDI mo binanggit ang petsa ng iyong kaarawan, pero ang tubig o malaking baha at maging ang mga matutulis na dahon ay karaniwang napapanaginipan ng mga dalaga o walang asawa kasi’y nangangahulugan ito na ikaw ay may strong sexual drives. Hindi ito nakakahiya kasi’y normal lamang sa tulad mo.Minsan ay apoy naman, baril, isda o anumang matutulis o madudulas na bagay ang mapapanaginipan mo. Sinisimbolo nito ang iyong sexual life na lihim mo naming itinatago kaya’t sa panaginip ito lumalabas sa porma ng simbolo.Karaniwang napapanagipan ito ng mga may boyfriend o sabik na makipag-date kaya’t nagkakatotoo sa panaginip.Ang lalaki sa panaginip ay nagsasabi na ikaw ay nagiging strong o nagkakaroon ng lakas na makapagdesisyon nang nag-iisa o maging independent-minded.Ikaw rin mismo ang lalaking nakita mo, gusto mo magkaroon ng strong character!Ang bahay ay ikaw rin ang sinisimbolo na nagsasabi na nadadarang ka sa tukso, espefically, sexual act.Mag-ingat ka, baka ka mabuntis! Ang aso ay sumisimbolo sa isang kaibigan na maaaring nagbabalatkayo pero may “lihim” siyang pagnanasa sa iyo.Ang waterlily ay nagsasabi na maaaring matangay ka ng emosyon pero natatakot ka naming mabaon sa tukso o problema kaya’t naghahanap ka rin ng TAGAPAGLIGTAS sakaling mapahamak ka. Kumbaga, Fatima, malapit ka nang bumigay o nagtatangka ka ring tumakas sa “kalokohan” hanggga’t hindi ka pa nabubulid sa putik. Ang sombrero ay sumisimbolo ng iyong pagnanais na maging marangal pa rin sa “mata ng mga tao”—at ilan din ay pagkukunwari lamang.Sinisikap mo ring dayain ang paligid mo o ang mga bago mong kakilala upang maging angat ka sa kanilang pananaw. Kung nakipag-lips-to-lips ka, aktuwal itong nagpapatotoo na nasasabik ka sa isang masayang romansa na nagpapatunay na isa kang normal na nilalang. Mahaba na. Salamat sa iyo.

02. PALMISTRY

Makakaahon sa hirap

Dear Sir Dennis,

IPINA-SEROX ko ang guhit ng aking palad at inilakip ko ang kopya sa liham na ito. May pag-asa ba akong makakita ng matatag na trabaho? Palagi na lang kasing contractual ang trabaho ko sa mga mall. College graduate ako pero hindi naman ako makakuha ng angkop na puwesto. Pangarap kong mag-abroad, matuloy kaya ako? Dalaga ako pero walang boyfriend. Makapag-aasawa na ako nang maayos? Ilan ang magiging anak ko? Ipinanganak ako noong Agosto 5, 1980.

TERESA NG BALAYAN, BATANGAS

Dear Teresa,

SIYEMPRE naman. Makakatagpo ka rin ng matatag na trabaho, basta patuloy ka lang sa pagkilos at pagtitiyaga. Makakaahon ka sa hirap. Kasi’y maraming guhit ang pumaitaas mula sa Life Line (tingnan ang bilog sa bandang gitna). Nagsasabi ito na ikaw ay uunlad pero magdaraan talaga sa pagpapatulo ng pawis. Matutuloy ka rin sa pagtatrabaho sa ibang bansa kasi’y malawak ang naabot ng dulo ng Life Line at nagkaroon ito ng mga sanga (tingnan ang bilog sa bandang pulso). Nagpapahiwatig ito na maraming bansa ang mararating mo at buwenas ka sa paglalakbay. Makakapag-asawa ka naman at kung sino ang iyong magiging boyfriend at siya nang makakatuluyan mo. Nagsosolo kasi ang guhit sa tagiliran ng palad (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng hinliliit). Masarap kang magmamahal at magkakaroon ka ng tatlong anak. Kasi’y may tatlong guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa kalamnan ng hinlalaki).
---30---

2 Comments:

Blogger Unknown said...

Nanaginip po ako kagabi na lumalangoy daw ako sa baha na umaagos anu po bang ibig sabihin nun? Sept19 bday ko at may asawa't anak na po ako.. Tnx po sana ay matulungan nyo akong maintindihan ang panaginip ko..

8:59 PM  
Blogger Unknown said...

Nanaginip aq sa aming lugar kung saan napakalakas ang baha at lahat kmi ay nkatawid nmn kasama pamilya q...tapos ngbibigayan kmi ng pera, anu po ang ibig sabihin sa panaginip q...

8:16 PM  

Post a Comment

<< Home