Tuesday, October 04, 2005

tampisaw

Tiktik (06Oct05)

Tampisaw

Dear Don Honesto,

BAKIT kaya madalas kong mapanaginipan na ako ay nagtatampisaw sa isang mababaw na ilog o batis? Pero nakaupo lang ako sa parang pilapil at ang tanging nakababad sa tubig ay ang aking mga paa. Nagsosolo lang ako sa kalagitnaan ng sinag ng buwan sa gitna ng madilim na paligid. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Mayo 26, 1980. Isa akonmg GRO sa isang club. Maty pumatol pa kaya sa aking binata sa kabila ng aking karanasan? Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.


MERRY NG FRISCO, QC

Dear Merry,

KUNG nagtapisaw ka lamang, nangangahulugang kahit paano ay natutukso ka sa bawal na pag-ibig. Pero, sinisikap mong kontrolin ang iyong libido at tukso sa relasyon. Ang tubig kasi ay nagsasabi na ikaw ay may strong sexual drives na dapat mong makontrol. Marami kang magiging karelasyon pero walang magiging seryoso. Ang dilim ay nagsasabi na may lihim kang takot sa magaganap sa hinaharap.Walang direksiyon ang iyong future. Pero, kung may sinag ang buwan, nangangahulugan ito na may isang tao na magliligtas sa iyo mula sa kapahamakan at siya ay isang lalaki na kilalang sa iginagalang na angkan. Makapag-aasawa ka nang maayos at magiging masaya ang iyong pagtanda. Katapat ng ilog ay No.11; No. 22 ang tampisaw; No. 20 ang buwan; No. 35 ang dilim. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 26 ay maging malungkutin at makaranas ng dagok ng buhay sa panahon ng kabataan. Pinakabuwenas mo ang No.8 at No.1 Sa jai alai, isama mo ang No. 6. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-19-22-29-34-37-40-42.
---30—--


02. PALMISTRY

Abroad

Dear Sir Dennis,

PALAGI akong nagbabasa ng kolum mo at nagpa-zerox na rin ako ng guhit ng palad upang malaman ang kahulugan nito? May pag-asa ba akong makapag-abroad? May dalawa akong anak na nag-aaral, mapagtapos ko kaya sila sa kolehiyo? Isa lamang akong ordinaryong empleado. Anong negosyo ang bagay sa akin? Ipinanganak ako noong Nobyembre 3, 1960.


ARTEMIO NG PASIG CITY

Dear Artemio,

ITULOY mo lamang ang paga-apply ng trabaho sa ibang bansa. Kasi’y matutuloy ka naman at makapagtatrabaho sa abroad. Maraming lugar ang mararating mo. Mahaba kasi ang iyong Life Line at nakaabot ito sa banding pulso at may mga sanga (tingnan ang bilog sa banding pulso). Nagsasabi ito na buwenas ka sa paglalakbay. Makakatapos din ng pag-aaral ang iyong dalawang anak kasi’y may dalawang guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa banding kalamnan ng hinlalaki). Nagsasabi ito na makakatulong sila sa iyong pagtanda dahil magtatagumpay sila sa larangan na kanilang papasukin. Buwenas ka sa negosyo na may kaugnayan sa serbisyo tulad ng repair shop o passenger vehicles dahil may guhit na pumaitaas sa banding ilalim ng palasingsing (tingna nang bilog sa banding ilalim ng ring finger).
---30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home