Sunday, October 02, 2005

roleta

Tiktik (04Oct05)

Dear Don Honesto,

NAPANAGINIPAN ko na ako ay nagpapaikot ng isang roleta na para bang isa akong host o emcee sa isang programa na may mga palaro sa mga contestant. Marami raw ang sumasali at kapag nasasapol ng arrow ang puwesto ng jackpot ay nagsisigawan ang mga tao. Pero, biglang umulan nang ubod ng lakas ay bumaha sa paligid. Natakot ang mga tao at nagsigawan. Nagtatakbo naman ako sa isang bubong at doon ako nagdasal nang nagdasal hanggang sa magising ako. Ipinanganak ako noong Pebrero 5, 1970. May dalawa akong anak at isa akong ordinaryong kawani sa isang pribadong opisina. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na yung puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.

EDNA NG TANDANG SORA. QC

Dear Edna,

ANG roleta ay nagsasabi na ikaw ay dumaranas ng tipikal na agos ng buhay—nagsasalitan lamang ang saya at tuwa, kabiguan at tagumpay. Nakatikim ka na ng tagumpay pero nagtaka ka dahil panandaliang lamang. Nagkaroon ka ng problema, pero nagulat ka rin nang kusang malutas ito nang hindi mo inaasahan. Paulit-ulit mong mararanasan yan. Ang paglalaro tulad sa roleta ay nagsasabi na hindi ka dapat maging masyadong maramdamin o ituring ang mga kabiguan ay isang malaking dagok ng kapalaran na hindi malulutas.Ituring mo itong bahagi ng buhay at isang malaking paghamon ito sa iyong kakayahan. Ang jackpot ay sumisimbolo sa iyong mga hilaw na pangarap na mahirap matupad sa aktuwal na buhay pero nagaganap sa loob ng panaginip.Ang pag-ulan o pagbaha ay nagasabi na ikaw at may strong sexual drives kaya’t dapat makontrol mo ito upang hindi ka mapahamak.Katapat ng roleta ay No. 30; No. 27 ang jackpot; No. 11 ang ulan; No. 40 ang baha; No. 13 ang contestant; No.19 ang pagsigaw. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 5 ay madaling maimpluwensiyahan ng paligid at pabago-bago ng desisyon pero buwenas sa paglalakbay. Pinakabuwenas mo ang No. 5 at No.1. Sa jai alai, isama mo ang No.10. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-19-26-34-38-40-42.
----30—

02. PALMISTRY

Makakatapos sa kolehiyo

Dear Sir Dennis,

NATUKSO na rin akong magpa-serox ng guhit ng palad. Gusto ko kasing malaman kung may pag-asa pa akong makaahon sa hirap. College dropout ako at gusto kong ipagpatuloy ang pag-aaral ko upang makatapos, magawa ko kaya ito? Isa akong messenger sa isang private office. Binata pa ako pero walang nobya, makapag-aasawa pa kaya ako? Ilan ang aking magiging anak? Puwede mo ba akong maihanap ng kaibigang babae sa pamamagitan ng kolum mo? Ipinanganak ako noong Hunyo 17, 1979.

GENER NG ANTIPOLO CITY

Dear Gener,

ITULOY mo lamang ang mga pagsisikap mo dahil makakatapos ka naman ng pag-aaral sa kolehiyo. May nag-parallel kasing guhit paitaas sa bandang ilalim ng palasingsingan (tingnan ang bilog sa ilalim ng ring finger). Nagsasabi ito na ikaw ay magiging bihasa sa dalawang larangang magkahiwalay. Makakaahon ka sa hirap at giginhawa ang buhay nang hindi mo sukat-akalain. Makakapag-asawa ka naman at kung sino ang maging nobya mo ay siya nang makakatuluyan mo. May nagsosolo kasing guhit sa tagiliran ng palad sa banding ilalim ng hinliliit (tingnan ang bilog sa banding ilalim ng kalingkingan). Magkakaroon ka ng dalawang anak kasi’y may dalawang guhit na nag-parallel paitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa bandang kalamnan ng hinlalaki). Inilathala ko na ang pangalan mo at bahala na ang ating mga mambabasa na mag-react kung interesado sila na maging kaibigan ka. Ipadadala ko na lamang sa ibinigay mong address ang liham ng mga taong magpapaunlak sa iyo.
---30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home