Friday, September 30, 2005

sayaw sa entablado

Tiktik (02Oct05)

Dear Don Honesto,

MADALAS ko pong mapanaginipan na ako ay nagsasayaw sa ibabaw ng entablado at magaslaw ang aking number na parang isa akong sex bomb dancers. Nagpapalakpakan ang mga tao at nagsisigaw. Pero biglang umulan at nagtakbuhan silang lahat. Naiwan akong mag-isa sa entablado pero dumating ang isang napakakisig na binata at binuhat niya ako papasok sa kanyang kotse. Tuwang tuwa ako hanggang sa magising. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Isa akong salesclerk sa isang mall. Maliit lang ang suweldo pero nangangarap akong umasenso baling –araw. Ipinanganak ako noong Agosto 3, 1982.


MIRASOL NG MALABON CITY

Dear Mirasol,

KUNG nagsasayaw ka, nangangahulugan ito na mahusay kang makisama o makibagay sa mga taong nasa paligid mo. Marami kang kaibigan at mula sa kanilang hanay ay may isang tao na mag-aalok sa iyo ng oportunidad kung saan magpapasimula ang iyong pag-unlad. Kung magaslaw ang mga sayaw, nagsasabi ito na ikaw ay may sobrang lakas ng loob at kadalasan napapahamak dahil sa sobrang tiwala sa sarili—ang lahat ng sobra ay masama kaya’t dapat na maging makatotohanan ka at praktikal. Ang entablado ay nagsasabi na ikaw ay mapapabilang sa alta- sosyedad sa pagdating mo sa kalagitnaan ng iyong buhay. May strong personality ka dahil napaaginipan mo ang isang makisig na lalaki. Ang kotse ay nagbabadya na ikaw at dapat magkaroon ng direksiyon sa buhay at ditto mo ipokus ang iyong isip, panahon at resources upang mabilis na umunlad. Katapat ng sayaw at No. 14; No. 40 ang entablado; No. 33 ang sex bomb dancer; No. 11 ang ulan; No. 49 ang maraming tao. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 3 ay maging martir sa pag-ibig at masarap magmahal. Pinakabuwenas mo ang No. 3 at No.1. sa jai alai, isama mo ang No. 8. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-18-23-27-30-36-40-42.
----30—

02. PALMISTRY

Mag-aabroad

Dear Sir Dennis,

REGULAR akong nagbabasa ng kolum mo at nais kong malaman ang kahulugan ng guhit ng aking palad kaya’t ipina-serox ko ito at inilakip ko ang kopya sa liham na ito. May pag-asa pa akong makapag-abroad. Naboboring na ako sa pagiging ordinaryong empleado. Gusto kong mapag-aaral ang dalawa kong anak sa kolehiyo, magawa ko kaya ito? Nakatira lang kami sa apartment at nangungupahan, magawa ko kayang magpundar ng sariling bahay at lupa? Ipinanganak ako noong Hunyo 2, 1975.

GIOFFREY NG LINGAYEN, PANGASINAN

Dear Gioffrey,

ITULOY mo lamang ang pag-aayos ng mga dokumento at pag-aapply sa abroad dahil matutuloy ka naman. Mahaba kasi ang naabot ng dulo ng Life Line at nagkaroon pa ito ng sanga (tingnan ang bilog sa banding pulso). Nagsasabi ito na ikaw ay buwenas sa lahat ng klase ng paglalakbay. Buwenas ka sa paglalako ng mga produkto o export-import business sa hinaharap. Wala kang dapat ipag-alala sa dalawa mong anak, kasi’y makakatapos naman sila ng pag-aaral sa kolehiyo. Mahahaba at matitikas ang dalawang guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa kalamnan ng hinlalaki). Nagsasabi na magiging matagumpay ang iyong mga anak na kapwa makakatulong sa panahon ng iyong pagtanda. Magagawa mo ring makapagpundar ng sariling bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa banding ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa banding ilalim ng middle finger). Nagsasabi iyan na ikaw ay buwenas sa real estate at lahat ng may kaugnayan sa lupa.
--30---

1 Comments:

Blogger Unknown said...

Nabangga ang sinasakyan kong jeep sa gutter hindi naman ako naano...

Tapos galing naman ako sa itaas maulap kailangan makabalik ako sa lupa sa pagtalon sa isang puwang na ulap .

5:20 AM  

Post a Comment

<< Home