pabalik-balik
Tiktik (09Oct05)
Dear Don Honesto,
Tatlong sunud-sunod na gabi ko nang napapanaginipan ang isa kong kaibigang lalaki noong high school. Sa unang panaginip, masaya siya nu'ng makita ako at sinabing tutulungan niya ako pero umiiyak siya dahil sa personal ding problema. Sa ikalawa kong panaginip, naroon siya muli kasama ng iba ko pang kaklase noong high school, katulad nu'ng dati, masaya kaming nagbibiruan. Sa ikatlo kong panaginip, tinawagan niya ako at kinumusta, hiningi ko ang number niya pero hindi niya ibinigay pero sabi niya tutulungan daw niya ako. Hanggang sa magising na lang ako, dala ang kanyang sinabi. Pareho kaming libra at magkasunod ang araw ng aming kapanganakan, pareho rin kami ng uri ng trabaho. Ano kaya ang pakahulugan nito?
KULET ng SAN GUILLERMO, ISABELA
Dear Kulet,
MUKHANG kinulet ka ng kaibigan mo sa iyong panaginip.Una, malinaw na may mabigat kang problema na hindi mo maikuwento kahit kanginong kaibigan—sinasarili mo kaya’t pumasok nang tatlong sunod sa panaginip ang iyong “friend”.Ang susi ng iyong panaginip ay hindi ang aktuwal mong “kaibigan”—kundi ang sinisimbolo nito sa iyong buhay. Ibig sabihin, suriin mong mabuti kung ano ang “prominent character traits, relationship with him, o kakaiba niyang asal o ugali”—at ito ang ipinahihiwatig ng iyong panaginip. Ginagamit lamang ang “iyong friend” upang I-represent ang isa pang “tao o sitwasyon o emosyon” sa iyong buhay—at iyan mismo ang iyong “very personal problem”. Tila masyadong personal o confidential ang iyong problema kasi’y tatlong magkakasunod na gabi ito—at may “urgency” kasi’y nagugulo ang iyong subconscious! May problema ka, pero problema mo mismo ang proseso sa pagresolba nito! Malinaw ditto na naghihintay ka ng “saklolo” na ikinakatawan ng kaibigan mo sa panaginip—at ang pangakong tutulungan ka—ay isang MATAMIS NA AWITIN sa iyong kaluluwa! Kung pareho kayong LIBRA at magkadikit ang petsa ng kaarawan—nangangahulugang IKAW MISMO ANG MAKAKATULONG SA SARILI MO, wala nang iba pa.Ang lalaki sa panaginip ay nagsasabi na ikaw ay nagkakaroon na ng “strong character”—ay iyan ang susi sa iyong mga problema, maipatutupad mo na ang anumang desisyon na alam mong makakatulong sa iyo—nang walang atubili at pagsisisi sa hinaharap.
----30—
02. PALMISTRY
Makakapag-abroad
Dear Sir Dennis,
IPINA-SEROX ko na ang guhit ng aking palad at inilakip ko ang kopya sa liham na ito. Gusto ko kasing itanong kung magkakaroon ako ng matatag na trabaho o hanapbuhay. Laging kasing casual at contractual ang napapasukan kong trabaho at naboboring na ako. Hindi ako makaaalis kasi’y mahirap maghanap ng bagong mapapasukna. Balak kong mag-abroad, matuloy kaya ako? Pangarap kong makapagpundar ng sariling bahay at lupa, magawa ko kaya ito? Binata pa ako, makakapag-aasawa kaya ako nang maayos? Ipinanganak ako noong Marso 5, 1982.
RAMIRO NG TONDO, MAYNILA
Dear Ramiro,
MARAMI kang pagsisikap sa buhay at tiyak na uunlad ang iyong buhay. May sumulpot kasing mga guhit paitaas sa mga daliri na nagmula sa Life Line (tingnan ang bilog sa gitna). Nagsasabi ito na ikaw ay matiyaga, masinop at masipag na magsisilbing pundasyon ng iyong pagtatagumpay. Makakapag-abroad ka rin dahil may sanga at mahaba ang dulo ng Life Line (tingnan ang bilog sa bandang pulso). Nagsasabi ito na buwenas ka sa lahat ng klase ng paglalakbay. Makakapagpundar ka ng sariling bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger). Buwenas ka sa lahat ng klase na may kaugnayan sa lupa. Kung sino ang maging girlfriend mo ay siya nang mapapangasawa mo dahil nagsosolo ang marriage line o guhit sa tagiliran ng palad (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng hinliliit).
---30--

0 Comments:
Post a Comment
<< Home