Monday, October 03, 2005

mabangis na hayop

Tiktik (05Oct05)

Dear Don Honesto,

NAPANAGINIPAN ko po ang isang mabangis na hayop na sumunggab sa akin sa gitna ng gubat. Pero nakatakbo ako ay umakyat sa isang punong kahoy. Nagpipilit din ang hayop na umakyat pero nanatili akong nakakapit sa mga sanga. Takot na takot ako. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Mayo 17, 1980. Bagong pasok lang ako sa trabaho pero napapagitna agad ako sa intriga. Hindi na yata ako makakatagal sa trabahong ito kahit bagong pasok lang ako.Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

SUSAN NG TAGAYTAY CITY

Dear Susan,

ANG hayop sa panaginip ay repleksiyon ng iyong charater traits. Kung mabangis, iyan mismo ang iyong bad traits. Ibig sabihin, mayroon kang masamang ugali na agad nabisto ng iyong mga kasamahan sa opisina. Naiirita sila sa iyo. Kailangan mong matanggap ang mapait na katotohanang ito. Suriin mong mabuti ang iyong sarili at sikaping malaman kung ano ang mismong bad traits na ito upang masolusyonan mo ang problema. Kapag hindi mo ito nagawa, kahit saang opisina ay hindi ka magtatagal sa pagtatrabaho. Ang punong kahoy ay ang iyong hilaw na pangarap na magtagumpay sa buhay pero madidiskaril ito ng iyong bad traits. Ang pag-akyat ay nagsasabi na nagtatangka kang umunlad at magagawa mo ito sa pagsapit ng maturity period. Katapat ng hayop ay No. 2; kung mabangis ay No. 18; No. 29 ang puno; No. 23 ang pag-akyat; No. 17 ang takot. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 17 ay makaranas ng mga lihim na lungkot pero kung magkakaroon ng disiplina ay makakarating sa pinakamataas na antas ng tagumpay. Pinakabuwenas mo ang No. 8 at No.1. Sa jai alai, isama mo ang No.10. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-19-22-28-34-38-40-42.
---30--

02. PALMISTRY

House and lot

Dear Sir Dennis,

NAGPA-XEROX na rin ako ng guhit ng palad. Nais ko kasing malaman kung magkakaroon kami ng sariling bahay at lupa. Nangungupahan lang kasi kami sa apartment. May apat akong anak na nag-aaral, sino kaya sa kanila ang magtatagumpay? Anong negosyo ba ang bagay sa akin? Ipinanganak ako noong Agosto 17, 1970.
DINDO NG MASINLOC, ZAMBALES
Dear Dindo,
WALA kang dapat ipag-alala, kasi'y makakapagpundar ka naman ng sarili mong bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger). Nagsasabi ito na ikaw ay buwenas sa lahat ng may kaugnayan sa lupa kaya't walang duda na magkakaroon ka ng sariling tirahan. Makakatapos naman ng pag-aaral ang apat mong anak at pawang magtatagumpay sila. Matitikas at mahahaba kasi ang apat na guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa kalamnan ng hinlalaki). Nagsasabi ito na makakatulong ang iyong mga anak sa panahon ng iyong pagtanda. Buwenas ka sa mga negosyo na nagbibiyahe ng produkto kasi'y may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinliliit (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng kalingkingan).
---30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home