Wednesday, September 28, 2005

antuking driver

Tiktik (30Sep05)

Nakatulog sa pagda-drive

Dear Don Honesto,

NANAGINIP ako kagabi, parang totoo. Pero buti na lang, panaginip lang ang lahat. It's just that I was driving on my way to Manila pero sa sobrang antok, di ko napigilang makatulog! As in feeling ko, gusto kong gumising dahil nagda-drive ako, pero di ako magising... di ko alam kung nabangga yung sasakyan sa panaginip ko, dahil nakatulog nga ako, basta feeling ko, parang nabangga siya, pero di ko nakita. Bigla na lang akong nagising, at nagulat ako, nakahiga na ako sa kwarto ko sa bahay. parang totoo talaga. ang nasa isip ko nga, nabangga ba ako?? nasa hospital ba ako? till I realized, panaginip lang ang lahat.A piece of advise para sa inyong lahat... if you want to live longer, no matter how hard or tough life is, keep on breathing! Ano kaya ang meaning ng dreams ko?

MARHGIL

Dear Marhgil,

MABUTI naman at panaginip nga lang at hindi totoo ang eksena, kasi’y hindi mo sana mababasa ang sagot ko, at hindi ka rin makapasyal sa BLOG ko. Kaya nagpapasalamat din ako ay "nagising ka". Biro lang. Malinaw dito na pagod-na-pagod ka bago ka nakatulog. Maging ang aktuwal na antok at natangay mo sa panaginip. Naunang nakatulog ang iyong pisikal na katawan kaya’t nang mag-half sleep ka, hindi mo na agad "nagising o naigalaw"ang anumang bahagi ng iyong pisikal na katawan. Sa aktuwal, medyo nag-panic ka, kasi’y inakala mo talagang "the end" ka na. Maraming ganyang klase ng panaginip kung saan ang ibang insidente ay nauuwi sa aktuwal na bangungot at ang iba naman ay inaatake ng nerbiyos o atake sa puso sa sobrang panic. Huwag kang kumain nang marami at biglang matutulog. Anyway, ang pagda-drive ay nagsasabi na ikaw ay may kakayahang magdesisyon at sinisikap mong maging independent sa lahat ng bagay. Ikaw ang may kontrol sa iyong buhay—malaya ka mula sa impluwensiya ng iyong mga magulang, at iyan ang nais mong mangyari sa buhay mo. Pero, sa iyong subconscious, nagdududa ka pa rin kung may kakayahan kang maging "independent" dili kaya’y may lihim kang takot na "magkamali sa desisyon". Ang lansangan o kalsada ay aktuwal na repleksiyon ng iyong buhay—kung saan ikaw mismo ang aktuwal na didiskarte kung ano ang nais mong gawin sa buhay mo. Kung inakala mo nabangga o naaksidente ang sasakyan—malinaw dito na may lihim kang TAKOT NA MABIGO! At kung inaantok ka sa loob ng panaginip—nalalabuan ka sa iyong magiging kapalaran sa hinaharap. Dapat mong maunawaan na ang kabiguan at tagumpay ay bahagi ng proseso ng buhay—walang taong palaging bigo, wala ring palaging tagumpay. Nasa pagtingin lang ang lahat ng resulta ng bagay. Ang taong nakikita mong tagumpay ay simpleng nakabatay sa iyong personal na depinisyon ng "success" at ang pagtingin mo na ikaw ay bigo, ay personal na "pangtanggap" mo sa mga nagaganap. Ang bigo sa iyong pagtingin ay maaaring tagumpay sa ibang pananaw at ang tagumpay sa pananaw ng iba—ay maaaring kabiguan sa sarili mong panukat. Teka, mahaba na—baka makatulog ka uli—at mabangga ka na naman.Maraming .Salamat sa iyo.
----30—


02. PALMISTRY

House and lot

Dear Sir Dennis,

PALAGI akong nagbabasa ng kolum mo at nagpa-zerox na rin ako ng guhit ng palad. Nais kong itanong kung may pag-asa akong makapagpundar ng sariling bahay at lupa.Pinalalayas na kasi sa lupa na kinatitirikan ng aming bahay. Balak kong mag-housing loan sa SSS, matuloy kaya ito? May apat akong anak na nag-aaral, makatapos kaya sila sa kolehiyo? Nagtangka akong mag-abroad, pero palagi akong napepeke, makapagtrabaho kaya ako sa ibang bansa?Ipinanganak ako noong Setyembre 2, 1970.

EDIZON NG TRECE MARTIREZ CITY

Dear Edizon,

ITULOY mo lamang ang pag-aayos ng mgadokumento at papeles sa housing loan, dahil matutupad ang pangarap mong magkaroon ng sariling bahay at lupa. May guhit kasi na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger).Nagsasabi ito na ikaw ay magkakaroon ng real estate property at buwenas sa lahat ng may kaugnayan sa lupa. Makakatapos naman sa pag-aaral sa kolehiyo ang apat mong anak dahil pawang matitikas at mahahaba ang apat na guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnanang bilog sa kalamnan ng hinlalaki). Nagsasabi ito na ikaw magtatatagumpay ang iyong mga anak at pawang makakatulong sila sapanahon ng iyong pagtanda.Magagawa mo kasing makapagtrabaho sa iyong bansa at maraming lugar ang mararating mo. Mahaba kasi ang naabot ng dulo ng Life Line at nagkaroon pa ito ng mga sanga (tingnan ang bilog sa bandang pulso).
----30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home