Sunday, September 25, 2005

rebulto

Tiktik (27Sep05)

Dear Don Honesto,

NAPANAGINIPAN ko po na ako ay nagtutulak ng isang kariton na parang isa akong basurero. Pero ang laman ng kariton at rebulto ng Santo na para namang ako ay nagpuprusisyon sa gitna ng kalsada. Marami raw tao ang nakahilera sa daan ay pinanonood ang aking pagdaan. Pero biglang pumatak ang malakas na ulan kaya’t pinabilis ko ang pagtutulak na parang lumilipad na ako hanggang sa lumutang ako sa hangin kasama ang kariton. Nagsisigaw ako sa takot hanggang sa magising. Bigyan mo ako ng buwenas na numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Agosto 5, 1980. Dalaga pa ako at isang salesclerk sa isang mall.

LETTY NG NASUGBU, BATANGAS

Dear Letty,

ANG kariton ay nagsasabi na ikaw ay nabibilang sa mga ordinaryong tao o sa pamilya na halos ay isang-kahig, isang-tuka. Mahalaga para iyo ang trabaho. Ang rebulto ng Santo ay nagsasabi na ikaw ay likas na mabait at mapagkakatiwalaan. Ang prusisyon o parade ay nagpapahiwatig na maraming tao ang maaaring tumulong sa iyo upang umunlad ka. Ang pag-ulan ay nagpapahiwatig na ikaw ay may strong sexual drives kaya’t maaari ring magamit mo ang pakikipagrelasyon sa opposite sex upang guminhawa ang buhay. Kung lumipad ka, nagsasabi ito na madalas kang magpantasya at mangarap nang malayo sa katotohanan. Maging praktikal ka upang makaiwas sa kabiguan. Katapat ng kariton ay No. 8; No. rebulto ay No. 17 ;No.11 ang kalsada; No. 33 ang pagtutulak; No. 38 ang ulan; No. 41 ang paglipad. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 5 ay magkaroon ng maraming kaibigan at buwenas sa paglalakbay at negosyo. Pinakabuwenas mo ang No. 5 at No.1. Sa jai alai, isama mo ang No. 9. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-26-30-34-36-40-42.
---30—

02. PALMISTRY

Bigtaym ang magiging dyowa

Dear Sir Dennis,

NATUKSO na rin akong magpa-zerox ng guhit ng palad at inilakip ko dito sa aking liham ang kopya.Gusto ko kasing itanong kung magkakaroon pa ako ng matatag na trabaho. Namamasukan ako sa isang food chain pero puro kontrata lang ay wala pa sa minimum ang suweldo ko. Dalaga pa ako pero marami ang nanliligaw. Makapag-asawa kaya ako ng isang mayaman? Ilan ang aking magiging anak? Ipinanganak ako noong Nobyembre 15, 1981.

JOSIE NG NAGA CITY

Dear Josie,

MAGKAKAROON ka naman ng matatag na hanapbuhay pero ito ay matatagalan pa dahil kailangang mag-matured ka muna. Mayroon kasing guhit na pumaitaas sa banding ilalim ng palasingsingan (tingnan ang bilog sa banding ilalim ng ring finger). Tama ang kutob mo at matutupad ang iyong pangarap na makapag-asawa nang maykaya o may sinasabi. Sasagipin ka ng iyong mapapangasawa mula sa kahirapan at pag lumagay ka na sa tahimik doon lamang magsisimula ang iyong pag-unlad. May nag-parallel kasing guhit sa gitna ng palad paitaas sa mga daliri (tingnan ang bilog sa gitna). Nagsasabi ito na isang mayamang binata ang magpapakasal sa iyo. Magkakaroon kayo ng limang anak na pawing makapagtatapos ng pag-aaral at uunlad ang buhay. May limang guhit kasi na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa banding kalamnan ng hinlalaki).
------30--

4 Comments:

Blogger kukote said...

hi! saw ur comment on my blog.. sige nga, how do you interpret that dream ;) hintayin ko yun dito ha :D

11:48 AM  
Blogger bistado said...

MABUTI naman at panaginip nga lang at hindi totoo ang eksena, kasi’y hindi mo sana mababasa ang sagot ko, at hindi ka rin makapasyal sa BLOG ko. Kaya nagpapasalamat din ako at "nagising ka". Biro lang. Malinaw dito na pagod-na-pagod ka bago ka nakatulog. Maging ang aktuwal na antok at natangay mo sa panaginip. Naunang nakatulog ang iyong pisikal na katawan kaya’t nang mag-half sleep ka, hindi mo na agad "nagising o naigalaw"ang anumang bahagi ng iyong pisikal na katawan. Sa aktuwal, medyo nag-panic ka, kasi’y inakala mo talagang "the end" ka na. Maraming ganyang klase ng panaginip kung saan ang ibang insidente ay nauuwi sa aktuwal na bangungot at ang iba naman ay inaatake ng nerbiyos o atake sa puso sa sobrang panic. Huwag kang kumain nang marami at biglang matutulog. Anyway, ang pagda-drive ay nagsasabi na ikaw ay may kakayahang magdesisyon at sinisikap mong maging independent sa lahat ng bagay. Ikaw ang may kontrol sa iyong buhay—malaya ka mula sa impluwensiya ng iyong mga magulang, at iyan ang nais mong mangyari sa buhay mo. Pero, sa iyong subconscious, nagdududa ka pa rin kung may kakayahan kang maging "independent" dili kaya’y may lihim kang takot na "magkamali sa desisyon". Ang lansangan o kalsada ay aktuwal na repleksiyon ng iyong buhay—kung saan ikaw mismo ang aktuwal na didiskarte kung ano ang nais mong gawin sa buhay mo. Kung inakala mo nabangga o naaksidente ang sasakyan—malinaw dito na may lihim kang TAKOT NA MABIGO! At kung inaantok ka sa loob ng panaginip—nalalabuan ka sa iyong magiging kapalaran sa hinaharap. Dapat mong maunawaan na ang kabiguan at tagumpay ay bahagi ng proseso ng buhay—walang taong palaging bigo, wala ring palaging tagumpay. Nasa pagtingin lang ang lahat ng resulta ng bagay. Ang taong nakikita mong tagumpay ay simpleng nakabatay sa iyong personal na depinisyon ng "success" at ang pagtingin mo na ikaw ay bigo, ay personal na "pangtanggap" mo sa mga nagaganap. Ang bigo sa iyong pagtingin ay maaaring tagumpay sa ibang pananaw at ang tagumpay sa pananaw ng iba—ay maaaring kabiguan sa sarili mong panukat. Teka, mahaba na—baka makatulog ka uli—at mabangga ka na naman.Maraming .Salamat sa iyo.

7:47 PM  
Blogger kukote said...

hello! salamat sa pag-interpret! galing mo! huli mo ako dun ah! tamang tama ang basa mo...

ipopost ko ito sa blog ko ha, i'll give all the credits on you. salamat ;)

10:20 AM  
Blogger Unknown said...

ano po ibig sabihin ng panaginip ko nagtutulak daw kami ng ate ko ng kariton na may karga na dalawang sakong bigat ano po pahiwatig nun?

10:08 PM  

Post a Comment

<< Home