inagaw na alahas
Tiktik (24Sep05)
Dear Don Honesto,
MADALAS ko pong mapanaginipan na ako ay nagsisimba at maraming suot na alahas sa katawan. Naglalakad daw ako sa pasilyo at nagtitinginan sa akin ang mga kaibigan ko. Pero, hindi ako kumikibo hanggang sa dumiretso ako sa altar. Pero, biglang lumapit ang isang binatilyong gusgusin at nagtangka akong bigyan siya ng limos pero bigla nitong hinablot ang aking kuwintas. Nagsisigaw ako sa galit hanggang sa magkagulo ang mga tao sa loob ng simbahan. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Setyembre 6, 1970. May apat akong anak at lahat sila ay honor students.
VIOLETA NG LAOAG CITY
Dear Violeta,
Ang simbahan ay nagsasabi na ikaw ay malapit sa puso ng Panginoon. Palagi ka niyang kinasisiyahan. May mabuti kang kalooban at walang atraso sa kapwa. Ang alahas ay sumisimbolo sa iyong mga anak na pawang may pambihirang talino at kakayahan.Nangangahulugan ito na makapagbibigay sa iyo ng ibayong kasiyahan at karangalan ang iyong mga supling. Pero, ang alahas ay inagas ng gusgusing binatilyo na nagbabala na dapat mo pa ring ingatan sa masasamang barkada o impluwensiya ang iyong mga anak partikular sa panahon ng pagbibinata o pagdadalaga. Katapat ng kuwintas ay No. 37; No. 6
ang alahas; No. 25 ang simbahan; No. 17 ang gusgusin; No. 30 ang paghablot; No. 41 ang patakbo. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 6 ay maging emosyonal at masarap magmahal. Pinakabuwenas mo ang No. 6 at No.2. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-19-22-29-34-38-40-42.
-----30—
02. PALMISTRY
Hindi ka baog
Dear Sir Dennis
NAGPASYA na rin akong magpa-zerox ng guhit ng palad. Gusto ko kasing ikonsulta kung magkakaanak pa kami ng mister ko. Limang taon na kaming kasal pero wala pa kaming baby. Nagpa-checkup kami, pero kinumpirma ng mga eksperto na normal kami at hindi lang daw namin natsa-tsambahan. Magkakaroon kaya kiami ng anak? Naiinip kasi kami. Nangungupahan lang kami ng bahay, makapagpundar kaya ako ng sariling bahay at lupa? Anong negosyo ba ang bagay sa akin? Ipinanganak ako noong Hunyo 7, 1970.
GLESSY NG SAN MARCELINO, ZAMBALES
Dear Glessy,
HINDI ka dapat masyadong excited. Ang susi sa lahat ng problema ay ang pagiging kalmante. Nadidistorbo ng sobrang excitement at emosyon ang pagkadiskaril ng iyong paglilihi. Magkakaroon naman kayo ng anak, at dalawa ito. May dalawa kasing guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa kalamnan ng hinlalaki). Dapat ay magbakasyon kayong mag-asawa sa isang resort sa tabi ng dagat—at doon mag-honeymoon muli upang makabuo kayo. Makakapagpundar ka naman ng sariling bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger). Buwenas ka sa negosyo na may kaugnayan sa serbisyo—tulad ng computer rentals, repair shop at iba pang tulad nito. May guhit kasi na pumaitaas sa bandang ilalim ng hintuturo (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng index finger).
---30---

0 Comments:
Post a Comment
<< Home