Saturday, September 24, 2005

kompiyuter

Tiktik (26Sep05)

Dear Don Honesto,

NAPANAGINIPAN ko na ako ay nagtitipa sa kompiyuter at naglalaro ako ng games, pero ang mga cartoon characters ay biglang nabuhay at lumabas sa monitor. Nagtatakbo ako sa takot hanggang sa magising. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Setyembre 3, 1970. May dalawa akong anak na nag-aaral. Isa akong computer encoder sa isang kompanya pero maliit lang ang suweldo. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

MOISES NG ALABANG, MUNTINLUPA

Dear Moises,

APEKTADO lamang ng nature ng iyong trabaho ang detalye ng panaginip. Pero, malinaw ditto na hindi ka seryoso sa iyong hanapbuhay at nagpapatangay ka lamang sa agos ng buhay. Go-easy-lucky ka lamang kaya’t napaginipan mo ang ganyang eksena.Ang mga cartoon characters ay nagsasabi na ikaw ay nabubuhay sa pantasya at patuloy na nangangarap ng mga imposibleng bagay. Wala kang praktikalidad kaya’t nabibigo ka at hindi makausad sa dapat mong gawin. Kailangang magseryoso ka na sa buhay, alamin kung anong klasev ng buhay ang nais mong marating at mag-concentrate ka ditto kasabay ng pag-iwas sa bisyo at masasamang aktibidad. Katapat ng computer ay No, 33; No. 14 ang paglalaro; No. 44 ang cartoons; No. 25 ang pagkabuhay ng mga charaters; No. 17 ang takot. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 3 ay maging emosyonal at masarap magmahal. Pinakabuwenas mo ang No. 3 at No.1. Sa jai alai, isama mo ang No. 8. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 2-8-11-19-23-27-34-37-40.
-----30—

02. PALMISTRY

Babalik si mister

Dear Sir Dennis,

NAGPA-XEROX na rin ako ng guhit ng palad. Gusto ko kasing itanong kung babalik pa ang mister ko. Nagpaalam siya sa akin na maghahanap ng trabaho sa malayong lugar pero hanggang ngayon ay hindi nagbabalik sa loob ng limang taon. Hinihintay ko pa rin siya dahil nagsisilaki na an gaming mga anak. Namamasukan ako bilang kahera sa isang karinderia. Mapag-aaral ko kaya an gaming dalawang anak? Makapagpupundar ba ako ng sariling bahay at lupa? Ipinanganak ako noong Nobyembre 6, 1970.

MARISSA NG CAPAZ, TARLAC

Dear Marissa,

ITULOY mo lamang ang paga-aruga sa iyong dalawang anak. Magbabalik pa si mister mo dahil nagsosolo ang guhit sa tagiliran ng palad. Mapapansin mo na naputol ito pero may karugtong ito na halos nakadikit ang simula (tingnan ang bilog sa banding ilalim ng kalingkingan). Nagsasabi ito na magkakalayo kayo pero magkabalikan ng mister mo. Makakatapos ng pag-aaral ang iyong dalawang anak at makakatulong sila sa iyong pagtanda. Malilinaw at mahaba kasi ang dalawang guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa kalamnan ng hinlalaki). Makakapagpundar ka rin ng sariling bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa banding ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa banding ilalim ng middle finger). Nagsasabi ito na ikaw ay buwenas sa lahat ng may kaugnayan sa real estate at agribusiness.
---30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home