Wednesday, September 21, 2005

away sa dreams

Tiktik (23Sep05)

Dear Don Honesto,

NAPANAGINIPAN ko po ang aking boyfriend at ang aking boss sa trabaho. Naghahabulan daw sila sa loob ng opisina pero nakatakas ang BF ko. Sinundan ko siya pero hindi ko inabutan. Nakita ko naman na dinampot ng mga pulis ang boss ko at wala akong nagawa kasi'y nang makita ako mga pulis ay ako naman ang hinabol. Nagtatakbo ako at pinuntahan ko ang BF sa isang safe house kung saan dinatnan ko siya na nagko-computer at kalmante lang. Nagalit ako sa kanya dahil pinabayaan at iniwanan niya ako pero dedma lamang siya na parang walang nangyari. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Setyembre 5, 1960. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.

LOIDA NG CALAMBA, LAGUNA

Dear Loida,

KUNG napanaginipan mo ang iyong BF at boss, nangangahulugan ito na ikaw ay may strong personality. May kakayahan kang maging independent at habang malayang nagdedesisyon ay mas bibilis ang iyong pag-unlad. Kung nag-aaway ang iyong BF at boss, nagsasabi ito na dapat na kontrolin mo ang sobrang tiwala sa sarili dahil maaaring mapahamak ka. Ang pulis ay sumisimbolo sa pagdidisiplina, malinaw na ipinapayo dito na dapat kang magkaroon ka ng disiplina sa sarili upang makaiwas sa bisyo at maipokus ang atensiyon sa mga kapaki-pakinabang na bagay. Kung nagko-computer ang BF mo, nagsasabi ito na kailangan mo ang mga kakaibang taktika, pamamaraan o inobasyon upang umunlad ang iyong buhay at madaig ang mga kakumpitensiya. Kung nagalit ka sa BF mo, nagkukumpirma ito na kapag may problema ka ay nasisira din ang loob mo at nawawalan ng pag-asa na hindi dapat mangyari at makakaya mong mai-reverse ito tungo sa pagtatagumpay. Katapat ng BF ay No. 30; No. 40 ang boss; No.18 away; No. 45 ang pulis; No. 41 ang paghabol; No. 27 ang computer. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 5 ay buwenas sa paglalakbay at pagbibiyahe ng mga produkto. Pinakabuwenas mo ang No. 5 at No.1. Sa jai alai, isama mo ang No. 8. Sa totoo lang, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-17-23-27-34-37-40-42.
---30--

02. PALMISTRY

Apat na BF

Dear Sir Dennis,

NAGPA-XEROX na rin ako ng guhit ng aking palad. Gusto ko kasing malaman kung kailan ako makakaahon sa kamalasan. Nakakatatlo na akong boyfriend pero nakalalayo ko lamang. Ang problema ko ay laging naisusuko ko ang "Bataan". Parang natatakot na akong makipagrelasyon. Makakapag-asawa pa kaya ako? Kung mag-aasawa ako, ilan ang aking magiging anak? Makapagpundar kaya ako ng sarili kong babay at lupa? Ipinanganak ako noong Hunyo 6, 1977. Isa akong kahera sa isang pabrika.
DELIA NG LIPA CITY
Dear Delia,
KITANG-KITA ang tatlong magkakasunod na buhol sa iyong Heart Line (tingnan ang bilog sa gitna). Nagsasabi ito na tatlong beses kang mabibigo. Pero, matapos ang tatlong buhol ay naging maayos na ang daloy ng Heart Line na nagsasabi na makakarekober ka at maaayos ang nagdaang buhay. Mapapansin rin ang apat na guhit sa tagiliran ng palad (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng hinliliit). Nagsasabi ito na ikaw ay apat na beses magmamahal at ang pinakahuli ang makakasama mo sa habang buhay at mag-aalok sa iyo ng kasal. Magkakaroon ka ng masayang pamilya sa pagtanda at mabibiyayaan ng tatlong anak .May tatlong guhit kasi na pumaitaas sa bandang kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa kalamnan ng hinlalaki). Makakapagpundar ka rin ng sariling bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger).
---30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home