Tuesday, September 20, 2005

sanggol sa dreams

Tiktik--22sept05

Dear Don Honesto,

NAPANAGINIPAN ko po ang aking anak na sanggol. Matabang mataba daw siya at nilalaro ko. Pero sa sobrang likot ay hindi sinasadyang pumasok ang kanyang ulo sa ilalim ng aming kama at nadagdagan ng kutson. Nangitim daw ang baby ko at lumiit ito nang todo na parang lobo na nawalan ng hangin. Tinawag ko agad ang misis ko at hinipan niya ang bibig ng baby namin. Laking gulat ko nang makarekober ito ay muling nabuhay at lumusog na parang walang nangyari. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Isa akong ordinaryong empleyado pero maliit ang suweldo ko. Binabalak kong mag-invest sa piggery o poultry na inaalok ng aking mga magulang kasi'y hindi na nila ito maasikaso. Magklik kaya ito? Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Setyembre 5, 1970.

ROLANDO NG TAGUIG, MM

Dear Rolando,

ANG sanggol ay nagsasabi na ikaw ay may balak o nagsisimula pa lamang ng isang magandang proyekto o bagong aktibidad. Kung nanganib ang buhay ng sanggol pero nai-revive, malinaw dito na magkiklik ang iyong bagong venture o negosyo. Ituloy mo lamang ang plano mong piggery o poultry pero hindi ka dapat magbitiw agad sa trabaho hangga't wala pang pumapasok na income sa iyong negosyo.Ang kutson ay nagsasabi na maaaring sumobra ang tiwala mo sa sarili mo na maaaring dahilan ng kabiguan. Ang misis mo ay nagsasabi na kailangan mong magdesisyon nang maayos at makalmante ka sa gitna ng mga problema. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran at dapat na magamit mo ito sa negosyo.Katapat ng baby ay No. 10; No.17 kung nangitim; No. 30 ang kutson; No. 1 ang pagliit; No. 6 si Misis; No. 40 ang pagrekober; No. 32 ang paglalaro. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 5 ang magtagumpay sa negosyo lalo pa't kung magkakaroon ka ng sariling sasakyan sa pagbibiiyahe. Pinakabuwenas mo ang No. 5 at No. 4.Sa jai alai, isama mo ang No. 3. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-27-34-38-40-42.
---30--

02. PALMISTRY

Agricultural goods

Dear Sir Dennis,

NATUKSO na rin akong magpa-zerox ng guhit ng palad. Inilakip ko ang kopya sa liham na ito. Nais kong itanong kung magkakaroon ako ng sariling bahay at lupa. Nakikitira lang kami sa aking tiyuhin pero nag-aayos ako ng dokumento sa housing loans, matupad kaya ito? May dalawa akong anak na nag-aaral at isa akong jeepney driver. Nagbo-boundary lang ako sa uncle ko. Balak kong magnegosyo ng pagbibiyahe ng agricultural products, buwenasin kaya ako dito? Masundan pa kaya ang anak namin, ilan? Ipinanganak ako noong Disyembre 3, 1970.

VICTOR NG BACOOR, CAVITE

Dear Victor,

ITULOY mo lamang ang pag-aayos ng mga dokumento sa housing loans dahil tiyak na maaprubahan ito. Makakapagpundar ka ng sarili mong bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger). Nagsasabi rin ito na buwenas ka sa lahat ng may kaugnayan sa agriculture. Tama ang desisyon mo na magbiyahe o mamakyaw at magtinda ng mga agricultural goods dahil iyan ang buwenas mo at mag-aangat sa iyo sa tagumpay. May guhit kasi na umangat sa bandang ilalim ng hinliliit (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng hinliliit). Masusundan pa nang dalawa ang inyong anak kasi'y may apat na guhit na pumaitaas sa bandang kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa bandang kalamnan ng hinlalaki).
---30--

32 Comments:

Blogger Nora said...

Madalas akong managinip ng bata .. kung minsan karga ko kung minsan naman nakikipag laro ako , kung minsan naman uma appear lang sa panaginip ko at itong huli eh humahabol daw sa akin tapos tinataguan ko. Ano kaya ibig sabihin ng panaginip kong ito . Pinag dududahan ko tuloy na baka may anak sa labas ang Mister ko.

Ano po ba ang ibig sabhin ng bata sa panaginip ko? salamat po.

8:10 AM  
Blogger Don Honorio said...

Ano pong ibig sabihin ng lagi ako nanaginip ng bata mga 3 o 5 taon ang idad minsan dalawang bata. At lagi ko po itong napapanaginipan. Pede po ba malaman ibig sabihin ng panaginip ko? Minsan nasa tabing dagat kami o ilog.

7:26 AM  
Blogger butterfly said...

Ano po kya ibig sabihin NG sanggol sa panaginip ko. Kase may nakita akong baby na pinipicture namen as in tuwang Tuwa ako nung may nkita akong baby feeling ko parang sken sya. And SA ngayon kase 1month and half weeks n ko buntis kaso muntikan na ako makunan Kya naka bedrest ako NGaun.

6:16 PM  
Blogger Unknown said...

Nanaginip din po ako kagabi na pinaanak ko daw po ang pinsan ko kc dipa dumating ang magpapaanak sa kaniya tapos sabi ng mga auntie ko hawakan ko daw chan niya at sabihin ko sa baby labas na daw siya gio ang pangalan kc lalaki daw ang baby ,taz kinausap ko daw na lalabas kn baby,gusto ka makita ni tita,taz lumabas na siya ako na ang naghawak para lumabas kc walang paltera,tapos kandong ko na baby,pinutol na ng tatay ko ang puson ,tas dipa napaliguan ang baby kc wala pa yong manghihilot,ngumingiti na daw si baby at ang kapal daw ng buhok,sa duyan po pla nanganak po ang pinsan ko kc sabi niya no.6 na posisyon daw isampay ang paa sa unan,eh sabi ko po ako nalang gawin na unan yon na po hanggang manganak po

11:00 AM  
Blogger Unknown said...

Ako ay isinilang sa buwang enero 17 1984 nanaginip po ako na may isang puno daw ng mangga tapos ang bunga ibat iba pero ang lalaki ng bunga nitoat tumpok tumpok tapos may kinain daw akong prutas n maliit pero may buto ito tapos niluwa ko daw ubg buto,,ang buto daw 3 peraso napakatigas n maliit at makinis at maganda nalaglag daw ang isa pero pinulot ko kc sayanng daw ang ganda ng buto

4:54 PM  
Blogger Unknown said...

Nanaginip po ako kagabi na may anak na daw ako na batang babae..ano po ibig sabihin nun? Slamat po

10:19 AM  
Blogger Unknown said...

Nanaginip po ako na nabuntis daw po ako tapos nanganak ako at ang asawa ko yung boyfriend ko ano po bang ibig sabihin ng panaginip ko pong iyon?

4:25 PM  
Blogger Unknown said...

bakit po b lagi ko nappanaginipan ang anak ko n bata p sya e sa ngayon po binata npo sya ,mula nung iniwan ko sya at nag abroad ako pagbalik ko lagi ko pdin sya nppanaginipan na bata pa kahit binata npo sya.. slmat po gusto ko po malaman ang kahulugan po..

3:51 PM  
Blogger Unknown said...

Nanaginip po ako buntis ako at nanganak Ng isa babae .tpos bigla ako ngcng anu po Kaya ibig sabihin nanganak SA panaginip

3:32 PM  
Blogger Unknown said...

Nanaginip po ako ng buntis ako at nanganak pero ang totoo hindi na ako pwedeng mabuntis dahil liget na po ako at my 5 anak,pagkalipas ulit ng mga ilang araw nanaginip po ulit ako ng sanggol,hawak ko ito at nakangiti sa akin. Ano po kaya ang ibig sabihin non?

9:12 PM  
Blogger Unknown said...

Lagi po ako nanaginip na buntis ako nanganak ako at nakita ko mismo ang itsura nang bata anu po kaya ibig sabihin nung..dalaga pa po ako at may long time boyfriend po..

1:21 PM  
Blogger Unknown said...

Ano po ibig sabihin ng Maraming puting daga na nakita ko sa pqnaginip,?

5:39 AM  
Blogger Unknown said...

Hello po nanaginip po ako ng humahagol hol ng pag iyak ng isang ina galing po ako sa lotto outlet napatakbo ako sa bahay dahil nakita ko may mga pulis sa aming bahay yon pala habang papasok ako sa amin nakita kong ang kaibigan ko binabalsama niya sariling anak nya na namatay sangol pa po yon,at may lalaking tinawag ako papasok sa bahay dahil binigyan ako ng habak at ganun din ang aking eldest na anak ano po ibig sabihin sa panaginip ko

5:46 AM  
Blogger Unknown said...

Nanaginip po ako ng may karga akong batang babae mamasyal or may pupuntahan po siguro kaming lugar hindi ko po kilala yong bata. Pero magaan ang loob ko sa kanya tapos po sa paghihintay namin nakapanuod pa po kami ng isang mermaid show tapos tuwang tuwa po kami ,hanggang sa nakatulog na po ung karga kong bata tapos ipinaghehele ko na sya hanggang sa nagising na ako. Ano po ibig sabihin nun . Salamat po

7:48 AM  
Blogger Unknown said...

Maam sir pahingi number para swertres

12:00 PM  
Blogger Aya said...

nanaginip akoh ng sanggol umiiyak shya nilapag lang sah May beranda kinarga kow napansin kow walang saplot ang baby tapos biglang nag po-po medyo basa...anuh kaya ibig sabihin nun...

8:57 PM  
Blogger Unknown said...

Nanaginip ako ng nagalit ako sa sister in law ko po. Kasi sinusuot niya mga damit ko.tapos sabi ibalik mo lhat sakin damit ko. Nagalit po siya sakin,tapos sabi OK sa live in partner ko kapatid niya, umiiyak ako sa kanya na maghiwalay na lang kmi kasi hindi kuna kaya ugali ng kapatid niya,tapos karga ko ang dalawang anak ko 3yrs old and 4yrs old.

9:30 PM  
Blogger Unknown said...

Nanaginip ako ng nagalit ako sa sister in law ko po. Kasi sinusuot niya mga damit ko.tapos sabi ibalik mo lhat sakin damit ko. Nagalit po siya sakin,tapos sabi OK sa live in partner ko kapatid niya, umiiyak ako sa kanya na maghiwalay na lang kmi kasi hindi kuna kaya ugali ng kapatid niya,tapos karga ko ang dalawang anak ko 3yrs old and 4yrs old.

9:32 PM  
Blogger Unknown said...

Hello po nung una mga sanggol tpos sunod kambal nmn dw pero d sken ang bata kinarga ko ngyn nmn po humahabol po sken ang sanggol mga nsa 1 o 2 taong gulang d ko nmn sya anak tpos pinigilan ng pinsan kong lalake ano kya ang ibg sabihin nito

3:29 PM  
Blogger Unknown said...

Nanaginip po aq na my aquarium po kmi at my naglason po sa mga isda dun at ang masaklap po sa panaginip ko ay nadamay daw po sa pagkalason ang aking baby na 3months old at gusto qpo I revive ang baby q at dalhin sa hospital Kasi po naghihina na daw po sya..pero dun po naputol panaginip q...ano po ba ibig sabihin ng panaginip kung yan?
Sna po matulungan nyo aq..
Isa lang po aqng employees sa isang maliit na private company at ang aswa qpo ay nag aangkas lang...

3:21 PM  
Blogger Unknown said...

Nanaginip po ako ng isang sanggol na dala dala ko, kami po ay paalis at nag ddrive ako ng motor nang mapansin ko na mahahamugan ang baby tinanggal ko sa pag kakahawak sa isang manubela at agad tinakluban ang baby pero hnd pantay ang pamamaneho ko at nasemplang kami pero bago yun humanap ako ng tsempo para walang masamang mangyari sa amin ng sanggol dahan dahan ako tumalon sa motor at nakita ko din na dahan dahan bumagsak ang motor at mabuti naman at wala masamang nangyare sakin at lalo na sa baby ako ay tumayo at nakita ko ang bunso kong kapatid na hinihintay ang aming pamangkin na lalaki na nakasay sa tricycle at dun din kami ng baby sumakay upang makarating kung saan man kami pupunta. ano ibig sabihin nito? Sana masagot. Ako ay mag pinagdadaanan sa buhay.

12:08 PM  
Blogger Unknown said...

Nanaginip po aq ng isang sanggol n nbulunan nangitim po xa at sa takot ko at pag aalala tinagilid ko xa at tinanagal ang nakabara sa kanyang lalamunan naalis ko to at sumuka sya at mabilis na bumalik ang normal na kulay ng kanyang balat.ano ang ibig sabihin nito.

9:12 PM  
Blogger Unknown said...

Hello po! Ako po ay nanaginip kagabi na nanganak po ako ng sangol na babae.ano po ibig sabihin nun?salamat

11:35 AM  
Blogger Unknown said...

Hello po nanaginip daw po ako kagabi nanganak daw po ako ng sanggol ng di po ako nahihirapan tapos iniisip ko po na parang napaaga raw po ang paglabas po niya..pero napakalusog niyang batang lalaki ng una parang nabigla pa raw ako tingnan siya kasi naliligo po ako that time tapos dali dali ko pong tinawag ng mr.ko at sinabi ko na nanganak na ako tapos ngbkinarga ko po siya bigla po siyang umihi mismo sa mukha ko kasi akma ko siyang hahalikan sana kaya nalaman ko din po na baby boy po siya tapos pagkaihi po niya nag smile po siya sakin tapos yun binibisan ko na siya tapos kasama din po sa panaginip ko yung aking bunso ngayon na 1yr and 6months na po na girl magkakatabi daw po kmi sa kama tapos naglalaro ng anak ko na 1yr old talon ng talon ng bigla pong tumae yung sanggol sa panaginip ko agad agad ko pong pinalitan ng lampin at nilinisan ang popo ni baby yun po ano po kaya mga ibig sabihin po nun saka mga numero po

6:24 AM  
Blogger Unknown said...

Madalas po akong managinip ng Baby pero hndi ko anak kadalasan bigla nalang lumalabas sa panaginip ko. Kanina nanaginip ako na pinaanak ko daw ang bestfriend ko at di sya nahirapan sa oanganganak may umbilical cord pa ung baby nung kinarga ko. At nabalot sa parang plastik baby boy sya.. sobrang dalas ko managinip ng baby pero alam ko sa sarili ko na ayaw na ayaw ko pa magkaanak dahil mahirap ang panahon natin ngayon..

9:42 AM  
Blogger Unknown said...

Last nanaginip ako Bali dalawang bata peo nakakatayo Naman Una lalaki pangalawa babae magkaiba pangyyre..tpos etong week LNG nanaginip ako puro mga bata tinitignan KO cla peo Mai isng bata subrang likot nalaglag SA dagat NSA boat KC cla niligtas KO at ok Naman Sia Anu po Kaia ibig sabhn nito

1:52 PM  
Blogger cel said...

ano po kaya ibig sabhin ng panaginip ko nanganak daw po ako ng di oras pag gcng ko nasa labas na daw ung bata at malusog naman xa ano po kaya ibig sabihin non at pwde po pahingi na din ng numero marameng salamat po

8:20 AM  
Blogger Unknown said...

ano po ibig sabihin ng panaginip kung tatlong sanggol yung dalawa daw babae at yung isa lalaki pero ampon ko lang pala yung dalawang babae anu po kayo pinapahiwatig sa akin sana may makasagot

9:56 AM  
Blogger Unknown said...

good day nanaginip po ako na nanganak ako tapos mama ko ang katuwang ko sa panganganak. kaso single po ako at wala boyfrend ano po kaya ibig sabihin po iyon

10:04 PM  
Blogger Unknown said...

Goodday po nanaginip po ako ng sanggol na putol ang dalawang paa, at may nunal malapit sa mata ako po ay buntis at sunod na buwan po ang kapanganakan ko kaya nag aalala po ako. Ano po kaya ang ibig sabhin noon sana po may makasagot maraming salamat.

1:46 PM  
Blogger Unknown said...

Good day po nanaginip po ako ng maraming lisa ang aking ulo,,at sinabi ko sa partner ko sabi mo wala bat sobrang dami kaya pala sobrang kati ng ulo..sabi nman ng nanay ko halika at kukutohan kita tinanggal nya po ang mga lisa ko..sa totoo lng po wala nman po ako kuto...ano po ibig sabihin non...sana po my kasagotan ang aking panaginip...maraming salamat po and God Bless...

11:33 AM  
Blogger Jasmine said...

Hello pwede pong magtanong ano ang ibig sabihin ng baby na tumae at nagkalat sa buong katawan nya napanaginipan ko po na may alaga akong baby na tumae po

8:08 AM  

Post a Comment

<< Home