Thursday, October 20, 2005

sanggol sa simbahan

Tiktik (21Oct05)

Dear Don Honesto,

MADALAS kong mapanaginip na nagpunta raw ako sa loob ng simbahan pero ang nadatnan ko doon ay pawing mga sanggol na naglalaro na may suot-suot na mga lampin na may iba’t ibang kulay. Kinarga ko raw isa-isa ang mga babies at tuwang- tuwa ako. Pero bilang bumaha sa loob ng simbahan kaya’t inisa-isa kong itinaas sa altar ang mga sanggol hanggang sa makaligtas ang mga bata. Marami palang tao na nanonood sa ginagawa ako at sabay-sabay na nagpalakpakan na parang nasa gitna ako ng isang entablado.Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Mayo 16, 1980. Isa akong salesclerk sa isang mall.Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

SONIA NG MALATE. MAYNILA

Dear Sonia,

NASASABIK ka na na magkaroon ng anak o baby kaya’t naimpluwensiyahan nito ang eksena sa panaginip. Isang good omen o may magandang dala sa iyo ang sanggol kapag ito ay isang napanaginipan. Nagpapahiwatig din ito na maraming darating sa iyo na oportunidad para sa isang matatag na mapagkakakitaan na hindi mo na dapat palagpasin.Isang bagong larangan ang papasukin mo kaya’t kailangan mo ang sapat na lakas ng loob. Ang simbahan ay sumisimbolo sa iyong malinis na pagkatao o pagkakaroon ng malinis na budhi. Ang entablado ay nagbabadya na ikaw ay makakaangat ng antas sa lipunan at titingalain ng iyong mga kakilala. Kung nagpalakpakan, nagbabala ito na hindi ka dapat malibang o kailanga kang maging maingat sa bawat hakbang na ipatutupad mo upang hindi mabigo. Ang baha ay nagsasabi na ikaw ay may strong sexual drives kaya’t dapat na maging kwidaw sa pakikipagrelasyon sa opposite sex. Katapat ng sanggol ay No. 22; No. 25 ang simbahan; No. 33 ang palakpak; No. 40 ang baha; No. 27 ang altar; No. 24 ang entablado. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 16 ay maging atubili sa pagdedesisyon pero maraming kaibigan na tutulong sa iyo. Pinakabuwenas mo ang No. 7 at No.2. Sa jai alai, isama mo ang No. 8. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 2-7-11-19-23-26-34-38-40-41.
----30---

02. PALMISTRY

Bahay at lupa

Dear Sir Dennis,

NATUKSO na rin akong magpa-serox ng guhit ng palad. Nais ko kasing itanong kung makakapagpundar ako sa sarili kong bahay at lupa. Nakikitirik lang kami ng bahay sa lupa ng isang mayamang pamilya.Pero pinalalayas na kami at naghahanap na ako ng malilipatan. Isa akong ordinaryong empleado lamangf. Anong negosyo ba ang bagay sa akin? Gusto ko sanang mag-abroad, matutuloy ba ako? Ipinanganak ako noong Hunyo 5, 1960.

EDMUNDO NG BALANGA, BATAAN

Dear Edmundo,

WALA kang dapat ipag-aalala, basta’t ituloy mo lamang ang mga pagsisikap. Kasi’y magkakaroon ka naman ng sariling bahay at lupa. May guhit kasi na pumaitaas sa banding ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa banding ilalim ng middle finger). Nagsasabi rin ito na buwenas ka sa lahat ng klase ng may kaugnayan sa lupa o real estate. Gayunman, matutuloy ka rin sa pagtatrabaho sa ibang bansa kasi’y mahaba ang naabot ng dulo ng Life Line at nagkaroon ito ng mga sanga (tingnan ang bilog sa banding pulso). Nagsasabi rin ito na buwenas ka sa mga paglalakbay kaya’t maaaring magbiyahe ka rin ng mga produktong agricultural. Sa kabuuan ay magtatagumpay dahil malinis ang iyong palad mula sa mga horizontal lines.
----30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home