Thursday, October 13, 2005

unggoy

Tiktik (14Oct05)

Dear Don Honesto,

NAPANAGINIPAN ko po na ako ay nakahiga sa isang papag na yari sa kawayan. Nasa ilalim ito ng lilim ng punong akasya. Pinanonood ko raw ang mga unggoy na naglilipat-lipat sa sanga ng puno habang ako ay nakahiga. Pero nagulat ako nang biglang humawak ng baril ang mga unggoy ay itinutok nila ito sa akin. Nagtatakbo ako sa sobrang takot hanggang sa magising. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Isa akong office clerk pero nabuburyong na ako sa trabaho. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Agosto 3, 1970.

BENJAMIN NG PASIG CITY

Dear Benjamin,

ANG kawayan ay nagsasabi na kahit makaranas ka ng matitinding pagsubok ay tiyak na malalampasan mo. Kung nakahiga ka sa papag, malinaw dito na ikaw ay hindi gaanong seryoso sa buhay at nagpapatangay ka lamang sa agos ng buhay. Hindi ka gumagawa ng kakaibang diskarte o wala kang abilidad kaya't wala kang asenso. Ang mga unggoy ay nagpapahiwatig na ikaw ay kailangang mamulat sa katotohanan at maging praktikal. Paminsan-minsan kailangan mo ring gumawa ng kalokohan o kailangan din maging "tuso" imbes na ikaw ang mabiktima ng panloloko ng iyong mga kaibigan. Ang baril ay nagsasabi na ikaw ay dapat na maging matapang sa pagdesisyon ay sumubok ng mga kakaibang sitwasyon tungo sa pag-unlad. Ang puno ay sumisimbolo sa napipintong pag-unlad at katuparan ng mga hilaw na pangarap. Katapat ng kawayan ay No. 37; No. 4 ang papag; No. 10 ang paghiga; No. 33 ang unggoy; No. 45 ang baril; No. 18 ang takot. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 3 ay maging ambisyoso pero matutupad ang mga pangarap kahit gaano kahirap ang pagdaraanan . Pinakabuwenas mo ang No. 3 at No. 8. Sa jai alai, isama mo ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-28-34-38-40.
----30---

02. PALMISTRY

Mananalo sa eleksiyon

Dear Sir Dennis,

NATUKSO na rin akong magpa-serox ng guhit ng palad. Nais ko kasing itanong kung mananalo ako sakaling kumandidato akong barangay captain. Isa akong kagawad ngayon at isang superbisor sa isang pribadong kompanya. May tatlo akong anak na nag-aaral, makakatapos ba sila sa pag-aaral. Anong negosyo ba ang buwenas sa akin? Ipinanganak ako noong Mayo 26,. 1970.

SERAFIN NG SAMPALOC, MAYNILA

Dear Serafin,

ITULOY mo lamang ang pangangampanya hangga't may pagkakataon ka. Walang duda na mananalo ka kapag kumandidato ka sa susunod na eleksiyon. May nag-parallel kasing guhit paitaas sa bandang ilalim ng hintuturo (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng imndex finger). Karaniwang nakikita ito sa mga lider at may katungkulan sa lipunan. May likas kang kakayahan na makahawak ng mga tao at maglingkod sa kapwa. Makakatapos naman ng pag-aaral ang iyong tatlong anak kasi'y mahahaba ang tatlong guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa bandang kalamnan ng hinlalaki). Nagsasabi ito na magtatagumpay ang iyong mga anak at pawang makakatulong sa iyo sa panahon ng pagtanda. Buwenas ka sa negosyo na may kaugnayan sa agriculture tulad ng pagtatanim, pag-aalaga ng hayop o pagbebente ng mga produktong mula sa bukid. May guhit kasing pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger).
---30--

11 Comments:

Blogger edz said...

hello po,, ako po si edz.. kagbi nanaginip aq ng unggoy na mamamatay na tpos dinala daw nmin sa ospital tpos kasama q daw mag dala sa vet ay ung taong my crush sa akin.. anu po kya ibig sabhin nun? swerte o malas ang unggoy? year of the monkey po kc aq. sept. 17, 1992. tnx po

5:11 PM  
Blogger Unknown said...

Hello po nanaginip po ko ng unggoy na hinahabol ako at nasaksak ku po Sia ng limang besis ano po ibig sabihin non
Salamat po

2:18 AM  
Blogger Unknown said...

Hello po! Nanaginip po ako ng malaking unggoy. Parang nambubulabog sya sa barangay namin, may malaki ding full moon nung gabi na yun. Naghahapunan po kami ng pamilya ko nung mga oras na yon tapos bigla nalang pong nagtatahulan ang mga aso sa barangay namin. Tinatahulan yung malaking unggoy

4:31 AM  
Blogger Unknown said...

Hello po nananiginip ako ng unggoy nsa puno ng mangga at nakangiti sa akin

9:44 AM  
Blogger Unknown said...

Hi po yung panaginip ko na unggoy black po sya at malaki tas sa dinami dami ng tao ako pa tong hinahabol tas kinagat po nya ako.

8:01 PM  
Blogger Unknown said...

Hello po maam sir,ano po ba ibigsabohin ng panaginip ko,nanaginip daw po ako ng unggoy tapos pinapakain ko daw po ng saging,at gustong gusto ko daw po yung unggoy,at ano po ba ang numero non.

8:04 AM  
Blogger Unknown said...

Ako po na ginip ako NG godzilla unggoy na tuma takbo papalit saaki sa dagat po cya galing na takbo papunta sakin at ako humiga sa parang kawayan na me ka Sama matanda babae. Anupo ibig sabihin nun ty po. Mary Sept 21,1982 po ako.

1:50 PM  
Blogger Janilyno16 said...

Na panaginipan ko po ang isang gorilla na nakangiti sa akin at sinakal po ako. At bigla pong Pinakalma ako ng isang pusang dilaw at madami pong nakapalibut na kutinh Ano po kayang ibig sabihin nun.. Janilyn feb. 16.1995 po ako

6:43 AM  
Blogger Unknown said...

Magandang umaga po nanagininip po ako ng unggoy habang naglalakad daw aq isang unggoy ang bgla na lang lumitaw at sbrang pumulupot sa braso ko masakit qng pumulupot at paulit ulit nyang ginagawa sa tuwing nakikita ako maliit at kulay gray xa sa panaginip q iniiwasan ko dahil sobrang makapulupot at tlgang nasasaktan po ako ano po kaya ang ibig savhin nung panaginip q na un...Rea august 20,1983

9:01 AM  
Blogger Unknown said...

Nanagimip po ako ng unggoy na mandurukot s loob ng jeep nadukutan aq ng wallet me ksma xiang isang tao.

6:03 AM  
Blogger Unknown said...

Nanaginip po ako kanina ng mga unggoy.. Papunta daw ako sa trabaho tapos nung malapit ako s pinagtatrabahuan ko ay nakakita ako ng mga unggoy nagtatalunan lng sila sa mga mataas ng puno pero nung malapit na ako s kanila ay bigla silang nagbabaan s puno at yung 1 unggoy ay lumapit sakin saka ako pinagkukurot.. Pwede ko po ba malaman kung anong ibig sabhin nun

4:30 AM  

Post a Comment

<< Home