Wednesday, November 23, 2005

dyip, banta (24nov05)

Tiktik—24nob05, for: nob 24 issue

ATTENTION: TIKTIK c/o JUDAY

01. NUMERO AT PANAGINIP

Head: Halaman sa dyip

Dear Don Honesto,
PALAGI akong nagbabasa ng kolum mo at nais kong malaman ang kahulugan ng aking panaginip. Bakit kaya madalas kong mapanaginipan na nakasakay ako sa pampasaherong dyip. Pero imbes na tao ang nakasakay ay mga nakalagay sa paso na mga ornamental plants. May magagarang bulaklak na nakahilera sa passenger seats. Marami ring paru-paro sa loob ng dyip at ako lamang ang pasahero na nagsosolo. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Isa akong kahera sa isang mall at dalaga pa ako. Ipinanganak ako noong Mayo 17, 1980.

MARYJANE NG KALOOKAN CITY

Dear Maryjane,
ANG pampasaherong dyip ay nagsasabi na ikaw ay nabibilang sa antas ng ordinaryong tao. Ang bulaklak ay nagpapahiwatig na excited ka na na magkaroon ng nobyo lalo pa’t nakakita ka ng paruparo. Nagbabadya ang panaginip na malapit mo nang makilala ang iyong Prince Charming. At magaganap ang romansa sa isang espesyal na okasyon kung saan pareho kayong kumbidado. Ang ornamental plants ay nagpapahiwatig na ikaw ay magiging masaya kahit simple lang ang magiging buhay ng iyong pamilya. Katapat ng dyip ay No. 22; No. 18 ang halaman; No. 33 ang bulaklak; No. 44 ang paru-paro. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 17 ay makaranas ng kakaibang lungkot pero kakaibang buwenas din ang mapapasakamay mo. Pinakabuwenas mo ang No.8 at No.1. Sa jai alai, isama mo ang No. 7. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 2-7-11-18-23-34-37-40-42.
----30---

02. PALMISTRY

Head:Mahaba ang buhay

Dear Sir Dennis,
NATUKSO na rin akong magpa-serox ng guhit ng palad. Gusto ko kasing malaman ang kung magiging mahaba ang buhay ko. Isa akong guwardiya at maraming tao ang nagbabanta sa buhay ko. May dalawa akong anak. Mapagtapos kaya sila sa pag-aaral? Nangungupahan lang kami sa isang maliit na apartment, makapagpundar kaya ako ng sariling bahay at lupa? Ipinanganak ako noong Marso 27, 1970.

ARISTON NG PASIG CITY

Dear Ariston,
WALA kang dapat ipag-alala, kasi’y mahaba naman ang buhay mo at hindi kalian ito manganganib. Matikas at mahaba ang Life Line mo kung saan ang dulo ay umabot pa sa bandang pulso (tingnan ang bilog sa bandang pulso). Kung nanaisin mo ring mag-abroad ay maaari kang matuloy. Mapagtatapos mo ng pag-aaral sa kolehiyo ang iyong dalawang anak kasi’y mahahaba at matitikas din ang dalawang guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa kalamnan ng hinlalaki). Magagawa mo ring makapagpundar ng sariling bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger).
----30----

0 Comments:

Post a Comment

<< Home