Sunday, October 23, 2005

sabong ng manok

Tiktik (24Oct05)


Dear Don Honesto,

NAPANAGINIPAN ko po na ako ay naghihimas ng sasabunging manok. Naroroon daw ako sa isang farm at nasa ilalim ako ng lilim ng mga puno sa tabi ng isang kubong kawayan at pawid. Tuwang- tuwa ako habang nagsasabong hanggang sa mapatay ang mga manok. Pero, biglang pumatak ang malakas na ulan at bumaha.Kitang- kita ko na nalunod at lumutang isa-isa ang mga alaga kong manok, Ano kaya ang ibig sabihin nito? Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Hunyo 3, 1970. Isa akong security guard at nais ko nang umalis sa trabaho ko kasi’y delikado.

SAMMY NG KALOOKAN CITY

Dear Sammy,

ANG manok ay repleksiyon ng iyong pagkatao. May sapat kang lakas ng loob at madalas na napapagitna sa intriga at away. Kasi’y natatangay ka ng simbuyo ng damdamin.Para sa iyo ay walang imposible na siyang karaniwang ugat ng iyong mga problema.Maging praktikal at gawing simple ang mga mithiin upang maging matagumpay at maligaya. Ang farm ay nagsasabi na kung sisimplehan mo lang ang pangarap mo, may mabilis kang makakaangat kaysa magtangka sa mga mala-imposibleng pangarap.Ang puno ay nagbabadya ng kasaganaan; ang pagsasabong ay nagbabala na marami pang pagsubok ang nag- hihintay at marami ka ring lihim na kaaway. Ang ulan at pagbaha ay nagsasabi na mayroon kang strong sexual drives kaya’t dapat na makontrol mo at maging maingat sa pakikipagrelasyon sa opposite sex. Katapat ng manok ay No. 45; No. 33 ang sabong; No. 29 ang puno; No. 11 ang ulan; No. 40 ang baha; No. 34 ang farm; No. 24 ang kubo. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 3 ay maging ambisyoso pero masarap kang magmahal.Pinakabuwenas mo ang No. 3 at No. 7. Sa jai alai, isama mo ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-24-34-39-40-42.
---30---

02. PALMISTRY

Computer rentals

Dear Sir Dennis,

NATUKSO na rin akong magpa-serox ng guhit ng palad. Gusto ko kasing itanong kung magkiklik ang itinayo kong computer rentals. Nagtitiyaga akong magbantay sa anim na computer na binili ko mula sa nakuha kong separation pay. Bigyan mo ako ng gabay sa pagnenegosyo. Mapapalaki ko ba ito? Makakapagpundar ba ako ng sarili kong bahay at lupa? Binata pa ako, buwenas kaya ako sa mapapangasawa ko at ilan ang aking magiging anak? Ipinanganak ako noong Agosto 7, 1975.

HEHERSON NG MAKATI CITY

Dear Heherson,

TAMA ang desisyon mo na magtayo ng computer rentals. Kasi’y may nag-parallel na guhit sa banding ilalim ng palasingsingan (tingnan ang bilog sa banding ilalim ng ring finger). Nagsasabi ito na ikaw ay buwenas sa mga bagong teknolohiya tulad ng computer ar cellphones. Mapapalaki mo ang negosyong ito. Makakapagpundar ka rin ng sarili mong bahay at lupa kasi’y may guhit na pumaitaas sa banding ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa banding ilalim ng middle finger). Nagsasabi rin ito na buwenas ka sa real property business. Minsan ka lamang iibig at kung sino ang maging girlfrieng mo ay siya nang iyong makakatuluyan. Tama ka, buwenas ka sa babaeng mapapangasawa mo—matapos kayong ikasal, magkakasunod sunod ang magagandang oportunidad na magpapaangat sa iyong buhay. Magkakaroon kayo ng tatlong anak dahil may tatlong guhit na pumaitaas sa banding kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa banding kalamnan ng hinlalaki).
---30---

11 Comments:

Blogger Unknown said...

Napanaginipan ko po na nasa malawak na lugar ako na napalibutan ng maraming kulungan na marami din mga manok halo halo, ung iba tumutuka ng pagkain nila. Ano po kaya ibig sabihin nito?

10:48 AM  
Blogger Unknown said...

Napanaginipan ko po na nag sasabong daw po ako at ako daw po ang bumitaw sa manok na talisayin kalaban ko daw po pula tapos po nung nag bitawan na kami hindi daw po pumapalo yung kalaban ko manok sa inis po ng may ari ng kalaban ko tinigil nya ang dalawang manok at inihampas nya yung manok nya sa lupa pero po yung manok ko pumapalo po nmn tapos po masayang masaya daw po ako at may nakita po ako kulungan ng mga manok sa ilalim ng bahay at meron din po doon mga sisiw at iba pang mga tandang,,,,ano po kaya ang ibig sabihin ng panaginip ko? Salamat po

5:00 AM  
Blogger Unknown said...

Dear Don Honesto ako po ay nanaginip na hinuhuli ko ang manok na pang sabong pagkatapos ko xa mahuli,ito ay hinimas himas ko


RUBY NG ZAMBOANGA CITY

5:22 PM  
Blogger Unknown said...

Hi sir ako po ay nandto ngyun sa saudi arabia a malapit ng umuwi nais ko po sana na ako ay bumalik o tanggapin nalang po Ng business offer sa akin ano po bng maging kapalaran ko June 12 1979 po ang aking kapabganakan. Salamat po

9:30 AM  
Anonymous Anonymous said...

Sir magandang araw po sa inyo aq po si Jefferson Magtalas nanaginip po aq ng nagsabong daw kami ng kaibigan ko tapos may dala daw akong 50,000 at sa panaginip kong iyon ay ipinapusta ko sa kanya lahat ng dala kong pera ngunit nanalo nman ang manok na aking pinapustahan. Aq po ay ipinanganak ng August 28 1984 ano po ang ibig sabihin ng panaginip ko?

5:20 AM  
Blogger Unknown said...

dear maestro napaginipan ko po yung manok.. dalawang manok na nakaupo po na magkatabi na kulay ginto tapos lumaki mata ko at masaya po ako na nakit ko po yung dalawang gintong manok sa panaginip ko. Ano po ba ibig sabihin po sa panaginip ko na yun swete po ba yun o malas po. Bigyan nyo po ako ng swerteng numero po pra tumaya sa lotto. Ako po ay 30 years old at may asawa na at anak. Ipinanganak ako Jan.17,1990 po. Salamat maestro..

10:13 PM  
Blogger Unknown said...

Sir magandang hapon po nanaginip po ako ng isang lalaking manok at babaeng manok na tinutoka po ako ano po ba ang ibig sabahin sa mga panaginip ko...ipinanganak po ako January18,1989 thank you po Sir.

2:17 PM  
Blogger Unknown said...

Sir magandang hapon ako po nanaginip po ako ng isang manok lalake at cnsabi skin katayin pero naawa daw po ako kaya pinakawalan ko xa anu po bah ibig sahin nun kapanganakan ko po january 111988

2:35 PM  
Blogger Unknown said...

Good morning sir, ano ang kahulugan Ng manok na lalake sa ibabaw ng puno Ng kahoy

10:16 AM  
Blogger Unknown said...

Nanaginip po ako kagabi na nanalo ako sa online sabong..ano po ibig sabihin nun?may 7 1977 po ako.ano po masuwerteng numero ang pwde ko tayaan sa lotto tnx po

4:48 PM  
Blogger Unknown said...

Magandang araw po nanaginip po aq na my karga akung isang manok na panabong at naglalakad aq patungo sa isang farm Ng manok at madadaanan ko po iyun nagkagulo ang MGA manok sa aking pg daan putak Ng putak tinutuka nla ang dala Kung manok hangat pati pwet q tinuka nrin nla Anu po ang ibig sabihin Ng panaginip ko,maraming salamat po sa sagot

5:06 AM  

Post a Comment

<< Home