Saturday, October 22, 2005

pumalaot sa dagat

Tiktik (23Oct05)

Dear Don Honesto,

BAKIT kaya madalas kong mapanaginipan na ako ay namamangka kasama ang boyfriend ko. Pinakahuli ay nasa gitna daw kami ng malawak na karagatan at hindi namin nakikita ang pampang maliban sa mga nagdaaang mga barko at naglulundagang isda. Kulimlim lang ang sikat ng araw. Magkahawak kami ng BF at at hinahagakan niya ako sa lips nang paulit-ulit. Pero biglang lumakas ang ihip ng hangin at nagalit ang mga alon. Tumilapon ang aming bangka at tinangay ako ng tubig at hindi ko na nakita ang bf ko. Nagsisigaw ako sa takot hanggang sa magising. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Nagpaplano na kaming magpakasal next year at pinayagan na kamki ng mga magulang namin. Ipinanganak ako noong Marso 3, 1980. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

RIZZA NG KAWIT, CAVITE

Dear Rizza,

ANG tubig o karagatan ay sumisimbolo sa intense sexual drives. Tipikal ito na napapanaginipan ng mga dalagang tulad mo lalo pa't nasasabik ka na na lumagay sa tahimik. Kung nagkaroon ng unos at tinangay ang BF mo, nagsasabi ito na may lihim kang takot na magkahiwalay pa kayo ng nobyo mo at hindi matuloy ang kasal. Ang paglalayag ay nagsasabi na naglalaro na sa iyong isip kung ano ang mangyayari sa buhay mo sa buhay-may-asawa. Ang barko na nakikita mo ay ang lihim mong pangarap na umunlad at makalaya mula sa poder ng iyong mga magulang.Katapat ng paglalayag ay No. 6; No. 44 ang barko; No. 7 ang BF; No. 19 ang bangka; No. 24 ang isda; No. 33 ang kiss sa lips. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 3 at maging martir at masyadong emosyonal. Pinakabuwenas mo ang No. 3 at No.9. Sa jai alai, isama mo ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-29-34-38-40-42.
---30---

02. PALMISTRY

House and lot

Dear Sir Dennis,

NAGPA-XEROX na rin ako ng guhit ng palad. Gusto ko kasing malaman kung magagawa kong magpundar ng sariling bahay at lupa. Nangungupahan lang kami sa matagal nang panahon. May apat akong anak na nag-aaral, sino kaya sa kanila ang makakatapos ng pag-aaral at magtatagumpay? Isa lamang akong salesclerk, pero balak kong mag-abroad, matuloy kaya ako? Ipinanganak ako noong Setyembe 17, 1970.
GILBERT NG IBA, ZAMBALES

Dear Gilbert,

HINDI ka dapat nag-aalala at ipagpatuloy mo lamang ang iyong mga balakin. Walang duda na makapagpupundar ka na ng sarili mong bahay at lupa. May guhit kasi na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger). Nagsasabi ito na ikaw ay buwenas din sa real estate at agribusiness. Makakatapos naman ng pag-aaral ang unang tatlong anak mo maliban sa bunso kasi'y mahahaba ang unang tatlo sa apat na guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa kalamnan ng hinlalaki). Mag-aasawa kasi nang maaga ang iyong bunso. Ituloy mo rin ang pag-aapply sa ibang bansa kasi'y maraming bansa ang mararating mo. Malawak kasi ang naabot ng dulo ng iyong LifeLine (tingnan ang bilog sa bandang pulso). Nangangahulugan ito na buwenas ka sa paglalakbay.
----30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home