Saturday, November 19, 2005

ibon, house n lot (20nob05)

Tiktik—20nob05, for: Nob. 20 issue

ATTENTION: TIKTIK c/o JUDAY

01. NUMERO AT PANAGINIP

HEAD:Malaking ibon

Dear Don Honesto,
NAPANAGINIPAN kop o ang isang malaking ibon na nakadapo sa kawad ng Meralco. Halos kasinlaki siya ng kalabaw atnapakalaki ng pakpak na pawing kulay ginto at kumikinang habang tinatamaan ng sikat ng araw. Manghang mangha ako at ang aking mga dating kaklase sa high school habang pinapanood naman ang Haring Ibon. Ano po kaya ang ibig sabihin nito? Graduate na ako ng accountancy at naghahanap ngayon ng trabaho.Makapasa kaya ako sa board exam? Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Mayo 16,1980.

ARIANNE NG DASMARINAS, CAVITE

Dear Arianne
ANG ibon ay nagsasabi na ikaw ay may magandang kapalaran sa hinaharap.Ang malaking ibon ay sumisimbolo sa iyong mataas na ambisyon sa buhay na matutupad lalo pa’t ginto ang balahibo ng ibon. Ang kawad ay nagsasabi na may dalawang tao ang tutulong sa iyo kung saan kapwa sila nagmula sa malayong lugar at napapabilang sa mga eksperto o technical man. Ang post eng Meralco ay nagsasabi na may malakas na impluwensiya sa gobyerno ang dalawang taong tutulong sa iyong pag-unlad. Ang mga kaklase sa high school ay nagsasabi na ikaw ay nananatili pa ring may childish na ugali o asal bata kaya’t nadidiskaril ang iyong pag-unlad. Kailangang disiplinahin mo ang sarili upang mabilis na matupad ang iyong mga pangarap. Katapat ng ibon ay No. 30; No. 40 ang ginto; No.11 ang kawad; No. 10 ang poste; No. 37 ang mga kaklase. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 16 ay maging atubili sa pagdedesisyon. Pinakabuwenas mo ang No. 7 at No.1. Sa jai alai, isama mo ang No. 10. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 2-7-11-19-23-29-34-36-40-42.
----30—

02. PALMISTRY

Head:Masaya at masaganang pamilya

Dear Sir Dennis,
NAGLAKAS-LOOB na rin akong magpa-xerox ng guhit ng palad. Gusto ko kasing malaman kung makakapagpundar kami ng sariling bahay at lupa. Pinalalayas na kami ng may-ari ng lupa na kinatitirikan n gaming bahay. Isa akong office clerk at panganay sa apat na magkakapatid. Hindi pa ako nagka-girlfriend, makapag-aasawa ba ako nang maayos? Ilan ba ang aking magiging anak? Malusog ba ang aking katawan? Balak ko ring mag-abroad, matuloy kaya ako? Ipinanganak ako noong Mayo 17, 1970.


EDGAR NG CAPAZ, TARLAC

Dear Edgar,
WALA kang dapat ipag-alala, kasi’y makakapag-pundar ka naman ng sarili mong bahay at lupa. May guhit kasing pumaitaas sa banding ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa banding ilalim ng middle finger). Nagsasabi rin ito na buwenas ka sa lahat ng may kaugnayan sa lupa tulad sa real estate at agriculture. Makakapag-aasawa ka naman nang maayos. Minsan ka lamang iibig at siya na ang iyong makakatuluyan nang habangbuhay. Nagsosolo kasi ang guhit sa tagiliran ng palad (tingnan ang bilog sa banding ilalim ng hinliliit). Nagsasabi rin ito na ikaw ay magkakaroon ng tahimik at masaganang pamilya sa hinaharap. Magkakaroon ka ng tatlong anak kasi’y may tatlong guhit ang pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa banding kalamnan ng hinlalaki). Nagsasabi ito na makakatapos ng pag-aaral ang iyong mga anak. Malusog ang iyong pangangatawan, mahaba ang buhay at matutuloy ka sa pagtatrabaho sa ibang bansa dahil may mahaba ang naabot ng dulo ng Life Line at nagkaroon pa ito ng sanga (tignan ang bilog sa banding pulso).
--30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home