Thursday, November 03, 2005

babae sa kabaong

Tiktik (04Oct05)

Dear Don Honesto,

Ano kaya ang kahulugan nito? Nasa ibabaw ako ng tubig, hindi ko alam kung dagat ito at kitang-kita ko sa ilalim noon ang isang sasakyan kung saan inilalabas ng isang lalaki ang isang babae na nakalulan sa isang stretcher. Nagulat ako nang ibangga ng lalaki ang stretcher sa pintuan ng sasakyan na tila binabasag niya ang salamin. Kitang-kita ko rin na lumalabas ang dugo sa ulo ng babae habang inihahampas ng lalaki ang ulunang bahagi ng babae. Ang babae ay blonde at parang foreigner. Nagtaka rin ako kung bakit sa bahay namin dinala ang kanyang kabaong, selyado ito. Sa aking pag-uusisa, binuksan ko ang kabaong at inilabas ang bangkay ng babae roon. Sa loob ng kabaong, nakita ko ang isang cellphone at ilang mahahalagang gamit ng babae tulad ng kanyang pasaporte pero natakot ako nang biglang mawala ang bangkay ng babae. Ano kaya ang pakahulugan nito?

MISS K (k-lav@yahoo.com)

Dear Miss K,

MUKHANG pang-Holloween ang iyong panaginip.Ang tubig ay nagsasabi na matindi pa rin ang iyong sexual drives.Maniniwala ka ba na ang lalaki at babae sa panaginip ay ikaw mismo ang sinisimbolo--strong character mo ang lalaki at weak traits mo babae.Ibig sabihin, may inner conflicts ka--kung magpapaka-strong ka ba o mananatiling weak personality? Ang sasakyan ay behikulo na puwede mong magamit sa pagbabago.Nasa proseso ka ng paga-analisa ng iyong buhay o "pagbabagong-buhay o estilo o approach sa pagdedesisyon! Ang "ulo" ay sumisimbolo sa iyong "talino, katinuan, katalinuhan, kamalayan at pag-iisip". Kung ibinubunggo ng "lalaki" ang ulo ng "babae"--malinaw dito na nagtatangka kang maging STRONG at malaki ang tsansa--na magawa mo ito dahil biglang "naglaho ang babae sa kabaong".Ang kabaong ay aktuwal na sumisimbolo sa "great change" na magaganap sa iyong buhay sa mga susunod na ilang araw-at aktuwal nang nagaganap. Ang "bahay" ay repleksiyon ng iyong pagkatao, at dahil narito ang kabaong--magkakaroon ng pagbabago ang iyong PERSONALIDAD. Malinaw din na naglalaro sa iyong isip ang pag-aabroad, pero ang blonde at foreigner ay ang babae--kaya't maaaring isakripisyo mo ang pangingibang bansa-- dili kaya'y ang kabaligtaran, tumigas ang iyong ulo upang makapangibang-bansa!Ang cellphone ay nagsasabi na naapektuhan ang iyong " behavior" ng modernong teknolohiya at ang pasaporte ay nagsasabi na gusto mong mai-justified ang mga pagbabagong ito--upang makapagdesisyon ka nang sarado.Kung nawala ang "bangkay ng babae", nagsasabi ito na NATATAKOT ka rin sa mga biglaang pagbabago na maaring maganap dahil hindi mo ito ganap na kontrolado.
---30---

02. PALMISTRY

Makakatapos ng kurso

Dear Sir Dennis,

NATUKSO na rin akong magpa-serox ng guhit ng palad. Gusto ko kasing malaman kung matatapos ko ang kursong accountancy kahit pasingit-singit lang ako sa page-enroll. Self supporting student ako at isa akong security guard. Binata pa ako at isinilang noong Marso 16, 1975. Nangungupahan lang kami sa isang squatter area at panganay ako sa apat na magkakapatid. Ulila na kami sa ama at maysakit ang aking ina. Makapagpupundar kaya ako ng sariling bahay at lupa? Makakapag-asawa kaya ako nang maayos? Ilan ang aking magiging anak?

ROMMY NG IBA, ZAMBALES

Dear Rommy,

HINDI ka dapat mag-alala, ituloy mo lamang ang mga pagsisikap at tiyak na makakamit mo ang bunga ng iyong mga pagtitiyaga at pagsisinop. Makakatapos ka naman ng iyong kurso sa kolehiyo kasi'y may nag-parallel na guhit paitaas sa bandang ilalim ng palasingsingan (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng ring finger). Nagsasabi ito na ikaw ay magiging professional at mamumukod-tangi sa larangan na kinabibilangan mo. Makakapagpundar ka rin ng sariling bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger). Nagsasabi ito na buwenas sa larangan na may kaugnayan sa lupa at agriculture. Minsan ka lamang magmamahal, at kung sino ang iyong maging nobya sa mga susunod na araw--ay sina na mismo ang iyong mapapangasawa. Nagsosolo kasi ang guhit sa tagiliran ng palad (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng hinliliit). Nagsasabi ito na magiging masagana at maligaya ang iyong pamilya. Magkakaroon ka ng apat na anak kasi'y may apat na guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa bandang kalamnan ng hinlalaki).
---30---

3 Comments:

Blogger eloisa joy said...

Panu po kapag nanaginip ako na nasa PARADISE na lugar ako at wala dun yung mga gusto kong makasama... wala doon yung mga kabigigan ko? anu po ibig sabihin nun?

at isa pa po.. panu po kapag nanaginip ka na parang nahuhulog ka? anu ibig sabihin nun? humuhiwalay ba yung sprit sa katawan?? anu po ba yung real meaning??


pls..

7:45 PM  
Blogger Unknown said...

Dear Don Honesto,
Ano po kaya ang kahulugan ng aking panaginip.. naglilinis daw ako ng kabaong na katatapos lng gamitin ng isang bata..tila nililinis ko ang kabaong para itabi daw ito nang may magulang ng bata.. at ang isa pang panaginip ay sangol n patay n daw pero muling nabuhay at lumalapit daw sakin amg bata ngunit takot na takot ako..
Sanay matugunan nyo po ang aking katanungan maraming salamat po

3:51 PM  
Blogger Unknown said...

Dear Don Honesto,
Ano po kaya ang kahulugan ng aking panaginip.. naglilinis daw ako ng kabaong na katatapos lng gamitin ng isang bata..tila nililinis ko ang kabaong para itabi daw ito nang mga magulang ng bata.. at ang isa pang panaginip ay sangol n patay n daw pero muling nabuhay at lumalapit daw sakin ang sangol ngunit takot na takot ako..
Sanay matugunan nyo po ang aking katanungan maraming salamat po

3:53 PM  

Post a Comment

<< Home