Tuesday, October 25, 2005

gitara't bubuyog

Tiktik (26Oct05)

Dear Don Honesto,

MADALAS ko pong mapanaginipan na ako ay naglalaro ng gitara kasama ko ang mga dati kong kaklase sa high school. Sobra- sobra ang saya namin. Pero habang nagkakantahan kami ay biglang sinalakay kami ng isang langkay ng mga bubuyog na nagpilit na daluhungin kami. Pinagpapalo ko sila ng hawak kong gitara. Nang umalis ang mga bubuyog ay wasak na wasak ang hawak kong gitara. Naiyak ako nang malakas hanggang sa magising.Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Nobyembre 27, 1970. Isa akong ordinaryong empleado lamang. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

LORETO NG LINGAYEN, PANGASINAN

Dear Loreto,

MALINAW ditto na nananatili ka pa ring immature at nasasabik na makaranas ng kaginhawahan ng buhay. Kinakapos ka pa sa paraan ng maayos na pagdedesisyon. Atubili ka pa rin sa maraming bagay. May pagkakataon na ikaw ay may “childish behavior” kung saan gusto mo’y masunod ang lahat ng nais mo. Ang gitara ay nagsasabi na dapat na maging organisado ang lahat ng iyong pagkilos upang magtagumpay ka. Ang mga bubuyog ay nagbabadya na ikaw ay may malaking problema na dapat mong maresolba. May kaugnayan ito sa panghihimasok ng isang tao sa personal mong buhay. Kung nawasak ang gitara, ibig sabihin ay nawalan ka ng konsentrasyon at wala ring direksiyon ang iyong buhay kaya’t nabibigo ka. Katapat ng gitara ay No. 8; No. 25 ang barkada; No.18 ang pagkakantahan; No. 33 ang mga bubuyog; No. 17 ang pagkawasak. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 27 ay maging ambisyoso pero nawawalan ng direksiyon dahil sa sobrang dami ng nais gawin kaya’t madalas mabigo. Pinakabuwenas mo ang No.9 at No.1. Sa jai alai, isama mo ang No. 8. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-19-22-34-37-40-42.
---30—

02. PALMISTRY

House and lot

Dear Sir Dennis,

GUSTO ko sanang malaman kung magagawa kong makapagpundar kami ng sariling bahay at lupa. Nakatirik lamang ang bahay naming sa lupa ng isang mayamang pamilya pero pinalalayas na kami. May dalawa akong anak na nag-aaral at isa lamang akong jeepney driver. Maliit na ang kinikita ko at nahihirapan na ako na matustusan ang mga pangangailangan. Balak kong magtrabaho sa ibang bansa, matuloy kaya ako? Pangarap ko rng makapagpundar ng sarili kong sasakyan, matupad ko kaya ito? Ipinanganak ako noong Hunyo 27, 1960.

ANDRES NG ANTIPOLO CITY

Dear Andres,

IPAGPATULOY mo lamang ang iyong mga pagsisikap. Walang duda na makapagpupundar ka ng sarili mong bahay at lupa. May guhit kasi na pumaitaas sa banding ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa banding ilalim ng middle finger). Nagsasabi ito na ikaw ay buwenas sa lahat ng may kaugnayan sa lupa o agriculture. Magagawa mo ito sa pagsapit ng edad 50-anyos. Magsimula ka nang mag-ayos ng mga dokumento dahil magagawa mo namang makapagtrabaho sa ibang bansa.Maraming lugar ang mararating mo. May mga sanga kasi ang dulo ng Life Line at malawak ang naabot nito (tingnan ang bilog sa banding pulso). Makakapagpundar ka rin ng sarili mong sasakyan at gamitin mo ito sa pagbibiyahe ng mga agricultural products upang guminhawa ang iyong buhay. May guhit kasi na pumaitaas sa banding ilalim ng hinliliit (tingnan ang bilog sa banding ilalim ng kalingkingan).
---30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home