Thursday, November 17, 2005

kubyertos, graduate

Tiktik—18nob05, for: nob. 18 issue

ATTENTION: TIKTIK c/o JUDAY

01. NUMERO AT PANAGINIP

Head:Naghugas sa kusina

Dear Don Honesto,
MADALAS kop o mapanaginipan na ako ay naghuhugas ng mga pinagkainan—babasaging pinggan, baso at kubyertos na yari sa ginto at pilak .Kumikinang ang paligid at ingat na ingat ako. Pero habang naghuhugas ako ay may mga bantay na sundalo sa aking paligid. Hindi sinasadyang nabasag ko ang isang napakagarang pinggan. Inaresto agad ako ng sundalo na naka-fatigue kaya’t nagsisigaw ako hanggang sa magising. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Hulyo 6, 1980. Dalaga pa ako at namamasukan sa isang mall bilang kahera. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.


MYRA NG TRECE MARTIREZ CITY

Dear Myra,
ANG kubyertos o gamit sa kusina ay nagbabadya na masyado kang conscious sa iyong future particular sa malaking suweldo o katatagan ng trabaho. Ang paglilinis o paghuhugas ay nagsasabi na tinangka mong disiplinahin mo ang sarili mo. Kung mamahaling hiyas o magagarang kagamitan, nagbabadya ito na may kakaibang buwenas na naghihintay sa iyo. Pero kung may nabasag na isang gamit, mag-ingat ka sa mga lihim na kaaway. Ang mga sundalo ay nagsasabi na kailangan mong disiplinahin ang sarili mo upang matupad ang iyong mga pangarap. Katapat ng pinggan ay No.10; No. 12 ang kubyertos; No. 40 ang ginto; No. 19 ang pilak; No. 15 ang paghuhugas; No. 25 ang kusina; No. 45 ang sundalo; No. 17 ang pag-aresto. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 6 ay maging emosyonal. Pinakabuwenas mo ang No.6 at No.8. Sa jai alai, isama mo ang No.3. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-6-11-17-23-25-34-37-40-42.
----30—

02. PALMISTRY

Head:Makaka-graduate ang mga anak

Dear Sir Dennis,
NAGPA-XEROX na rin ako ng guhit ng palad. Gusto ko kasing malaman kung mapagtatapos ko sa kolehiyo ang aking tatlong anak. Natanggal ako sa trabaho pero nakakuha ako ng separation pay na ginamit ko sa pagtatayo ng maliit na Karinderia. Magklik kaya ang negosyong ito? Mahaba ba ang buhay ko? Balak kong mag-abroad, matuloy kaya ako? Ipinanganak ako noong Hunyo 5, 1965.

HERMINIA NG LIPA CITY

Dear Herminia,
MAPAGTATAPOS mo naman ng pag-aaral ang iyong tatlong anak. Kasi’y mahahaba at matitikas ang tatlong guhit na pumaitaas sa bandang kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa kalamnan ng hinlalaki). Nagsasabi ito na makakatulong silang lahat sa panahon ng iyong pagtanda. Okey naman ang karinderia bilang negosyo kasi’y may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinliliit (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng kalingkingan). Mahaba ang buhay mo kasi’y umabot sa bandang pulso ang dulo ng Life Line at nagkaroon pa ito ng sanga (tingnan ang bilog sa bandang pulso). Nagsasabi ito na maraming bansa ang mararating mo at mayroon kang malusog na pangangatawan.
----30--

5 Comments:

Blogger Unknown said...

anu po ibig sabihin oag bigla nalang nabasag ang baso?

9:04 AM  
Blogger Reycian said...

Hello po ako po ay laging nananigip ng tubig (ilog) minsan malabo, minsan natural lang na kulay at minsan maagos at ngayon po naman ay mga plato na may crack sa gilid nya. Ano po ang ibig sabihin ng mga ito. Ipinanganak po ako noong January 11,1995. Broken Family po ako, naka graduate na po ako ng college at namumuhay bilang independent pero hindi po sapat ang kinikita ko.Salamat po

11:56 AM  
Blogger Unknown said...

Magtatanong lang po sana ako,,ano po ang ibig sabihin sa panaginip na bumili daw po ako ng mga porselanang plato at platito? Salamat po..sNa po masagot ang aking katanungan..Godbless po...

7:05 AM  
Blogger Unknown said...

aku pu ay nanaginip na kumakain daw po kami Ng diko kilalang Tao sa panaginip, isang babaeng mataba at lalaking katabi kuu na nakahubad walang damit pantaas.. nakaupo po kaming tatlo sa lapag habang kumakain, habang Ang pinto sa harap ku ay nakabukaskas lang.. nakakamay lang kaming tatlo at pagsubo ku Ng kanin sinuway akuu Ng katabi Kong lalaki imbes na magkamay binigyan Nia akuu kutsara at un Ang kutsara Ang ginamit kuu na pangsubo Ng kanin at ulam.. anuu po kaya ibig sabhin Ng panaginip kuu na un ..

5:19 PM  
Blogger Unknown said...

Magandang umaga po ano po ibig sabihin sa panaginip ko na inutusan ako manghiram ng kutsara at tinidor bago ako umalis sa bhay nmin dumaan pa ako sa na daan pero hnd ako nkatapak fucos ako naglakad sa maliit na daanan at lumMpas ako sa bhay na aking ppuntahan sa tyahin ko paglingon ko lumampas na ako bumalik ako at nanghiram pero wlang wla dw ang tyahin ko hnd pa nga ako nkasabi sa pakay ko sinabi na nya wlang wla cya pero sinabi ko parin ang kailangan ko.. paglingon ko sa tabing kalsada nkita ko ung band na puti hnahanap dw ako pagtingin ko sa loob ng sasakyan na L3 ang dming kutsara at tinidor may magpapahiram pla sa akin kya naiiyak ako sinabi ko sa knila ang problema ko kya dw ako nanghiram ng kubyertos pra dw sa lamay ng papa ko kya naiiyak ako pagkatapos dw nwla ang kapatid ko papa ko sa totoo po wla na ang kapatid ko at papa ko last year po namatay ang papa ko salamat po sana masagot nyo po kung ano po ang ibig sbihin ng panaginip ko

4:50 AM  

Post a Comment

<< Home