Saturday, October 29, 2005

namatay sa panaginip

Tiktik (30Oct05)

Dear Don Honesto,

NAPANAGINIPAN ko po kagabi ay namatay na ako. May dumalaw daw na isang seksing babae na may edad na 35 to 45 years old sa kabaong. Pero, hindi naman umiyak. Pero may isang bata naman na nagpapakarga sa kanyang daddy. May nakapaskil pa raw na pangalan ko sa malalaking streamer na nakalantad sa kalsada. Pero wala akong iyakan na nakita tulad ng aktuwal na paglilibing pero mistulang may prusisyon. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Hunyo 3, 1987. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

DOMINGO NG IRIGA CITY

Dear Domingo,

ANG patay sa panaginip ay nangangahulugan ng pagbabago. Kung ikaw mismo ang patay ay napakapersonal ang pagbabagong magaganap; biglaan o agaran ang eksena ng pagbabago kasama ang emosyonal at saykolohikal na pagbabago sa iyong pagkatao. Mistulang bagong buhay ka sa mga susunod na ilang araw. Hindi ito tuwirang nagsasabi na ikaw nga ay matetepok mismo, pero malinaw na maglalaho ang mga nagdaang mong buhay at malulungkot ka nang labis tulad sa emosyon ng isang namatayan. Ang bata ay ikaw rin mismo na sumisimbolo ng panibago mong buhay o panibagong yugto o kabanata sa aktuwal na buhay. Ang kalsada ay sumisimbolo sa direksiyon ng iyong buhay. Sinasabi ditto na nasa tamang direksiyon ka, ituloy mo ang mga plano mo at walang duda na makikilala ang iyong pangalan. Ang seksing babae na may edad ay nagsasabi na ikaw ay nagkakaroon pa ring duda o atubili na hindi na dapat mangyari pa. Katapat ng patay ay No. 29; No. 11 ang kalsada; No. 24 ang streamer; No. 27 ang pangalan mo; No. 6 ang babae; Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 3 ay maging martir at masarap magmahal. Pinakabuwenas mo ang No. 3 at No. 9. Sa jai alai, isama mo ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-27-34-38-40-42.

---30---

02. PALMISTRY

Makakahabol sa huling biyahe

Dear Sir Dennis,

NAGPA-XEROX po ako ng guhit ng palad upang itanong kung may tsansa pa akong makapag-asawa. Ipinanganak ako noong Marso 5, 1964. Isa akong guro at nauubos ang panahon ko sa pagtuturo. Pero may naipon na akong konti na pangnegosyo at pampamilya. Puwede bang gamitin ko ang kolum mo upang makahanap ng aking Prince Charming? Makakapagpundar ba ako ng sarili kong bahay at lupa? Kung mag-aasawa ako, magkaanak pa kaya ako?

MARIFE NG SAN JUAN, BATANGAS

Dear Marife,

MAKAPAG-AASAWA ka naman dahil may nagsosolong guhit sa tagiliran ng palad (tingnan ang bilog sa banding ilalim ng hinliliit). Nagsasabi iyan na makakahabol ka sa huling biyahe. Yun nga lang, hindi ka dapat mamili ng mapapangasawa pero mabait at masipag ang iyong makakataling-puso. Magkakaroon ka pa ng dalawang anak dahil may dalawang guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa banding kalamnan ng hinlalaki). Nangangahulugan ito na makakatapos ng pag-aaral ang iyong mga anak at makakatulong sila sa panahon ng iyong pagtanda. Makakapagpundar ka rin ng sariling bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa banding ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa banding ilalim ng middle finger).
----30--

40 Comments:

Blogger jocelyn rivero said...

Ang una ko naransan na managinip na naka usap ang isang patay sa panaginip ay nagbigay ito ng babala sa kanyang pagkamatay at nag iwan po ito ng mensahe patungkol sa kanyang pamangkin na kasama niya sa bahay,galit ito sa pamangkin niya habang nagkkwento sa akin.

Ang pangalawa ay isinama daw ako ng kapatid ng asawa ko na nawala noong kasagsagan ng bagyong pablo,nwawala ang barkong sinasakyan nila kaya ndi na nkita ang katawan nito,sa aking panaginip ay sinama nya daw ako sa isang mgandang lugar na bundok,na may mga cottage na kubo at may mga nkalagay na korting L, W sa ibaba ng bundok na aming kinatatyuan..hanggang sa kme ay bumaba at tinuro niya sa akin ang daan pauwi na sumakay nlang daw ako ng tricycle..ano po kaya ang posible na ibig sabihen ng panaginip ko na ito.

3:13 PM  
Blogger jocelyn rivero said...

sana malaman ko na ang ibig sabihin nito.

3:15 PM  
Blogger sonia cabrera said...

Nais ko po pong malaman kung anong ibig sabihin na pnaginip ko na tatay ko po ay buhay pa ngunit sa panaginip sya ay patay na at nabuhay pa pero nag iba ang kanyang boses na pra bang isang robot.

5:40 AM  
Blogger IvyElaineMerlin Sunga said...

Dear Don Honesto,

Napanaginipan ko pong namatay ako dahil natuklaw po ako ng nakalalason na ahas nung tumulong po ako sa pagpatay into upang makaligtas ang pamilya ko. Nung kalukuwa na lang po ako, may nakilala po akong isang kaluluwa run na nakapagpalimot ng kalungkutan ko; at nagpaalala na hindi ako nag-iisa. Ano po ba ang kahulugan niyon? Salamat po.

5:36 AM  
Blogger sheene jera said...

gsto ko po sana humingi s inyo ng tulong para malaman ko po kung ano ang ibig sabhin ng panaginip ko. pls help po. nasa bahay po ako ng kapitbahay ko. sa kabaong may bata namatay tas ng pray po ako,pag uwi ko s bahay nabalitaan ko ung kapatid ate ko patay na,at nasa kabaong pero ung kabaok maliit. sinisigaw ko ung name ng ate ko,na parang ndi makapaniwala.tas pagtalikod ko ,alis sana ako biglang nahiwa ung talampakan ko pero pilit ko maglakad tas nung tinignan ko,parang matatanggal na ung talampakan ko sa laki ng sugat. ano po ibig sabhin .pls help po.

10:05 PM  
Blogger sheene jera said...

gsto ko po sana humingi s inyo ng tulong para malaman ko po kung ano ang ibig sabhin ng panaginip ko. pls help po. nasa bahay po ako ng kapitbahay ko. sa kabaong may bata namatay tas ng pray po ako,pag uwi ko s bahay nabalitaan ko ung kapatid ate ko patay na,at nasa kabaong pero ung kabaok maliit. sinisigaw ko ung name ng ate ko,na parang ndi makapaniwala.tas pagtalikod ko ,alis sana ako biglang nahiwa ung talampakan ko pero pilit ko maglakad tas nung tinignan ko,parang matatanggal na ung talampakan ko sa laki ng sugat. ano po ibig sabhin .pls help po.

10:05 PM  
Blogger sheene jera said...

gsto ko po sana humingi s inyo ng tulong para malaman ko po kung ano ang ibig sabhin ng panaginip ko. pls help po. nasa bahay po ako ng kapitbahay ko. sa kabaong may bata namatay tas ng pray po ako,pag uwi ko s bahay nabalitaan ko ung kapatid ate ko patay na,at nasa kabaong pero ung kabaok maliit. sinisigaw ko ung name ng ate ko,na parang ndi makapaniwala.tas pagtalikod ko ,alis sana ako biglang nahiwa ung talampakan ko pero pilit ko maglakad tas nung tinignan ko,parang matatanggal na ung talampakan ko sa laki ng sugat. ano po ibig sabhin .pls help po.

10:05 PM  
Blogger Rica Nochefranca said...

nanaginip po ako na ang probinsya namin ay may namamatay taon taon ung sa tulay .. kumbaga nalihian daw na tao ang namamatay dun... 7 23 2015 po ng madaling araw ako nanaginip. at 31 yrs na daw ang tulay na yon kya 30+ 1 po ung patay na nakita nila ... hnd ko na po nkita kung pano nangyari basta ang nakita ko sa panaginip ko 31 po ung nakahilatang mga bangkay na ngkalat... 7/13 /1989 po bday ko.. patulong naman po kung ano ibig saahin nito...

1:00 PM  
Blogger kristale baldisimo said...

Dear Don Honesto,

nanaginip po ako ng isang kasalan pero hindi naman po ako yung kinasal...dalawang mejo matanda na po na taga doon sa amin na mejo kilala sa brgy. namin yung lalaki po ay dating brgy. captain samin at yung babae naman ay nagtatrabaho sa capitolyo...at kapwa po silang may asawa na sa totoong buhay...ngayong hapon ko na po napanaginipan yan...mga bandang 3:00 08/25/15...

4:51 PM  
Blogger Marianne N.M. said...

Dear Don Honesto,

nanaginip po ako madalas Ng may pinapatay Sa harapan Ko .sa unang panaginip Ko ay isang Babae ngunit Hindi Ko kilala kung sinu un, pangalawa ay ang aking AMA ang pag kakaiba ay ung Sa Babae ang pumatay daw ay isang lalaki ngunit MAs suot itong parang mascara Sa pangalawang panaginip Ko naman po ay isang kaibigan daw po Ng akong Kapatid na Babae ngunit Hindi Ko rin kilala.. Nais Ko pong malaman kung anu ang kahulugan Ng aking mga napapanaginipan Sana po ay matulungan nyo Ko na mabigayan Ng kahulugan Ito.. Maramimg salamat po..

7:23 AM  
Blogger Luffy Numerouno said...

Dear Don Honesto,

nanaginip pO akO Ng may namatay perO hindi kO kiLala
iyak akO ng iyak tapOs Ng hiwaLay daw ang mga MAGULANG kO
Sa Panaginip kO .. anO pO kaya ibig Sabihin nun
SaLamat Sana bigyan nyO pO akO ng payO :),,,

1:58 PM  
Blogger Ahrriethy Kronimash said...

Dear Don Honesto,

nanaginip ako na may isang lugar na malapit sa dagat, may isang lalake akong isinamahan pumalaot para bumili ng mga nahuling isda ng mga taong tagaroon,ang lugar ay parang isang bayan ng mga magigisda, kasama ko anak ko, tapos iniwan ko saglit yun anak ko sa habang naglalaro kase sinamahan ko yun may edad na lalake, pinagkamahalan pa nga ng mga taong nakakakita sakin na sugar daddy ko, ang weird nga po kase ang nasa isip ko may edad na un lalake kaya nagkusang loob akong samahan tpos iba yun mga iniisip ng mga tao,tapos may lumapit sakin isang babae na kaidad ko kilala nya ako at ang sabe nya bakit and2 ka asan anak mo, dun ko naisip na iniwanan ko yun anak ko sa isang parang plaza,iniwanan ko muna yun matandang lalake na sinamahan ko para puntahan yun anak ko, pagpunta ko sa anak ko nagulat ako na kasama na nya yun tiya ko at parang galit sakin kase iniwan ko yung anak ko, ng tingnan ko anak ko parang kakatapos lang umiyak, kinarga ko at inaya kong umuwe na pag baling ko bigla akong nagulat ng makita ko naman yun isa kong tiya na nakaupo kasama yun LOLA KONG NAMATAY na at nagagalit sakin kse nga iniwan ko anak ko, habang karga ko anak ko pinagsasabihan ako ng lola ko na kung saan saan daw ako nagpupunta at nagawa ko pang iwan ang anak ko para samahan yun matandang lalake na akala nila eh may something, syempre dinpend ko yun sarili ko ng sasagot nako bigla akong nagising, masakit sa ulo un bigla kong gising, Anu po kaya ibig sabihin nun, yun Lola ko nakasama ko noon ako ay bata pa lage akong nasa kanila halos mas matagal ko silang naksama kaysa sa mga tunay kong magulang. anu po kaya maipapayo nyo sakin ang birthday ko po ay June 9, 1984 at lola ko naman ay Dec 16 po.

2:54 PM  
Blogger Dreamer curiosity said...

Gusto ko pong malaman kung anong ibig sabihin o iphiwatig sa akin na madalas kong napapaniginipan nag.inidoro or toilet bowl...minsan May kasamang dumb or ako na dumb...bat ganun po

7:32 AM  
Blogger 紺谷エレン said...

gud eve po,ask ko po sana kung ano ibig sabihin nung panaginip ko..
napanaginipan ko po ung pamangkin ko na matagal ng patay,suot nya ung damit na bigay ng isa ko pang pamangkin at my binubulong po sya sa akin na hnd ko marinig..

12:50 AM  
Blogger Mariedel Abdul said...

good evening po. ano po ibig sabihin na napanaginipan mo ex boyfriend mo?

1:02 AM  
Blogger Andy Flores said...


nanaginip po ako na namatay ung anak ng kapit-bahay namin ano po kaya ibig sabihin nun sir.

3:35 PM  
Blogger Dreamer curiosity said...

anong ibig sabihin sa panaginip ang banyo at lgi toilet bowl na madals kong napapnaginipan..minsan nakahubad ako walang saplot pero parang natural lang walang malisya parang natural na hindi nagdadamit..kadalasan naliligo ako. tas toilet bowl lagi

8:05 PM  
Blogger cherrieyn sapo said...

lagi ako nanaginip ng paaralan gusali at tubig kagabi nga po simbahan naman may nakikita ako number sa panaginip ko 25 , 30 , 41 po. anu po ibig sabihin nito plz help me

9:47 AM  
Blogger kiera roble said...

This comment has been removed by the author.

3:55 PM  
Blogger Alyssa Dacles said...

This comment has been removed by the author.

4:13 PM  
Blogger Alyssa Dacles said...

This comment has been removed by the author.

4:14 PM  
Blogger Alyssa Dacles said...

Ano po ang ibig sabihin ng ganitong panaginip. nanaginip po ako ng nakikipag talik po sa iba ang aking nobyo nakita ko po sila at nagalit po ako tapos po sinabunutan ko po yung babae pero ayaw nya pa din tigilan ang aking nobyo napaka tigas ng puso ng babae ayaw nya kaming tigilan hangang sa natapos na ang ang aming relasyon. at may kasunod pa ang aaking panaginip nagkaanak daw ang aking nobyo dun sa babae nya two girls and one boy ang anak nya pero yung babae nung nobyo ko namatay na ata or iniwan na sila tapos isang araw nagkita kami ng nobyo ko nakita ko na dala dala nya mga anak nya then kinausap ko sya tapos hiningi ko nalang number nya kasi nagmamadali daw ako kasi may pasook pa daw ako then yun nataposs ang aming usapan nagpunta na daw ako sa eskwelahan pagkatapos pagkatapos ng aking klase agad ko syang kinontak para sabihing pupuntahan ko sila sa kanila bahay pero wala sya dun sa bahay nila kasi may trabaho daw sya ang mga anaak nya lang ang nandun at katulong ata nila yun sabi ko sige pupunta ako aalagaan ko na din ang mga anak nya at hihintayin ko nalang din sya hanggang sa pag uwi nya ng bahay. at agad na akong pumunta sa kanilang bahay upang bantayan din ang kanya mga anak pagka dating ko ng bahay mababait naman ang mga anak nya nagintay kami dun hanggang dumating din ang dati kong nobyo at tuwang tuwa yung mga anak nya kasi dumating na yung daddy nila and ako naman nakipag usap ako saglit na parang walang nangyari noon at wala naman daw ako galit sa aking nobyo. dun na nagtapos ang aking panaginip.

4:18 PM  
Blogger Melody Veluya said...

Ako po nanaginip na sa bintana nakita ang aking anak patay at nakalagay sa kabaong at nakalutang sa hangin. Tinitingnan kulang siya. Ano kaya ang ibig sabihin nun?

11:19 AM  
Blogger Melody Veluya said...

Ako po nanaginip na sa bintana nakita ang aking anak patay at nakalagay sa kabaong at nakalutang sa hangin. Tinitingnan kulang siya. Ano kaya ang ibig sabihin nun?

11:19 AM  
Blogger Melody Veluya said...

Ako po nanaginip na sa bintana nakita ang aking anak patay at nakalagay sa kabaong at nakalutang sa hangin. Tinitingnan kulang siya. Ano kaya ang ibig sabihin nun?

11:19 AM  
Blogger melreymae sy said...

Napanaginipan ko po na na buhay muli ang papa ko sobrang saya ko Po pero umiyak din Po ako at nagmamakaawa sa kanya na wag akong iwan ulit agad niya naman akong sinabihan na wag umiyak gaya ko umiiyak din siya..

6:40 AM  
Blogger melreymae sy said...

Napanaginipan ko po na na buhay muli ang papa ko sobrang saya ko Po pero umiyak din Po ako at nagmamakaawa sa kanya na wag akong iwan ulit agad niya naman akong sinabihan na wag umiyak gaya ko umiiyak din siya..

6:40 AM  
Blogger melreymae sy said...

Napanaginipan ko po na na buhay muli ang papa ko sobrang saya ko Po pero umiyak din Po ako at nagmamakaawa sa kanya na wag akong iwan ulit agad niya naman akong sinabihan na wag umiyak gaya ko umiiyak din siya..

6:42 AM  
Blogger melreymae sy said...

Napanaginipan ko po na na buhay muli ang papa ko sobrang saya ko Po pero umiyak din Po ako at nagmamakaawa sa kanya na wag akong iwan ulit agad niya naman akong sinabihan na wag umiyak gaya ko umiiyak din siya..

6:42 AM  
Blogger John Abella said...

nanaginip po ako ng isang babae na may hawak ng mga numero na 0911 at paglingon ko po sa aking likuran na may makita po akong kabaong na ang nakahiga ay lalake pero hindi ko po sia kilala ,

1:19 PM  
Blogger John Abella said...

nanaginip po ako ng isang babae na may hawak ng mga numero na 0911 at paglingon ko po sa aking likuran na may makita po akong kabaong na ang nakahiga ay lalake pero hindi ko po sia kilala ,

1:20 PM  
Blogger John Abella said...

nanaginip po ako ng isang babae na may hawak ng mga numero na 0911 at paglingon ko po sa aking likuran na may makita po akong kabaong na ang nakahiga ay lalake pero hindi ko po sia kilala ,

1:20 PM  
Blogger Emitch said...

Nanaginip po ako na namatay ang king kapatid na nsa abroad po ngyun anu po ba ibigsabhin ng aking panaginip? Sana po ma sagot ang aking ktanungan salamat po..

8:22 AM  
Blogger Unknown said...

Good pm gusto ko lang malaman ang ibig sabihin kung namatay ka sa panaginip at nakita mong ang asawa mo ay may hawak na sanggol(inyong anak) tumatagos ka lang sa katawan ng asawa mo. Salamat

9:23 PM  
Blogger ANA28 said...

Dear Don Honesto,

Magandang araw po!
Gusto ko lang po magtanong kung bakit minsan nananaginip ako ng diko kilala ang name pero kaibigan pala xa ng friend ko tapos nung kinausap ko friend ko ngtaka xa kilala ko buong name sabi ko sa panaginip ko lng un, tapos nalaman minamaltrato ng amo. Tapos minsan nananaginip ako ng Sto. Niño lalo nung nahospital mama ko bigla xa gumaling at tinawag name ko. Sa tuwing managinip me ng mga ganun parang tingin ko himihingi tulong gandang 2am-4am po. Tapos nananaginip din ako ng Brown na pusa at imaging manok minsan. Anu po ibig sabihin nito lalo na bakit napapanahinipan ko ung mga taong nasa emergency na kalagayan?
Meron din ka pag may problema me sa panaginip ko nakita ko si God sa bintana nakaputi dw.

Sana bigyan u din po ako ng maswerteng number para sakin.

Si Ann po eto ng Manila, October 15,1983 po ang bday ko.
Dagdag po maswerte po ba ako bilang isang agent ng real estate?
Thanks a lot. God bless po

12:13 PM  
Blogger ANA28 said...

Inahing manok po pala yan

12:15 PM  
Blogger ANA28 said...

Inahing manok po pala yan

12:16 PM  
Blogger Unknown said...

napanaginipan ko po ang aking tatay na kamamatay lang nya.. tapos kinukulit nya ako magpa check up sa clinic.. tsaka minsan bago ako matulog pag pinipikit ko mata ko nakikita ko mukha nya na naka smile skin ano po ibig sabihin non

11:21 PM  
Blogger Yvethlorraine Imatong said...

Hello po.. Ask ko lng po ung panaginip ko po kc.. Nanaginip akong namatay ung anak ko.. Natatakot po tuloy ako.. Mag bbday po ang anak ko s oct 10.. Ano po ibigsbihin nun? Sana po mapansin nio ang message ko.. Sana po msagot nio.. Salamat po..

4:19 AM  
Blogger Zed said...

Hi po, tanong ko lang po... nanaginip po kasi ako na namatay ang bestfriend ko na babae...(nagising na ako) tas sinabi ko po sa kanya yung panaginip ko tas sabi niya rin po Nanaginip din po yung Mama niya,yung kaibigan niya, at kaklase namin na namatay din siya. Yung mama niya po ay napanaginipan iyon kahapon tapos po kaming 3 ay napanaginipan namin iyon kagabi....nag aalala lang po ako kasi po 4 po kaming nanaginip ng ganun...ano po kaya ibig sabihin nun ? Sana po ay mapansin niyo po ito at mabigyan ng kahulugan....Maraming Maraming salamat po

8:39 PM  

Post a Comment

<< Home