Wednesday, November 30, 2005

hubad, kolehiyo (02dis05)

Tiktik—02tiktik05, for: dis 02 issue

ATTENTION: TIKTIK c/o JUDAY

01. NUMERO AT PANAGINIP

head:Nagsayaw nang hubad

Dear Don Honesto,
MADALAS ko pong mapanaginipan na ako ay nagsasayaw sa isang party. Kasama ko raw ang mga kaklase ko sa high school. Pero, lahat kami ay naka- two-piece bikini lang at ang mga lalaki ay naka-swimming trunk. Pero wala naming malisya an gaming pagsasayaw at normal lamang. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Mayo 6, 1985. Nakatira ako sa isang boarding house sa Maynila at bibihira lang akong umuwi sa probinsiya naming. Makatapos kaya ako ng pag-aaral? Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

NYMPHA NG STA CRUZ., MAYNILA

Dear Nympha,
ANG hubad ay sumisimbolo sa kalayaan. Malinaw ditto na ikaw ay malayang nakapagdedesisyon sa iyong sariling buhay malayo sa impluwensiya ng yong mga magulang. Kung kasayaw mo ang iyong mga kaklase sa high school, nangangahulugan ito na nalampasan mo na ang maraming pagsubok at tukso bunga ng kabataan. Natalo mo na ang bad traits mong pagiging immature o pagiging childish sa nagdaang panahon. Ang pagsasayaw ay nagsasabi na ikaw ay kumikilos na ngayon nang sistematiko at organisado kaya’t walang duda na matatapos mo ang iyong kurso sa kolehiyo. Katapat ng pagsasayaw ay No., 25; No. 16 ang hubad; No. 34 ang high school; No. 3 ang bikini; No. 20 ang swimming trunk. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 6 ay maging emosyonal pero may kakayahan kang makontrol ito. Pinakabuwenas mo ang No. 6 at No.2. Sa jai alai, isama mo ang No. 7. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 2-16-19-22-27-34-36-40-42.
---30—


02. PALMISTRY

head: Makakatapos sa kolehiyo

Dear Sir Dennis,
NAGPA-SEROX na rin ako ng guhit ng palad. Kasi’y nais kong malaman kung makakatapos ako ng pag-aaral. Matagal na akong nag-dropped pero nangangarap pa rin akong makabalik sa kolehiyo. Isa akong security guard at binata pa. Panganay ako sa apat na magkakapatid. Suwerte ba ako sa pag-aasawa? Ilan ang aking magiging anak? Makapagpupundar kaya ako ng sariling bahay at lupa? Ipinanganak ako noong Oktubre 5, 1975.

VIRGILIO NG PARANAQUE CITY

Dear Virgilio,
TAMA ang desisyon na magbalik sa pag-aaral pero dapat ay sinasamahan mo ng pagkilos at pagsisikap ang iyong mga hilaw na pangarap. Gaano na ba ang naipon mo? Walang duda na makakatapos ka ng kolehiyo kasi’y may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng palasingsingan (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng ring finger).Dalawang beses kang magmamahal at ang ikalawang nobya mo ang makakatuluyan mo. May dalawang guhit kasi sa tagiliran ng palad (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng hinliliit). Nagsasabi ito na buwenas ka at magkakaroon ng isang masaya at maunlad na pamilya sa hinaharap. Magkakaroon ka ng dalawang anak kasi’y may dalawang guhit ang pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa bandang kalamnan ng hinlalaki). Magagawa mo ring makapagpundar ng sariling bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger).
----30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home