Tuesday, November 29, 2005

ilog tuyot sa dreams/ Canada sa palmistry (30nob05)

Tiktik—30nob05, nob. 30 issue

ATTENTION: TIKTIK c/o JUDAY

01. NUMERO AT PANAGINIP

Head: Mababaw na ilog

PALAGI ko pong napapanaginipan ang isang ilog. Pinakahuli ay halos matuyot daw ang ilog ay nagging hanggang tuhod na lamang ang tubig kaya’t nagagawa kong lumakad. Marumi rin angtubig na parang burak pero tuwang tuwa pa rin ako sa pagtatampisaw. Hiwalay ako sa asawa at naiwan sa misis ko ang dalawa naming anak. Nagkahiwalay kami dahil sa pagiging lasenggo ako pero pinagsisihan ko na ang lahat. Sa totoo lang, nararamdaman ko na ang panghihina ng aking katawan at tuwing sumusuweldo ko at nauubos ko lamang ang pera sa pagbababad sa beerhouse kung saan maraming babae ang nakakarelaasyon ko. Iyan lang kasi ang aking tanging kaligayahan. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Nobyembre 22, 1960.


VIVIAN NG BALAYAN, BATANGAS

Dear Vivian,
ANG tubig ay sumisimbolo sa sexual drives pero natutuyo ang ilog, kaya’t malinaw na nagkakaranas ka ng sexual illness o panghihina ng kapasidad sa pakikipag-sex. Kung mukhang burak o marumi ang sex, malinaw ditto na pumapatol ka sa mga burikak o mga bayarang babae na maaari mong ikapahamak. Malinaw din na may problema ka na sa sexual activity at kinakapos o nabibitin na ang iyong diskarte. Katapat ng ilog ay No. 11; No. 17 ang burak; No. 10 angf tubig; No. 12 ang hanggang tuhod; No. 23 ang paglalakad. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 22 ay makaranas ng mga pambiihirang kapalaran at pagiging likas na malulungkutin. Pinakabuwenas mo ang No. 4 at No. 3.Sa jai alai, isama mo ang No. 7. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-18-23-26-34-37-40-42.
---30—

02. PALMISTRY

Head: Makapag-aral muli

Dear Sir Dennis,
NATUKSO na rin akong magpa-serox ng guhit ng palad.Gusto ko kasing malaman kung magagawa kong makarating sa Canada. Nauna nap o doon ang mister ko at binabalak niyang doon na rin kaming buong pamilya na doon manirahan. Magkatotoo kaya ang ganitong pantasya? Gusto ko ring ipagpatuloy ang pag-aaral ko sa kolehiyo nang maudlot dahil sa maagang pag-aasawa, magawa ko kaya ito? Pangarap kong magkaroon ng sariling bahay at lupa, magawa ko kaya ito? Ipinanganak ako noong Oktubre 26, 1974.

JOSMAR NG CAPAZ, TARLAC

Dear Josmar,
WALANG problema at walang duda na makaka-migrate kayong lahat sa Canada. Sobrang layo kasi ang naabot ng dulo ng Life Line at nagkaroon pa ito ng sanga (tingnan ang bilog sa banding pulso). Nagsasabi ito na ikaw at ang iyong pamilya ay makakarating sa Canada nang walang problema. Magagawa mo ring makapagpatuloy ng pag-aaral dahil may guhit na pumaitaas sa banding ilalim ng palasingsingan (tingnan ang bilog sa banding ilalim ng ring finger). Nagsasabi ito na magtatagumpay sa napili mong langaran. Magkakatotoo rin ang pangarap mong magkaroon ng sariling bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa banding ilalim ng middle finger (tingnan ang bilog sa banding ilalim ng hinlalato). Nagsasabi ito na buwenas ka sa lahat ng may kaugnayan sa lupa o agribusiness.
----30---

1 Comments:

Blogger Mahendhar Asrologer said...

Really its very useful information that you have shared and looks great post.Thanks for sharing the information with us. Palmistry in Canada | Best Indian Astrologer in Toronto

3:36 PM  

Post a Comment

<< Home