Saturday, December 03, 2005

awit, ahon sa hirap (05dis05)

Tiktik—05dis05, for: dis. 05 issue advance

ATTENTION; TIKTIK c/o JUDAY

01. NUMERO AT PANAGINIP

Head:Umawit sa entablado

Dear Don Honesto,
NAPANAGINIPAN ko na ako ay kasali sa isang amateur singing contest. Napakaganda daw ngf suot kong gown tulad ng mga isinusuot ng mga divas sa telebisyon. Nagpapalakpakan daw ang mga ito habang ako ay umaawit sa ibabaw ng entablado sa harap n gaming munisipyo sa aming probinsiya. Pero biglang pumatak ang malakas na ulan at nagtakbuhan palayo ang mga tao. Pero ako ay patuloy lamang sa pagkanta kahit nag-iisa. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Mayo 3, 1980. Bagong pasok lang ako ng trabaho bilang computer technician. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.


APRIL NG STA ROSA, LAGUNA


Dear April,
KUNG napanaginipan mong kumakanta ka, nangangahulugan ito na ikaw ay napaka-organized sa iyong mga pagkilos kaya’t walang duda na mabilis kang aasenso sa iyong trabaho. Kung maraming tao, malinaw ditto na maraming lihim na humahanga sa iyo. Kung ikaw ay nasa entablado, hahawak ka ng mga tao o magiging superbisor at sa katagalan ay makapagpupundar ka ng sarili mong negosyo. Ang ulan ay nagsasabi na may mayroong kang strong sexual drives at ang pakikipagrelasyon sa opposite sex ang maaaring dumiskaril sa iyong mga pangarap kaya’t dapat na maging maingat ka. Gayunman, malalampasan ang lahat ng pagsubok. Katapat ng pag-awit ay No. 5; No. 40 ang entablado; No. 18 ang munisipyo; No. 49 ang maraming tao; No. 11 ang pag-ulan; No. 23 ang pagtakbo; No. 28 angf magarang gown. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 3 ay magmistulang bayani—maraming hahanga at bibilib sa iyo. Pinakabuwenas mo ang No. 3 at No. 8. Sa jai alai, isama mo ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 4-7-11-19-23-26-34-37-40-42.
----30—

02. PALMISTRY

Head: Makakaahon sa hirap

Dear Sir Dennis,
PALAGI akong nagbabasa ng kolum mo at nagpa-zerox na rin ako ng guhit ng palad na inilakip ko ang kopya sa liham na ito. May pag-asa na akong makaahon sa hirap? Isa lamang akong ordinaryong obrero sa isang kompanya. May apat akong anak na nag-aaral at may maliit na sari-sari store ang misis ko pero kapos pa rin kami. Makatapos kaya sa pag-aaral ang apat kong anak? Pangarap kong mag-abroad, matuloy kaya ako? Ipinanganak ako noong Agosto 7, 1967.

ESTEBAN NG TARLAC

Dear Esteban,
WALANG duda na aasenso ka at makakaahon sa hirap. Kasi’y masikap , matiyaga at masinop ka. Sa totoo lang, lahat ng paraan ay gagawin mo upang maiahon lamang sa kahirapan ang iyong pamilya. Marami kasing mumunting guhit ang pumaitaas mula sa Life Line paitaas sa banding ilalim ng mga daliri (tingnan ang bilog sa gitna). Nagsasabi iyan na maraming oportunidad ang kakatok sa iyong pintuan upang makaaahon ka sa hirap.Makakatapos naman ng pag-aaral ang tatlo mong anak maliban sa bunso na mag-asawa nang maaga. Mahahaba kasi at matitikas ang unang tatlo sa apat na guhit maliban ang huling guhit na pumaitaas sa kalamnan g hinlalaki (tingnan ang bilog sa banding kalamnan ng hinlalaki). Nagsasabi ito na matutulungan ka ng iyong mga anak sa panahon ng pagtanda. Matutuloy ka rin sa pagtatrabaho sa ibang bansa kasi’y mahaba ang naabot ng dulo ng Life Line at nagkaroon pa ito ng sanga nang umabot sa banding pulso (tingnan ang bilog sa banding pulso).
----30---

1 Comments:

Blogger Unknown said...

april28_1990 po ako..at kagabi ko lang napanaginipan salamt oo

5:40 PM  

Post a Comment

<< Home