Friday, December 02, 2005

buhok, house-n-lot (04dis05)

Tiktik—04dis05asdvance

ATTENTION: TIKTIK c/o JUDAY

Head: Buhok

Dear Don Honesto,
NAPANAGINIPAN ko po na ako ang isa kong dating kaibigan na may balingkinitang katawan. Magkasabay daw kaming nagpagupit ng buhok sa parlor. Pero, nang lumabas kami ay napansin kong mas maikli ang buhok ko kaysa sa kanya at mas maganda ang kanyang porma kaysa sa akin. Sa totoo lang, madalas kong mapaginipan ang aking buhok. Noon una ay napaginipan kong marami akong kuto at inaalis ko ito isa-isa. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Nobyembre 5, 1980.

SYLVIA NG FRISCO, QC

Dear Sylvia,
ANG buhok ay nagsisilbing antenna ng iyong talino. Kung may kuto ito, nagugulo ang iyong isip. Hindi ka makapagdesisyon, nabuburyong ka at nagdududa ka sa mga desisyon mo. Ang babaeng kaibigan mo sa panaginip ay ikaw din. Malinaw ditto na sinisikap mong mag-diet o magpaka-seksi o maging maganda higit sa nagdaang mga araw. Ang parlor ay nagsasabi na ikaw ay masyadong “self-centered” o masyadong engrossed o conscious sa iyong itsura particular sa iyong physical appearance. Kung maikli ang buhok, mistulang inaamin mo na nagkamali ka sa desisyon at nagsisisi ka sa ilang aksiyon at Gawain na dati mong ginawa sa nagdaang panahon. Katapat ng babae ay No. 6; No. 11 ang buhok; No. 34 ang parlor; No. 5 ang maikli; No. 27 ang pagpapagupit. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 5 ay maging atubili sa mga desisyon pero makapag-aabroad ka kung nanaisin mo. Pinakabuwenas mo ang No. 5 at No.2. Sa jai alai, isama mo ang No. 3. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-25-34-37-40-42.
---30---

02. PALMISTRY

head: Bahay at lupa

Dear Sir Dennis,
NAGPASYA na rin akong magpa-zerox ng guhit ng palad. Nais kong kasing malaman kung makapagpupundar ako ng sariling bahay at lupa. May 10 taon na kaming nangungupahan ng bahay at palipat-lipat kami ng lugar. Nahihirapan na ako lalo pa’t may tatlo kaming anak. Balak kong mag-abroad, matuloy kaya ako? Sino sa mga anak ko ang magtatagumpay. Ipinanganak ako noong Hunyo 6, 1970.

DAVID NG DASMARINAS, CAVITE

Dear David,
HINDI ka dapat nababahala. Kasi’y matutupad mo naman ang pangarap mong makapagpundar ng sariling bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger). Nagsasabi rin ito na ikaw ay buwenas sa lahat ng may kaugnayan sa lupa tulad sa real estate at agribusiness. Magagawa mo ring makapag-abroad kung magko-concentrate ka sa pag-aayos ng mga dokumeto. Malayo kasi ang naabot ng dulo ng Life Line at nagkaroon din ito ng sanga (tingnan ang bilog sa bandang pulso). Nagsasabi ito na ikaw ay makakaranas ng malaking pagbabago sakaling mandayuhan o pumunta sa malayong lugar—diyan magsisimula ang iyong pag-unlad. Makakatapos naman ng pag-aaral ang iyong tatlong anak kasi’y matitikas at mahahaba ang tatlong guhit na pumaitaas sa bandang kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa kalamnan ng hinlalaki). Nagsasabi ito na ikaw ay matutulungan ng iyong mga anak sa panahon ng iyong pagtanda.
---30--

27 Comments:

Blogger Unknown said...

magandang araw po
lage po akong nanaginip ng tubig kung minsan kulay brown,blue,at minsan naman sobrang putik....at nung nanaginip ako ng putik hinukay dw ng papa ko ang putik na ito na may kunting tubig...at nung nanaginip ako ng tubig na medyo brown tumawid dw ako sa tubig..at pagkatapos kong tumawid pagkadating ko sa daplin may dalawang ahas na kulay puti...lage po akong nanaginip nito kundi ahas tubig...at nanaginip din ako ng dagat na kulay blue naligo dw kami kasama ng ex boyfriend ko...at may patay na aso...at nananigip dn ako na pinutol dw ung buhok ko...


ang kaarawan ko po ay dec.06,1991

salamat po sa mkabigay ng kahulugan....
GODBLESS....

11:37 AM  
Blogger Unknown said...

magandang araw po
lage po akong nanaginip ng tubig kung minsan kulay brown,blue,at minsan naman sobrang putik....at nung nanaginip ako ng putik hinukay dw ng papa ko ang putik na ito na may kunting tubig...at nung nanaginip ako ng tubig na medyo brown tumawid dw ako sa tubig..at pagkatapos kong tumawid pagkadating ko sa daplin may dalawang ahas na kulay puti...lage po akong nanaginip nito kundi ahas tubig...at nanaginip din ako ng dagat na kulay blue naligo dw kami kasama ng ex boyfriend ko...at may patay na aso...at nananigip dn ako na pinutol dw ung buhok ko...


ang kaarawan ko po ay dec.06,1991

salamat po sa mkabigay ng kahulugan....
GODBLESS....

11:37 AM  
Blogger Unknown said...

dmagandang araw po
lage po akong nanaginip ng tubig kung minsan kulay brown,blue,at minsan naman sobrang putik....at nung nanaginip ako ng putik hinukay dw ng papa ko ang putik na ito na may kunting tubig...at nung nanaginip ako ng tubig na medyo brown tumawid dw ako sa tubig..at pagkatapos kong tumawid pagkadating ko sa daplin may dalawang ahas na kulay puti...lage po akong nanaginip nito kundi ahas tubig...at nanaginip din ako ng dagat na kulay blue naligo dw kami kasama ng ex boyfriend ko...at may patay na aso...at nananigip dn ako na pinutol dw ung buhok ko...


ang kaarawan ko po ay dec.06,1991

salamat po sa mkabigay ng kahulugan....
GODBLESS....

11:38 AM  
Blogger Unknown said...

have a good day po,mataas po ang buhok hanggang baywang my kulay nanaginip po ako kagabi na umupo ako sa parlor at ginupit ung buhok ko na maikli pagkatapos nkita ko ung buhok ko na pinutol ano po ang ibig sabihin noon

3:19 AM  
Blogger Unknown said...

Good day! Lagi kasi akong nanaginip na may bumalik akong kaibigan galing abroad... At ung isa kung kaibigan nangutang sa akin... At may kasma ring may matandang lalaki na namaty at nag papakita sa akin anu kya ibig sabihin nito... Im 21 yrs old dec 15 1993 ...

4:34 PM  
Blogger Unknown said...

Gud day po sa aking panaginip ano po ibig sabihin ng maraming kuto n naglaglagan s ulo ko .

6:41 AM  
Blogger Unknown said...

hello tanung ko lang po ano ibig sabihin pag nanaginip ka ng maraming kuto sa ulo

5:49 AM  
Blogger Unknown said...

hello tanung ko lang po ano ibig sabihin pag nanaginip ka ng maraming kuto sa ulo

5:49 AM  
Blogger Unknown said...

Magandang hapon po nanaginip po ako naglagas daw buhok ko tapos kasama ko po kaibigan kong bading..

2:58 PM  
Blogger joan said...

Good evening po. Napanaginipan ko po na ginugupitan ako ng buhok at napanaginipan ko rin po na naging close kami ng ex husband ko at ng ikalawa nyang pamilya kasi kinarga kopa po yung anak nya.

1:48 AM  
Blogger Unknown said...

Hello po magandang araw. gusto kulang sana itanung kung anung ibig sabihin ng aking magkasunod na panaginip. kahapon po ng gabi nanAnaginip po ako ng napakaraming gagamba at punong puno po ung bahay. tapos gusto nila akon kagatin. tapos pinag hahampos ko po hangang sa tumilapon ung iba. kagabi naman po ang panaginip ko ay buhok . madaming buhok at mahahaba na naka lugay sa aming bubungan. ano po ba ang ibig sabihin nito salamat po.

1:08 PM  
Blogger Unknown said...

Hello po nanaginip po ako na binubunot ko po ung buhok ko sa armpit ko at madami po ung buhok. Binubunot ko po sya sa pamamagitan ng kamay ko. Ano po ibig sabihin nun?thank u po!

1:43 AM  
Blogger Akire20 said...

Hello good day po, nanaginip ako kagabi (9,6,17) tungkol sa buhok ko. Matutulog napo sana ako at naisipan ko munang suklayin yung buhok Naglalagas po ito at halos makalbo na ako. Ano po kayang kahulugan neto. Salamat po sa pagsagot.

2:08 PM  
Blogger Unknown said...

Good day post. Lagi po ako nanaginip may buhok sa bibig ko, pilit kung tangalin, hiniliha ko palabas period walang katapusan, lagi ko yan napaginipan... Ano uniform sabihin po sa panaginip ko.

10:57 PM  
Blogger Unknown said...

Good morning po pde po akong magtanoung anong ibig sabihin ng panaginip ng kuto? nanaginip po ako ang kaibigan ko po na babae mahaba po buhok niya at marami xang kuto? ano po no. ang kuto? birthday ko po may 20 1984 sana po ay makakuha po ako ng sagot sa tanong ko.. thank you po godbless

9:15 AM  
Blogger Unknown said...

Hello po,,nanaginip po ako na pagkatapos ko maligo nagsuklay ako nalagas ang mga buhok ko,kasama ang asawa ng pinsan ko anu po ibigsabihin nito

2:22 PM  
Blogger Unknown said...

Hello po...lagi po akong nanaginip ng tubig na minsan blue,brown na maputik at bigla na lng na tagalang maitim na maitim at bumubulusok daw ako sa kailaliman at nakakaahon nmn dw po ako..ano po ba ibig sabihin nito? Salamat.
Pinanganak po ako ng August 5,1978

6:00 PM  
Blogger Unknown said...

Gud morningpo...kagigising ko lng at di mapakali dahil sa panaginip ko. Ang dami ko daw kasing lisa at kuto habang tinitingnan ko ung buhok ko sa salamin. Ano kaya ibig sabihin. Kinukuha ko pa nga daw ung iba at isa isang pinatay gamit ang kuko. Pinanganak po ako ngagust 16 1985.

5:36 AM  
Blogger Don Honorio said...

Panaginip ko po buhok na lumalabas sa akin napakarami po hinihila ko ng hinihila hanggang mapuno ang kamay ko ng isang kumpol na buhok. Ano po ibig sabihin nun. Sana po ma interpret nyo at first time ko managinip ng buhok. Salamat po

4:46 PM  
Blogger Unknown said...

Magandang umaga po, another po bng inig sabihin ng akong panaginip? Ako ay panaginip Nah kumati dw ang uli kaya sinuklayan ko nang pampakuha ng kuto at maraming kuto dw akong makuha.. Ang kaarawan ko ay may 26,1995.salamat po.

7:50 AM  
Blogger Unknown said...

pwd po mgtanung anu ibg sabhn po ng naanaginip ng kuto ng tao salmt po

4:02 PM  
Blogger Unknown said...

anu po meaning napanaginipan kp po kuno sa ulo ko hinahawakan ko cya..

7:59 PM  
Anonymous Anonymous said...

Hello po, nanaginip po ako kgabi,
Na nligo po ako gamit ko ang creamsilk conditioner. Tapos pag hawak k s buhok ko. Nabunot k daw buhok n parang isang bundle ang naalis ko s ulo ko.
Tas Sabi klng daw d mganda ang creamsilk sa buhok ko.
Ano po kayang ibig sabhin nuon.
Ano pong numero kya pag tatayaan ko?

5:49 PM  
Blogger Unknown said...

Nanaginip ako marameng kuto s kaibigan ko nakuha

7:45 AM  
Blogger Unknown said...

Hello, po . Nananaginip po ako kagabi ng Kuto.. Madami daw kuto sa uLo ko , tapos sinuklay suklay ko sya twice atah yun hindi ko matandaan kc as in ang dami tapos naka tayu ako sa harap ng may kumukulo sa Kaldero na malaki at yung nasuklay kung mga kuto doon nahuhulog tapos yung kasama ko na hawak yung sandok kumuha ng kunting sabaw dun sa pinaghulugan ko ng mga kuto tapos ayon sabi tikman ko daw kung okay na ehhh sa ayaw ko kaya ayun nagising ako .. Anu po ibig sabihin nun please po pasagut salamat

1:18 PM  
Blogger Unknown said...

Hello, po . Nananaginip po ako kagabi ng Kuto.. Madami daw kuto sa uLo ko , tapos sinuklay suklay ko sya twice atah yun hindi ko matandaan kc as in ang dami tapos naka tayu ako sa harap ng may kumukulo sa Kaldero na malaki at yung nasuklay kung mga kuto doon nahuhulog tapos yung kasama ko na hawak yung sandok kumuha ng kunting sabaw dun sa pinaghulugan ko ng mga kuto tapos ayon sabi tikman ko daw kung okay na ehhh sa ayaw ko kaya ayun nagising ako .. Anu po ibig sabihin nun please po pasagut salamat.

June 28, 1993 po ako
Napaginipan kopo sya APRIL 28, 2021.

1:23 PM  
Blogger Unknown said...

gandang hapon po..tanong po sa panaginip ko kong ano po ibig sabihin na nagsuklay daw po ako ng kulay green kopo na suklay at marami daw po nakoha sa suklay ko na mga kuto..salamat po sa sagot🥰🥰abangan kopo.

5:38 PM  

Post a Comment

<< Home