Tuesday, December 06, 2005

opis, asenso (08dis05adv)

Tiktik—08dis05, advance for: dec. 08 issue

ATTENTION: TIKTIK c/o JUDAY

01. NUMERO AT PANAGINIP

Head:Manager sa office

Dear Don Honesto,
NAPANAGINIPAN kop o na ako ay nagpunta sa isang pribadong opisina at dinatnan ko ditto ang mga dati kong officemate na matagal ko nang iniwanan. Tuwang- tuwa daw sila nang Makita ako at muli nilang makakasama. Tipong ako ang aakto nilang bagong manager. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Mayo 27, 1970. Bigyan mo sana ako ng buwenas na numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

EDUARDO NG MALASIQUI, PANGASINAN

Dear Eduardo,
ANG opisina ay repleksiyon ng iyong pagkatao. Ito ang pormal na estilo ng iyong buhay. Nangangahulugan ito na ikaw ay papunta sa panibagong yugto ng buhay kung saan may iaalok sa iyo na oportunidad na magiging pundasyon sa iyong pag-unlad. Ang oifficemate ay nagsasabi na magkakaroon ka ng isang maselang responsibilidad na sakaling malampasan mo ang pagsubok ay dire-diretso ka nang makakaangat sa buhay. Kung ikaw ay manager, malinaw ditto na mabigat na paghamon ang makakaharap mo kaya’t dapat na paghandaan mo ito. Katapat ng opisina ay No.20; No. 16 ang officemate; No. 25 ang tuwa; No. 37 ang reunion. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 27 ay mapagitna sa maraming pagsubok kung saan makakatas nang todo ang iyong kakayahan. Pinakabuwenas mo ang No.9 at No.3. Sa jai alai, isama mo ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 2-6-11-19-23-25-34-37-40-42.
-----30—

02. PALMISTRY

Head:Makakaahon sa hirap

Dear Sir Dennis,
SUKI ako ng kolum mo at nais kong bigyan mo ng kahulugan ang guhit ng aking palad na ipina-zerox ko at inilakip ko ang kopya sa liham na ito. May pag-asa kaya akong makaahon sa hirap? Namamasukan ako bilang baby sitter pero nangangarap din akong makapagtayo ng sarili kong sari-sari store kahit sa tapat n gaming bahay, magawa ko kaya ito? Dalaga pa ako, makapag-aasawa kaya ako nang maayos? Ilan ang aking magiging anak? Ipinanganak ako noong Agosto 7, 1975.

CECIL NG SAN PABLO CITY

Dear Cecil,
LIKAS kang masikap, matiyaga at masinop kaya’t walang duda na makakaahon ka sa hirap. Marami kasing mumunting guhit ang sumulpot mula sa kalagitnaan ng Life Line (tingnan ang bilog sa gitna). Nagsasabi ito na maraming oportunidad ang kakatok sa iyong pintuan at magagamit mo ito sa pag-unlad. Makakapag-asawa ka naman nang maayos dahil may isang kaibigan na matagal mo nang hindi nakikita ang mag-aalok sa iyo ng kasal na hindi mo na dapat tanggihan. May nagsosolo kasing guhit sa tagiliran ng palad (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng hinliliit).Minsan ka lamang iibig at siya na ang iyong makakatuluyan. Magkakaroon kayo ng apat na anak kasi;y may apat na guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa bandang kalamnan ng hinlalaki). Makakapagtayo ka rin ng sarili mong sari-sari store dahil may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hintuturo (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng index finger).
----30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home