Saturday, January 28, 2006

Nahulog sa ilog (dream)

Dear Don Honesto,
NAPANAGINIPAN ko po ako ay nakasakay sa isang bangka at kasama mo ang mga kaklase ko sa high school. Maraming isda na nagpupusagan at nagluluksuhan sa ilog. Ako mismo ang sumasagwan pero biglang pumatak ang malakas na ulan. Hanggang sa biglang lumalakas ang alon kung saan tumaob ang aming bangka. Nahulog ang mga kasama ko at naglanguyan kami papunta sa pampang. Pero, nawala ang dalawa namin kaeskuwela kaya't nag-iiyak ako hanggang sa magising. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Hunyo 15, 1980. Bagong pasok lanmg ako sa trabaho. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.
RICHARD NG SAN FERNANDO CITY
Dear Richard,
Ang tubig ay nagsasabi na ikaw ay may strong sexual drives. Kung napanaginipan mo ang iyong mga kaklase sa high school, nagpapahiwatig ito na ikaw ay may pagka-childish, matigas ang ulo at nabubuyo ng emosyon. Mag-ingat ka sa pakikipagrelasyon sa opposite sex dahil maari kang mapahamak at matangay ng damdamin dahil tumaob ang bangka. Kung ikaw ang bangkero o sumasagwan, nagsasabi ito na mayroon kang kakayahang tumindig sa sariling paa o maging independent kaya't dapat na magkaroon ka ng sapat na lakas ng loob upang matupad mo ang iyong mga pangarap. Matutupad ang marami mong pangarap kasi'y kabilang ka sa mga nakaligtas pero makakaranas ka rin ng ilang kabiguan na sumisimbolo sa dalawang kaklase na nawala sa trahedya. Katapat ng bangka ay No.9; No. 11 ang ilog; No. 33 ang paglangoy; No. 37 ang kaklase; No. 26 ang pagkaligtas; No., 20 ang nawawal. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 15 ay maging emosyonal pero magagamit mo rin ang relasyon para sa personal mong kapakinabangan o pag-unlad. Pinakabuwenas mo ang No. 6 at No.1. Sa jai alai, isama mo ang No. 4. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-26-34-40-42.
-------30----

0 Comments:

Post a Comment

<< Home