Monday, January 23, 2006

Sumakay sa dyip

Dear Don Honesto,
ANO po ba ang ibig sabihin kapag napapanaginipan ko na ako ay nakasakay sa isang pampasaherong dyip? Pinakahuli ay sumakay daw ako sad yip kasama ko ang boyfriend ko pero pinatakbo ng driver nang ubud –bilis ang sasakyan. Halos lumilipad ang dyip hanggang sa mabunggo kami sa isang puno. Nakapagtatakang hindi kami nasaktan ng BF ko ay magkahawak pa kami sa kamay na namasyal sa isang parke hanggang sa magising na ako. Ipinanganak ako noong Agosto 15, 1980. Binabalak na naming magpakasal ng BF o sa Disyembre.

MARTHA NG PASAY CITY

Dear Martha,
ANG pampasaherong dyip ay nagsasabi na ikaw ay nabibilang sa antas ng mga ordinaryong tao. Ang iyong BF ay simpleng repleksiyon ng iyong character na nagsasabig ikaw ay may strong personality. May kakayahan kang magdesisyon at gumawa ng plano nang hindi mo na kailangan pang konsultahin ang mga taong malalapit sa iyo. Ang driver ay ikaw din mismo ang sinisimbolo at nagpapaalaala ito na hindi ka dapat nag-aapura sa katuparan ng iyong mga pangarap bagkus ay maging makatotohanan o praktikal sa pagtatakda ng mga mithiin sa buhay. Kung nabunggo sa puno, nagbabala ito na iaw ay maaaring magkamali sa isang maselang sitwasyon kung saan maaaring magkaroon ka ng malaking problema. Pero, masaya kayo ng BF mo na namasyal kaya’t malinaw ditto na mareresolba mo ang problema. Katapat ng dyip ay No. 23; No. 7 ang BF; No. 17 ang pagkabunggo; No. 29 ang puno; No. 43 ang pagbiyahe. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsag 15 ay maging emosyonal pero magaling ang magdesisyon. Pinakabuwenas mo ang No.6 at No.1. Sa jai alai, isama mo ang No. 5. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-18-23-25-34-36-40-42.
----30—

0 Comments:

Post a Comment

<< Home