Saturday, January 21, 2006

holdap sa dreams

Dear Don Honesto,
NAPANAGINIPAN kop o na ako ay napasok na ng trabaho bilang kahera sa isang mall. At mga foreigner daw ang suki ko kaya’t napipilitan akong mag-English kahit pabalu-baluktot. Nagsisiksikan daw ang mga tao nang biglang may pumasok na mga holdaper at tinutukan ako. Nagsisigaw ako sa takot at pinaputukan ako ng mga holdaper hanggang sa magising ako.Akala ko ay patay na ako kaya’t natuwa ako nang madilat ang mga mata ko. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Hunyo 16, 1970. Wala po akong trabaho ngayon.

ADELFA NG MARIKINA CITY

Dear Adelfa,
MALINAW na apektado ang eksena sa panaginip ng kagustuhan mong magkaroon ng trabaho. Karaniwan kasing natutupad sa loob ng panaginip ang mga bagay o sitwasyon na pinanabikan mong maganap. Gayunman, ang pagiging kahera ay nagsasabi na masyado kang conscious sa iyong sarili. May lihim kang itinatago na ayaw mong malaman ng iba. Masyado kasi itong confidential pero ito rin mismo ang nagpapagulo ng iyong isip. Ang foreigner ay nagsasabi na marami kang weird na ideya. Nag-iisip ka ng mga imposibleng maganap, malayo sa katotohanan o nagpapantasya na siyang karaniwang ugat ng iyong kabiguan. Maging praktikal ka at gawin mo lamang ang angkop sa iyong kakayahan at panahon. Ang holdaper ay nagpapahiwatig na madalas mong lokohin mismo ang iyong sarili, mapagkunwari o ipokrita—hindi mo matanggap ang mapapait na pangyayari kaya
‘t nadidiskaril ang iyong pag-unlad. Pero ang baril ay phallic symbol na nagsasabi na mayroon kang strong sexual drives.Mag-ingat ka sa pakikipagrelasyon sa opposite sex. Katapat ng kahera ay No. 30; No. 49 ang foreigner; No. 17 ang holdaper; No. 37 ang maraming tao; No. 45 ang baril; No. 40 ang mall. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 16 ay magkaroon ng maraming kaibigan pero madali kang maimpluwensiyahan ng paligid kaya’t nabibigo at nawawalan ng direksiyon. Pinakabuwenas mo ang No. 7 at No.1. Sa jai alai, isama mo ang No. 4. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-25-34-37-40-42.
---30—

1 Comments:

Blogger Unknown said...

Dear don honesto
Anu po ibig sabihin nang aking panaginip.ako ay nasa trabaho sa isang gasolinahan at ako po ang kahera may mga customer at may isang bigla nalang pinasok ang kamay sa bilog na butas ng kaha at akmang kukunin ang 500 ng nilagay ko sa kaha.at bigla kung hinila ang kamay nya para di sya maka alis at nagagalit pa sya pero diko sya bitiwan sa halip ay hinila ko pa ang mga brasi nya papasok sa lood..at bigla nalang aking nagising..anu po ibig sabihin.salamat

12:14 PM  

Post a Comment

<< Home