Thursday, January 19, 2006

aahon sa hirap

Dear Sir Dennis,
PALAGI akong nagbabasa ng kolum mo at nangahas na rin akong magpa-zerox ng guhit ng palad. Gusto ko kasing malaman kung may tsansa akong makakaahon pa sa hirap. Isa akong messenger sa isang maliit na kompanya at pakiramdam ko ay wala akong asenso ditto kasi’y laging delay ang suweldo. Pangarap kong mag-abroad pero wala akong panggastos. Matuloy kaya ako sa ibang bansa? May tatlo akong anak na nag-aaral, sino sa kanila ang magtatagumpay? Ipinanganak ako noong Mayo 17, 1967.

ALFREDO NG TAGUIG,MM

Dear Alfredo,
LIKAS kang matiyaga, masinop, masipag at mapagkakatiwalaan at iyan mismo ang magiging pundasyon ng iyong pag-unlad. Walang duda na makakaahon ka sa hirap kasi’y maraming mumunting guhit ang pumaitaas mula sa kalagitnaan ng Life Line (tingnan ang bilog sa gitna). Nagsasabi ito na maraming oportunidad ang lalapit sa iyo at marami ditto ay magagamit mo sa mabuti. Matutuloy ka rin sa pagtatrabaho sa ibang bansa dahil mahaba ang naabot ng dulo ng Life Line at nagkaroon pa ito ng sanga (tingnan ang bilog sa bandang pulso). Nagsasabi iyan na buwenas ka sa paglalakabay. Sa negosyo, buwenas ka sa paglalako o pamamakyaw ng produkto mula sa malayong lugar. Makakatapos din ng pag-aaral ang iyong tatlong anak kasi’y pawing mahahaba at matitikas ang tatlong guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa kalamnan ng hinlalaki)
----30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home