Monday, January 16, 2006

sabungan

NUMERO AT PANAGINIP

HEAD:Sabungan
Dear Don Honesto
BAKIT kaya napanaginipan ko na ako ay nagpunta sa isang sabungan o lugar kung saan nagsasabong ang mga manok. Napakaingay sa loob at halos hindi na magkaintindihan ang mga tao. Pero nakipagsiksikan ako ay nanonood sa nagsasagupaang manok na may tari. Nang bumagsak ang iyong manok ay nagkagulo ang mga tao nang ito ay biglang naging ahas. Nagpulasan ang mga tao at ako lamang ang naiwan sa sabungan. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Isa akong ordinaryong office clerk at wala akong asenso dahil minimum pa rin ang suweldo ko. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Mayo 28, 1975.
ARMAN NG MAKATI CITY
Dear Arman,
KUNG sabungan ang napaginipan mo, nagsasabi na napakagulo ng iyong isip at nahihirapan kang magdesisyon. Kumbaga, nasisiraan ka na ng loob at walang makitang solusyon kundi ang makipagsapalaran na lamang. Ang manok ay repleksiyon ng iyong pag-uugali at nagsasabi ito na ikaw ay likas na mabait pero kapag nagalit ay inilalabas nang todo ang poot at hinagpis. Kung naging ahas ang natalong manok, mag-ingat ka sa mga lihim na kaaway dahil may binabalak sila na maitim na plano upang ikaw ay mapabagsak. Katapat ng sabungan ay No. 18; No. 22 ang manol; No. 27 ang tari; No.37 ang mga tao; No. 32 ang takbuhan; No. 10 ang pag-iisa. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 28 ay makaranas ng kakaibang kalungkutan pero sa bandang huli ay ikaw din ang magtatagumpay. Pinakabuwenas mo ang No. 1 at No. 7. Sa jai alai, isama mo ang No. 8. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-18-23-25-33-38-40-42.
----30—

3 Comments:

Blogger Unknown said...

okjc

2:22 PM  
Blogger Unknown said...

Gusto ko lang po malaman ang kahulugan ng panaginip ko na nagpakulay daw ako ng buhok Green at may highlight daw po na light green at ung ninang ko naman po binigyan ako ng sapatos na luma at kulay puti anu po ibig sabihin nun.. Salamat

8:08 PM  
Blogger Unknown said...

Magandang araw po tanong Lang po ano ibig sabihin ng panaginip ko po nahuli ko asawa ko may maraming pera tapos binibigay niya sa akin Di ko tinanggap.ano po ibig sa bihin at numero po

11:38 AM  

Post a Comment

<< Home