Friday, January 20, 2006

Successful business

Dear Sir Dennis,
NAGPASYA na rin akong magpa-xerox ng guhit ng palad. Gusto ko kasing malaman kung makakapag-abroad ako. Madalas kasi akong mapeke at malaki na ang nauubos kong perA. Hindi pa rin ako tumitigil kasi’y alam kong ito lang ang tanging paraan upang makaiwas sa pagkagutom ang pamilya ko. Isa akong ordinaryong obrero sa isang pribadong kompanya. May tatlo akong anak, sino sa kanila ang makakatapos ng pag-aaral at magtatagumpay. Gusto ko sanang magtayo ng maliit na negosyo, magawa ko kaya ito kapag nakaipon na ako? Ipinanganak ako noong Mayo 13, 1970.

DANIEL NG MARICABAN, PASAY CITY

Dear Daniel,
OKEY naman at walang duda na makakapag-abroad ka. Ituloy mo lamang ang paga-apply at hindi Dapat masira ang iyong loob. Mahaba kasi ang naabot ng dulo ng Life Line at nagkaroon ng sanga ang dulo nito (tingnan ang bilog sa bandang pulso). Nagsasabi ito na buwenas ka sa malayong lugar at lahat ng klase ng paglalakbay. Makakaahon ka naman sa hirap. Magagawa mo ring makapagtindig ng sariling negosyo kasi’y may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinliliit (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng kalingkingan). Karaniwang nakikita ito sa matatagumpay na negosyante. Makakatapos naman ng pag-aaral ang dalawa sa tatlo mong anak maliban sa panganay na mag-aasawa nang maaga. Maikli kasi ang una kaysa sa huling dalawang guhit na pumaitaas sa bandang kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa bandang kalamnan ng hinlalaki).
----30—

2 Comments:

Blogger Unknown said...

Hello po, nanaginip po ako na nagkakaliskis ng isda ang kapitbahay namin ano po ba ang ibig sabihin nito???Salamat po...

2:42 PM  
Blogger ParaSaPangarapMusic said...

Hello po nanaginip po ako, nung nakraang araw ung scene po kausap ko ung ex ko at mag katitig kami at ang sabi nya gusto nya daw ung ganun. At ngaung araw nmn po napanaginipan ko nanaman sya pinasakay nya daw kmi sa kotse nya. ang pinag tataka ko po bakit napapadalas ko syang napapnaginipan?

12:08 PM  

Post a Comment

<< Home