Friday, January 20, 2006

isda, ilog, lalaki

Dear Don Honesto,
BIGYAN mo sana ng kahulugan ang aking mga panaginip. Madalas kong mapanaginipan ang mga isda: Nanghuhuli raw ako at inilalagay ko sa basket. Minsan naman ay pinuluputan daw ako ng isang malaki at mahabang ahas at nagpumilit akong humulagpos. Napapaginipan ko rin na nalulunod ako sa gitna ng ilog pero iniligtas ako ng isang makisig na lalaki. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Hunyo 25, 1980. Isa akong waitresss at marami akong secret lover. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto

ROSEMARIE NG TANAUAN, BATANGAS

Dear Rosemarie,
SA totoo lang, puro phallic symbols ang napanaginipan mo na nagsasabi na ikaw ay may strong sxual drives. Umiinog ang iyong buhay sa sexual relationships. Kailangan mong makontrol ito o maimaneho nang maayos upang hindi mapahamak. Pero kung matututo kang gamitin ito nang epektibo, magagamit mong itong hagdanan tungo sa katuparan ng iyong mga pangarap. Kung nanghuli ka ng isda, nagsasabi ito na aktuwal mo ring ginagamit ang pakikipagrelasyon sa opposite sex para sa iyong personal na kapakinabangan. Walang masama ditto dahil marami naming gumagawa nito.Mas mabuti ito kaysa magnakaw. Kung nilingkis ka ng ahas, nagsasabi ito na hindi mo malimut-limutan ang masasarap na romansa na ipinasap ng iyong mga nagdaang kapartner. Kung nalunog ka sa ilog, malinaw na ipinapayo na hindi ka Dapat paalipin sa emosyon upang hindi ka magmalaki at mapahamak. Kung sinagip ng isang makisig na lalaki, nagsasabi ito na nasasabik ka na lumagay sa tahmimik at magkapamilya. Katapat ng isda ay No.33; No.44 ang basket; No,. 18 ang panghuhuli; No.7 ang lalaki; No. 28 ang paglingkis; No. 8 ang ahas; No. 49 ang pagkalunod. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 25 ay madaling maimpluwensiyahan ng kapwa. Pinakabuwenas mo ang No. 7 at No.1. sa jai alai, isama mo ang No.3.Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-12-18-23-28-34-38-40-42.
---30—

32 Comments:

Blogger Dina said...

Dear Don Honesto, BIGYAN mo sana ako ng kahulugan sa aking mga panaginip. Madalas po ko pong napapanaginipan ang mga isda: Nanghuhuli raw ako at nabingwit ko daw Minsan naman ay mga aso na malalaki at kasama ko daw yong dalawang aso na itim at isang brown, tapos nahinto kami sa bahay kubo na native ang bobong. Halos madalas kong mapanaginipan ang mga bahay at mga sangol nanganak daw ako ng malosog ba batang lalaki may tomoIong daw sa akin na mang hihilot nakahiga ako sa sa hig nakita ko ang nanay ko bumili sya ng gamot dahil ang sakit ng tyan ko daw pagkapos noon bumangon na ako at nakita ko na maraming dugo ang sahig pinahid ko daw gamit ng isang tessue paper? pinanganak ako noong October 8 1969 wala akong trabaho may asawa at isang anak Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa lotto!
DINA NG TABLAS ODIONGAN, ROMBLON

10:16 PM  
Blogger Sherryl Fajardo said...

Dear Don honesto,

nanaginip po ako ng mga isda na kulay gray sa panaginip ko, dahil sa tuwa ko pinicturan ko sila lagoy sila ng langoy at ang linaw ng tubig kaya nakikita ko po yung mga halaman.Minsan nanaginip din ako ng baby pero natakot ako kasi sa panaginip ko kinakain ko daw yung baby. Ano po ba ang ibig sabihin nito sana po mapaliwanag ninyo sa akin ang birthday ko po ay February 26, 1986

4:17 PM  
Blogger ronaliza alegros said...

dear honesto,
anu pong sabihin ng panaginip ko na isang runing water na ilog..maraming kakilala q ang naliligo dun pero aq hindi makapaligo..pa slant ang ilog at may extension po ito..sa sobrang dami ng naliligo,hindi na malinaw ang tubig don..

5:49 PM  
Blogger ronaliza alegros said...

dear honeto,
anu po kayang ibig sabihin ng panaginip q na isang running water na ilog at may extension pa ang ilog..malaki cia maraming naliligo na puro kakilala q..ako lng ang di makapaligo doon,sa sobrang dami ng naliligo hindi na malinaw ang tubig na nakikita ko sa ilog..anu po kayang ibig sabihin non.may koneksyon po ba iyon s tunay kong buhay?

5:52 PM  
Blogger marie salvacion said...

Dear Don Honesto,

Magandang araw po sana po ay mabigyan ninyo ng kahulugan ang aking panaginip. Nanaginip ko ako ng kama na may parteng lubog na yung screen, napanaginipan ko din po na madami akong nakitang play money tapos nung hinahanap ko yung 10 bills naubos na tapos nag request po ako kay boots anson roa na ipa authenticate yung mahalagang socuments ko kaso ayaw nya sabi nya sa lunes na pero yung 2 kaibigan ko nagulat ako kasi pinag bigyan nya.

Kasama din po si piolo pascual sa panaginip ko kanina mabait daw siya sa akin sabi ko pa nga kasi ginagamit nya lang ako dahil nga sa issue na bakla siya para makalimutan ng taong bayan.

Napanaginipan ko din kanina na naghugas ako ng kamay sa ladies bathroom pag open ko ng door may running water sa may taas ng ulo ko malakas tumutulo umiiwas ako para di mabasa ung ulo ko kaya naghuhugas ako ng kamay habang naka bukas ang door ng CR.

tapos nagulat ako may lumabas na matandang lalaki eh CR naman yun ng babae.

Tapos Pag punta ko sa labas ng gate na maroon na may malaking bahay sa labas may malaking kama pero wala na yung lubog na kama. Nakahiga daw kami dun ni piolo saka ng anak ko tapos nagpatay na ng ilaw ang mga kapitbahay kaya naisip namin na pumasok na ng bahay.

Dumating ang mga kapatid ko dala ang pamangkin ko at ang bike nya tapos may dalang ulam yung ate ko sabi ng ate ko sa kapatid ko dapat hindi kita bibigyan kasi sabi nya wag daw (ako po yung itinuro ng ate ko) etc etc.

Na parang gusto nya kami mag away. Kinabahan ako, pero hindi naman nagalit yung isang kapatid ko.

yung kama inilagay namin sa likod ng sofa naka sandal sa bintana pagitan ng sofa.

ano po kaya ang ibig sabihin ng mga papaginip ko? sana po ay matulungan ninyo ako ang birthday ko po ay 12/23/76.

Palagi po ako nataya sa lotto pero kadalasan isa lang natama mas lamang ang walang nalabas.

Marie

7:24 AM  
Blogger marie salvacion said...

Note: for my message above

100 bills po yun hindi po 10.

Plano ko po kasi mangibang bansa sana. Mag aapply palang po ako sa tingin nyo po may apekto po ba yung mga napanaginipan ko sa mga plano ko?

Thank you so much po.

7:28 AM  
Blogger Sheryl De Chavez said...

Nanaginip po ako ng kotse na puti wla nmn pong nkasakay,Simula po ng mapanaginipan ko po un ay takot na ako magdrive ng kotse dahil baka simbolo un nang aksidente.
Kaag may nkakasalubong po ako ng puting sasakyan iniiwasan ko po. Dahil s napanaginipan ko..sna po ay matulungan nyo po ako mraming slamat po

11:11 PM  
Blogger Jana Mae said...

Dear Don Honesto,

magandang umaga po, ako po ay nanaginip ng lalaking hindi kilala na nakabisikleta, inangkas niya po ako at may biglang humabol po sa amin na masasamang tao, para bang mga sindikato na nakikita ko lamang sa telebisyon. May hinahanap po sa kanya yung mga taong humahabol sa amin.. at bigla syang nawala...iniwan ako pero yung boses nya nandun, sabi nya "sige, tuturo ko sayo ang direksyon, hwag kang hihinto" ako naman po ay sumunod sa inutos nya.. umaasa po akong masagot o mabigyan nyo po ng kahulugan ang aking panaginip.

7:11 AM  
Blogger Jana Mae said...

This comment has been removed by the author.

7:12 AM  
Blogger Jana Mae said...

Dear Don Honesto,

magandang umaga po, ako po ay nakapanaginip ng lalaking hindi kilala na nakabisikleta, inangkas niya po ako, masaya po kami habang may biglang humabol po sa amin na masasamang tao, para bang mga sindikato na nakikita ko lamang sa telebisyon. May hinahanap po sa kanya yung mga taong humahabol sa amin.. may dala po kasi kaming latang kahon, ang laman lang naman po nun ay bilog na parang bola lang (hindi ko po maipaliwanag ng maayos kung ano ang bilog na yun) kaya po para nawiwirduhan ako dahil lang po sa bilog na yun nagkakagulo ang mga tao at hinahabol sya?.. .... ayun po bigla syang nawala...iniwan ako sa bisikleta bagamat ang boses nya nandun, sabi nya "sige, tuturo ko sayo ang direksyon, hwag kang hihinto" ako naman po ay sumunod sa inutos nya.. nung mangyari yun, hindi ko na po sya makita at wala na rin po ang boses nya. Sana po mabigyan nyo po ng kahulugan ang aking panaginip.

7:16 AM  
Blogger helen yape said...

magandang hapon po! bigyan niyo po sana ng kahulugan ang panaginip ko... nasa isa daw po akong kural ng mga baboy madami pong baboy sa loob at sa loob po ng kural meron pong mga patay na baboy ng inangat po sa pagkakalub-lob sa tubig ang mga baboy n patay wala daw po itong mga lamangloob,sabi ko po sa panaginip ko bakit walang mga atay ang mga baboy inaswang b sila,ng napatingala po ako nakakita po ako ng isang bangka n may sakay ng dalawang patay n baboy ung naka patong po sa itaas n baboy bigla pong tumaas ng walang humahawak at bigla pong lumabas ang lamng-loob nito...ano po b ibig sabihin nito pwde rin po ba akong humingi ng numero...
isa po akong may bahay,may pagbabao po bang magaganap sa buhay nming mag-asawa.. salamat po...

3:04 PM  
Blogger Emzkie Magdasal said...

Nanaginip po ako na nasa tulay daw po ako kasama mga pamangkin at classmate ko po tapos nahulog daw po yung cellphone ko sa ilog tapos hindi po yun lumubog . Lumulutang lang daw po yung cp ko tapos po nakuha ko na daw po yun hndi po siya nasira tapos may lalaking nagtanong sakin kung may bf na ba ako sabi ko wala pero meron ako sa totoong buhay tapos daw po tumawag daw po yung bf ko tapos isang iglap po nagbago yung sitwasyon nakasama ko daw po yung bf ko at ngbobonding kaming dalawa..Sana po bigyan nyo ng kahulugan

5:04 AM  
Blogger Papameow Moreno said...




dear don honesto,

magandang araw poh. bigyan nio poh sana ng kahulugan ang panaginip q. nagsusuka or dumudura daw poh aq ng dugo. madalas poh aq nanaginip ng ganun. nag aalala at natatakot na poh aq dahil sa panaginip q.
nasa japan poh aq ngaun work q poh ay dancer oct. 9 1989 poh bday q. 5 poh kameng magkakapated. may fiance poh aq na nasa riyadh. may balak na poh kame magpakasal paguwe nia nxt year. 4 yrs. na poh kame.
sana poh matulungan nio aq para hindi na poh aq msyadong maglala.marameng marameng salamat poh.

3:01 AM  
Blogger Vargas Jhayne said...

dear don honesto,

Magandang araw po , gusto ko lang po malaman, ibig sabihin ng aking panaginip kagabi.
humuhuli kami ng isda sa kanal sa harap po ng bahay namin, pero sa totoong buhay, wala naman po kaming kanal sa tapat ng bahay namin.
pagkatapos nun, marami po kami nahuhuli at malalaki ito, pero di po ito buhay .. at nagtanong pa po ako sa aking kapatid kung malinis po ito, sabi nya oo ,malinis yan. kaya patuloy po kami nanguha .. pero wala naman pong bahid ng dumi ang anhuhuli naming isda.
tanggal nadin po yung ibang hasang ng isda.. pero marami ito at malalaki iba iba ang klase ng isda. may mga suso din sya sa gilid o bato ng kanal.

ano po kaya ibig sabihin? at ano din po ba no. ng kahulugan sa aking panaginip.
maraming salamat po.

4:04 PM  
Blogger Vargas Jhayne said...

june 9, 1994 po ang birthday ko.. wait ko po ang feedback
sana po ay matulungan nyo po ako ..


Maraming salamat!

4:10 PM  
Blogger Emzlou Eusebio said...

Nanaginip ako ng green snake at brown.. madalawa number madalas po tan tatlo na tan ano po I big sabihin???? Birthday ko Oct.15 1987 tnx

2:19 PM  
Blogger Emzlou Eusebio said...

Nanaginip ako ng green snake at brown.. madalawa number madalas po tan tatlo na tan ano po I big sabihin???? Birthday ko Oct.15 1987 tnx

2:20 PM  
Blogger Malu Francis said...

hi nanaginip po ako ng isang binabae na kinakausap daw ako anu po kaya ibig nun sabihin

9:20 AM  
Blogger jhane2728 said...

Napanaginipan ko po ang aking anak na pinapagalitan ko sa labas nang bahay, nagtampo siya sa akin at ayaw na umuwi, pinagmamasdan ko siya sa bintana at naglalakad siya sa labas, sumama siya sa isang lalaki. ano po kaya ang kahulugan nito May 27, 1980 po ang kaarawan ko, at October 28, 2007 naman ang aking anak na lalaki.

10:56 AM  
Blogger jeralyn said...

Good after noon po gusto ko lang pong malaman kung ano ang ibig sabihin ng aking panaginip isang lalaki na di ko kilala kasama ko sya tinuturuan ko.daw po sya lumipad at nag punta kme sa isang bahay na napakaganda sa labas pero nung pumasok kme sa loob ng bahay makalat at madumi lage ko po napapanaginipan ang isang lalaki na di ko kilala

3:09 PM  
Blogger jeralyn said...

Good after noon po gusto ko lang pong malaman kung ano ang ibig sabihin ng aking panaginip isang lalaki na di ko kilala kasama ko sya tinuturuan ko.daw po sya lumipad at nag punta kme sa isang bahay na napakaganda sa labas pero nung pumasok kme sa loob ng bahay makalat at madumi lage ko po napapanaginipan ang isang lalaki na di ko kilala

3:10 PM  
Blogger lady amor said...

Good evening po.Gusto ko pong malaman ang ibig sabihin ng panaginip ko na nakakita po aki ng ahas sa kanal una po tatlong ahas sa kanal,sunod naman po ay limang ahas sa kanal at isang ahas sa kanal na hugis 8...binuhusan ko daw po ng gasolina para mamatay itong isang ahas na hugis 8 tapos tumakbo po ako...ng tumakbo po ako may nakita daw po akong tindahan at pinapaupahan daw sa akin ng 2,500 monthly...ang sabi ko po ok po sa may ari ...sabi ko daw po sa panaginip ko pwede ako manghiram ng 300k or 100k para mag start ng business...august 31 1979 po ang birthday ko...ladyamor

11:48 PM  
Blogger lady amor said...

Good evening po.Gusto ko pong malaman ang ibig sabihin ng panaginip ko na nakakita po aki ng ahas sa kanal una po tatlong ahas sa kanal,sunod naman po ay limang ahas sa kanal at isang ahas sa kanal na hugis 8...binuhusan ko daw po ng gasolina para mamatay itong isang ahas na hugis 8 tapos tumakbo po ako...ng tumakbo po ako may nakita daw po akong tindahan at pinapaupahan daw sa akin ng 2,500 monthly...ang sabi ko po ok po sa may ari ...sabi ko daw po sa panaginip ko pwede ako manghiram ng 300k or 100k para mag start ng business...august 31 1979 po ang birthday ko...ladyamor

11:54 PM  
Blogger kramsirc Yariv said...

Good Afternun po..Gsto ko po malaman ang kahulugan ng panaginip ko sa lotto..nanaginip po ako na umalis sa katawan ko dahil sa sobrang init binuksan ko ang pinto na my nag aabang na dalawang anino na itim kasabay ang tunog na nkakatakot at agad ko po itong sinara ng maihagis ko ang electric fan dahil mahina ang hangin pra sa mga anak ko at asawa na natutulog ng biglang my humatak sakin paangat na sa tingin ko ay demonyo..at ng nahawakan ko sya dinakip ko at naisip na dalhin sya sa taong dapat mag dadala sakanya sa tamang lugar ng biglang na punta ako sa isang lugar na sobrang liwanag na kulay puti at nkakita ako ng mga taong naka suot ng puti at pula sa lugar na parang hospital at naka bukod ang puti sa pula na mga higaan..nakita ko din po ang mga kaibigan ko na alam ko na buhay pa sila sa totoong buhay pero nakita ko sila sa panaginip ko na nka puti..pinatay daw sila ng step father nila..at nakita ko ang aking papa na alam kong patay na sya pero bakit sya naka suot ng pula..at pinag sabihan ako na anak mag iingat kayo palage..siguraduhin mo bago matulog ay safe kayo..at sinabi ko po na pabiro sakanya na wag ka mag alala pa..lagi akong my itak sa tabi ko..at itinanong ko kung papaano ako makakabalik dun sa bahay..sinabi nya na tumalon ka ng mataas at my pinadala sakin na isang malaking plastic na hindi ko alam ang laman..bago ako umalis marami akong narinig natugtugan na maganda pakinggan..bago ako bumalik sa aking katawan...nais ko po sana malaman ang kahulugan nito samin at tungkol din po sa lotto..
March 3, 1990 po ang bday ko march 10 1960 naman po ang aking ama..at july 1 2015 naman po sya pumanaw..sana po matulungan nyo po ako pra malinawan..dahil hirap po kame sa buhay ngayon kasama ang aking magulang..salamat po

3:02 PM  
Blogger Elmer Obelidhon said...

good evening.. 3 days na.po akong nanaginip ng lalaking hindi ko po kilala di ko po maaninag ang mukha pero prang mahal ko po siya, kaya lang mukha evil side siya kasi nakapalibot sa kanya mga evil side. ano po ibog sabjin non sana ay matulongan nyo po ako.

9:57 PM  
Blogger Elmer Obelidhon said...

june 06 1987 po birthday ko

9:58 PM  
Blogger Muyak said...

This comment has been removed by the author.

11:17 PM  
Blogger leonore alpon said...

Hello po ano po ang ibig sabihin ng panaginip na nglalakad dw kami sa ilog na kunti ang tubig dalawa kami ng pamangkin kong lalaki tapos biglang sumigaw daw ang kapatid ko na takbo kayo dahil parating yong baha tapos pg lingon ko dw sa likuran namin yong baha malapit na sa amin tumakbo dw kme ng pamangkin ko at naka ligtas nman dw kami sa baha tapos bigla na lang dw napunta sa isang parang bahay na my lalaki at babae doon tapos yong lalaki parang kinakampihan nya kami sa kasama niyang babae na gusto kaming awayin

7:49 PM  
Blogger leonore alpon said...

Hello po ano po ang ibig sabihin ng panaginip na nglalakad dw kami sa ilog na kunti ang tubig dalawa kami ng pamangkin kong lalaki tapos biglang sumigaw daw ang kapatid ko na takbo kayo dahil parating yong baha tapos pg lingon ko dw sa likuran namin yong baha malapit na sa amin tumakbo dw kme ng pamangkin ko at naka ligtas nman dw kami sa baha tapos bigla na lang dw napunta sa isang parang bahay na my lalaki at babae doon tapos yong lalaki parang kinakampihan nya kami sa kasama niyang babae na gusto kaming awayin

7:56 PM  
Blogger leonore alpon said...

Hello po nanaginip ako kanina na naglalakad dw kaming dalawa ng pamangkin kong lalaki sa ilog na kunti ang tubig tapos sa bangin dw sumigaw yong kapatid ko na babae nanay ng pamangkin ko na takbo daw kasi parating yong baha paglingon malapit na ang baha sa aming likuran tapos tumakbo dw kme at nakaligtas dw kme tapos bigla kMing napunta sa isang parang bahay na my babae at lalaki doon at kinakampihan dw kami ng lalaki dahil yong babae parang gusto mang away sa amin....sana po mapaliwanag mo ang kahulugan ng panaginip ko at numero nito

8:25 PM  
Blogger leonore alpon said...

Hello po nanaginip ako kanina na naglalakad dw kaming dalawa ng pamangkin kong lalaki sa ilog na kunti ang tubig tapos sa bangin dw sumigaw yong kapatid ko na babae nanay ng pamangkin ko na takbo daw kasi parating yong baha paglingon malapit na ang baha sa aming likuran tapos tumakbo dw kme at nakaligtas dw kme tapos bigla kMing napunta sa isang parang bahay na my babae at lalaki doon at kinakampihan dw kami ng lalaki dahil yong babae parang gusto mang away sa amin....sana po mapaliwanag mo ang kahulugan ng panaginip ko at numero nito

8:26 PM  
Blogger Cindy Merin said...

Hello po.. first time ko po itong gagawin naguguluhan lang po tlga ako sa panaginip ko gusto ko lng po malaman ang kahulugan nito.. nanaginip po kasi ako na lumilipad ako tpos sa kalilipad ko nakarating ako sa isang bundok sa bundok na un bumaba po ako sa paglipad at naglakad ako.. sa paglalakad ko nakarating ako sa isang ilog lakad parin ako ng lakad hanggng naràting ko ang dulo ng ilog sa dulo noon may mga tao akong nakita na dun nakatira sa dulo ng ilog.. tapos may isang lalaki lumapit sa amin sa panaginip ko kakilala ko xia.. may dala zia na tatlo isda ung isa sa tatlong isda na dala niya ibinigay niya sa akin ang kulay ng isda puti.. ayoko kunin sa panaginip ko pero pilit niya inaabot ito kaya kinuha ko.. ano po ba ibig cvhin ng panaginip ko.. bakit nanaginip po ako ng ganun.. bigyan nyo naman po ng kahulugan ang panaginip ko.. ang birthday ko po ay JANUARY 19-1985 ako po ay isang babae.. salamat po..

6:04 PM  

Post a Comment

<< Home