(for TIKTIK, May 31 issue)
Dear Don Honesto,
BAKIT kaya madalas kong mapanaginipan na ang aking limang daliri ay may tig-iisang singsing. Ang bawat singsing ay may kanya-kanyang magagardong hiyas na nagkikislapan. Ipinagyayabang ko raw ito sa bawat tao na pumasok sa loob ng aming bahay. Isa akong superbisor sa isang kompanya ay may limang anak na nag-aaral. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Agosto 17, 1950. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.
LUCILA NG BACOOR, CAVITE
Dear Lucila,
MALINAW na ang limang singsing sa iyong daliri ay sumisimbolo sa iyong limang anak. Walang duda na ikararangal mo at pawang magtatagumpay ang lahat ng iyong limang anak. Siya mismo ang iyong kayamanan at sa panahon ng kanilang paglaki at pagiging propesyunal—magsisimula ang yong kaginhawahan at katuparan ng mga pangarap. Nagsasabi rin ito na magtatagumpay ang isang negosyo na matagal mo nang nais itayo kaya't hindi ka na dapat magdalawang isip pa. Ang bahay ay repleksiyon ng iyong pagkatao. Kung yari sa kahoy at simple lang, ordinaryo lang ang iyong buhay perpo kung magarbo, walang duda na nabibilang ka sa mga may sinasabing angkan sa inyong lugar. Katapat ng kamay ay No.5; No. 27 ang hiyas; No. 10 ang singsing; No. 39 ang kapitbahay; No.40 ang bahay; No.33 ang kislap. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 17 ay makaranas ng matitinding pagsubok sa panahon ng pagtanda ay doon lamang natutupad ang mga hilaw na pangarap. Pinakabuwenas mo ang No.8 at No.3. Sa jai alai, isama mo ang No. 2. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-25-34-37-40-42.
---30-

1 Comments:
ano po ang ibig sabihun ng panaginip na nakaburol ang aking ama na namatay na. ngunit bumubuka ng bahagya ang kanyang mata na tila b uhay pa siya atsa panaginip ko ay sinasabing at kapatidko ang gumastossa burol na nagkakahalaga ng60,000 thousand pesos.
Post a Comment
<< Home