Saturday, May 27, 2006

Ulan sa dreams

(for TIKTIK, May 29 issue)

Dear Don Honesto,
BIGYAN mo sana ng kahulugan ang aking panaginip. Madalas kong mapanaginipan ang mga sumusunod: aso na hinahabol ako; malakas na ulan; tinataga ko raw ang sanga ng puno sa likod ng bahay naming. Madalas ko ring mapanaginipan ang yumao kong tatay. Ipinanganak ako noong Hulyo 10, 1970. Bigyan mo ako ng buwenas na numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

LARRY NG SAMPALOC, MAYNILA

Dear Larry,
ANG aso ay repleksiyo ng iyong ugali. Masarap kang kaibigan pero masamang kaaway. May likas kang talino at madaling matuto sa mga bagay-bagay. Isang masamang ugali mo ang nakapagdidiskaril sa ilan mong mga aktibidad. Ang ulan ay nagsasabi na mayroon kang strong sexual drives at mag-ingat ka sa pakikipagrelasyon sa opposite sex; ang puno ay nagsasabi na ikaw ay makakaangat sa buhay at magkakaroon ng matatag na hanapbuhay pero kailangang maging maingat ka sa pakikisama at iwasan ang magdesisyon nang mabilisan; ang iyong ama ay nagsasabi na ikaw ay nagiging matured na at responsible na siyang magpapabilis sa katuparan ng iyong mga pangarap. Katapat ng aso ay No. 22; No. 14 ang paghabol; No.11 ang ulan; No.29 ang puno; No. 17 ang pagtabas; No. 37 ang tatay. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 10 ay makaranas ng matitinding dagok ng buhay pero makakarekober din. Pinakabuwenas mo ang No. 1 at No.8. Sa jai alai, isama mo ang No.5. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-25-34-38-40-42.
---30—

4 Comments:

Blogger Unknown said...

ako po si elsa 38 yrs old .madalas po ako managinip ng aso at nababasa ng ulan at lumalagoy sa tubig at minsa minamasdan ko ang karagatan mula sa itaas at lumalagoy sa putik .ano po kaya ibig sabihin tulongan niyo po ako .salamat po

3:13 PM  
Blogger ako po si sheryl 39 said...

Maestro ano po ibig sabihin ng panaginip ko na hinuhugusan kopo ung dumi grasa sa mga gamit n hawak ko,tapos umuulan na nakasuot ako ng damit maganda

1:47 PM  
Blogger Unknown said...

Nanaginip ako na ana ang bahay namin ay yari sa pawid tapos umulan ng malakas at tumulo tagusan sa loob ng bahay ang ulan.. nagalit ako sa asawa ko dahil gusto nya patulogin sa bahay 2 nya bisita at sa labas pinatutulog mga anak ko kung saan duon natulo..

12:07 PM  
Blogger Unknown said...

Ako po ay madalas managinip ng ulan malakas at sobrang linaw ng ulan ano po Kaya ibig sabihin nUn?

6:36 PM  

Post a Comment

<< Home