Friday, May 26, 2006

Huling biyahe sa palad

(for: TIKTIK, May 28 issue)

Dear Sir Dennis,
NAGPA-ZEROX na rin ako ng guhit ng palad at inilakip ko ang kopya sa liham na ito. May pag-asa pa ba akong makapag-asawa? Ipinanganak ako noong Hunyo 16, 1964. Ako na lang ang walang asawa sa anim na magkakapatid at pinaaaral ko na lamang ang aking mga pamangkin. May mga araw na nalulungkot ako na hindi ko maipaliwanag. Makakapagpundar ba ako ng sarili kong bahay at lupa. Magkakaanak pa kaya ako?
EMILIA NG IBA. ZAMBALES
Dear Emilia,
HINDI ka dapat nababagabag, kumbaga, makakahabol ka na naman sa huling biyahe ng LRT bandang 10:00 p.m. Makakapag-asawa ka. May nagsosolo kang guhit sa tagiliran ng palad sa bandang hinliliit (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng kalingkingan). Nagsasabi ito na ikaw ay minsan lang magmamahal pero maiiwanan ka ng panahon at magkakaroon ng kasama sa pagtanda. Sa maniwala-ka-o-sa-hindi, magkakaanak ka pa pero isa lang. may nagsosolo rin kasing guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa bandang kalamnan ng hinlalaki). Nagsasabi ito na mapag-aaral mo sa kolehiyo at magtatagumpay ang iyong anak. Makakapagpundar ka rin ng sarili mong bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger).
----30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home