Yumaong ama
(for TIKTIK, May 30 issue)
Dear Don Honesto,
BIGYAN mo sana ng kahulugan ang aking panaginip. Napanaginipan ko po ang yumao kong ama na nagtayo ng isang munting barong-barong sa tabi ng riles. Pero kami po ay may sariling bahay sa loob ng baryo. Nagdaan daw ako sa ginagawa niyang barong-barong at itinanong ko ang paraan kung paano ang magpunla ng palay. Sa gitna kami ng bukid at nakita ko rin ang mga palay na magkakahaong berde at dilaw na mistulang maysakit at payat-na-payat. Sabi ng tatay ko ay may peste daw ang mga palay. May mga naggigiik o naggagapas ng mga palay. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Tuwing may problema akong mabibigat ay laging nagpapakita sa loob ng panaginip ko ang aking ama. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Hunyo 17, 1970. May asawa na ako at isang anak.
FREDDIE NG CAVITE CITY
Dear Freddie,
NAPAKASUWERTE mo naman. Kahit patay na ang iyong ama ay malinaw na may regular na komunikasyon pa rin kayo. Bibihira ang ganyang nabibigyan ng biyayang makaniig pa ang isang patay. Sa kaso mo ay aktuwal na natutulungan ka ng iyong yumaong ama kahit wala na siya sa mundo. Gayunman, maturity ang ipinahihiwatig ng iyong panaginip. Ibig sabihin, super-matured at may napakalawak na pang-unawa at pasensiya sa kapwa. Walang duda na magtatagumpay ka at makakatagpo ng kapayapaan ng puso, hahaba ang buhay at magkakaroon ng isang masayang pamilya. Ang bukid ay nagpapahiwatig ng kasaganaan pero kung may peste, nagbabadya rin ito ng problema na dapat mong maaksiyunan nang maayos. Nagbabala ito na may malaking pagsubok at paghamon na darating sa iyong buhay na sa bandang huli ay ikaw rin ang mananaig. Katapat ng ama ay No. 37; No. 29 ang bukid; No. 16 ang palay; No.24 ang barong barong; No. 11 ang riles; No. 10 ang punla. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 17 ay makaranas ng mabibigat na problema pero malalampasan mo ang lahat nang ito. Pinakabuwenas mo ang No.8 at No.1. Sa jai alai, isama mo ang No. 4. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 1-11-19-23-34-37-40-42.
---30-
Dear Don Honesto,
BIGYAN mo sana ng kahulugan ang aking panaginip. Napanaginipan ko po ang yumao kong ama na nagtayo ng isang munting barong-barong sa tabi ng riles. Pero kami po ay may sariling bahay sa loob ng baryo. Nagdaan daw ako sa ginagawa niyang barong-barong at itinanong ko ang paraan kung paano ang magpunla ng palay. Sa gitna kami ng bukid at nakita ko rin ang mga palay na magkakahaong berde at dilaw na mistulang maysakit at payat-na-payat. Sabi ng tatay ko ay may peste daw ang mga palay. May mga naggigiik o naggagapas ng mga palay. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Tuwing may problema akong mabibigat ay laging nagpapakita sa loob ng panaginip ko ang aking ama. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Hunyo 17, 1970. May asawa na ako at isang anak.
FREDDIE NG CAVITE CITY
Dear Freddie,
NAPAKASUWERTE mo naman. Kahit patay na ang iyong ama ay malinaw na may regular na komunikasyon pa rin kayo. Bibihira ang ganyang nabibigyan ng biyayang makaniig pa ang isang patay. Sa kaso mo ay aktuwal na natutulungan ka ng iyong yumaong ama kahit wala na siya sa mundo. Gayunman, maturity ang ipinahihiwatig ng iyong panaginip. Ibig sabihin, super-matured at may napakalawak na pang-unawa at pasensiya sa kapwa. Walang duda na magtatagumpay ka at makakatagpo ng kapayapaan ng puso, hahaba ang buhay at magkakaroon ng isang masayang pamilya. Ang bukid ay nagpapahiwatig ng kasaganaan pero kung may peste, nagbabadya rin ito ng problema na dapat mong maaksiyunan nang maayos. Nagbabala ito na may malaking pagsubok at paghamon na darating sa iyong buhay na sa bandang huli ay ikaw rin ang mananaig. Katapat ng ama ay No. 37; No. 29 ang bukid; No. 16 ang palay; No.24 ang barong barong; No. 11 ang riles; No. 10 ang punla. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 17 ay makaranas ng mabibigat na problema pero malalampasan mo ang lahat nang ito. Pinakabuwenas mo ang No.8 at No.1. Sa jai alai, isama mo ang No. 4. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 1-11-19-23-34-37-40-42.
---30-
28 Comments:
Dear Don Honesto,
ako po si Jimmy Lorella
paki paliwanag po ng aking panaginip
napanaginipan ko po ang aking yumaong ama na kasama ko sa bukid may dala syang manok na tandang na pinapakain sa bukid
maraming tubo (sugar cane)
kasama nya ako
may dala rin syang mais nakalagay sa maliit na sako
ang mais ay bagong pitas
ng ilabas ang mais sa sako ay may mga kagat o pinagkainan ang mga piraso nito
inakala namin na may daga sa loob ng sako kinuha ko ang itak sa tatay ko at habang inilalabas ang mais ay humanda ako sa pag taga ng lalabas sa sako, pero ang lumabas ay puting pusa na may itim sa bandang puwitan
ipinanganak po ako noong april 29,1975
This comment has been removed by the author.
DEAR HONESTO,
Ako po c leo pedrosa jr.ako po ay 34 taong gulang ako po ay ipinanganak noong april 17,1980 ako po ay may asawa na at tatlong anak,anu po ba ang ibigsabihin kasi po akin po napanaginipan ang aking yumaong ama na si leo pedrosa sr. napanaginipan ko po sya na nkahiga sa mahabang upuan at hinugasan ko po sya ng tubig at pagka alala ko po sa akin panaginip prang umuulan po,at bigla po syang bumangon at sabi po nya sa akin day day tinatawag nya po ate ko,at hawak hawak po nya ang knya mata at sabi po nya nasaan ba ako anu ba nangyari sa akin,sabi ko po sa knya nabundol ka ng motor at sabi nya po marami ba akong tama at sabi ko po sa knya oo marami kang tama,tapos sabi nya masakit ulo humiga po sya uli,namatay po sya noong november 24,2012 nabundol po sya ng motor,
Dear Don Honesto,
napaginipan ko po ang aking ama na yumao na. pumasok sya sa loob ng bahay na nakalutang. Sabi nya pinakagat nya ako sa pusa. Bago po kasi sya lumbas sa panaginip ko. Kinagat ako ng pusa sa daliri. Kasi sabi ni papa kya nya raw ako pinakagat kasi natatakot daw kami sa bahay kapag pinguusapan si papa. Na baka nagpaparamdam sya. Medyo magulo pO. Sa tagal2 ngayon lang sya ulit ngpakita sa panaginip
hello po ako po ay nanaginip na umuulan daw mahina na ulan nakita ko mama ko naglalakad ako palapit sa ate ko kasama asawa at anak nea ngubit nandidiri ako maglakad sa kunting baha na galing sa ulan kasi may nakikita ako mga plema na nakalutang sa tubig pero super libaw po ng tubig kea iniiwasan ko na lang mga plema habang humahakbang palapit sa ate ko at kasama asawa at anak niya..ano po ba ibig sabihub non?
Dear Don Honesto,
may isa din akong dream na tatlo daw kmi magkakaibigan naglalakad may nadaanan kami bahay may matanda at may batang lalalki yon bata humihingi ng tulong sa amin kasi minamaltrato sya ng matandang lalaki sinasaktan at sinalal naawa ako pinagsabihan ko yon matanda yon dalawa kong kaibigan natakot kaya umalis kami nagalit yon matanda sa bata kasi humingi ng tulong sa amin kea pinutol nya ang kamay ay narinig ko na lang sumigaw sa sakit yon bata tumakbo kami ng mga friend ko para lumayo don sa bahay ng matanda kong saan saan na kami nkaabot sa may malalaking lahoy kasi hinahabol kami ng matanda ng itak kasi papatayin niya rin kami..hanggang sa nahuli niya yon dalawa kong friend ako nakatakas..tapos nin nakita ko sa dream ko lumilipad daw ako tinatangay ko sa paglipad yon bunso ko na sister paglipad ko diko naisama yon siater ko lasi nahulog sya..yon lang po sama mabigyan nyo akong kahuluga. salamat po..
Don honesto ako po ay singlemom at andito po ako sa saudi nagttrabaho napanaginipan kopo ang aking ama na mTagal nang patay at niyakap po nya ako sa panaginip at sinabe nya sakin nago pako magising na wag daw ako mag alala nakuha na daw nya mga kailangan ko..ano po ba ibig sabihin ng panaginip ko na ito salamat po sa inyong magiging kasagutan
Pls.. Paki paliwanag Nman po ng panaginip ko.
Napanaginipan ko ang matagal ko ng yumaong ama. Say panaginip ko ang kabaong nya NASA Salas ng bahay nmin, sinilip ko xa sa loob ng kabaong halos Agnas na ang mata nya. Sabi ko sa sarili ko bakit ang sakit matagal ka ng patay papa pero ang sakit sa dibdib at ngaung ililibing kna namin uli at masmatindi ang sakit.
Sana matulungan nyo po akong maintindihan ang ibig sabihin ng aking panaginip.Ang pangalan ko po ay si Andres Pagne kasalukuyang nakatira sa laguna.ang aking kapanganakan ay July 21,1982.Bago ako magkasakit napanaginipan kona ang aking yumaong ama nito naman habang nagpapagaling nako sa bahay muli siyang nagpakita sakin.Umuwi daw ako ng probinsya namin dun ko napansin ang aking ama na gumagawa ng kanyang concretong bahay napakalaki at napakalawak ang 1st floor daw ay parking area lamang at nasa 2nd floor na ang kanyang nagawa ngunit napapagod na siya dahil magisa lamang siyang gumagawa nito.Ang isa kong kapatid ay kanyang pinapagalitan at sinasaktan dahil hindi daw ito nakakatulong sa kanya.Ako naman nung lumapit ako sa kanya kinausap ko daw sya ang sabi ko"Tay ipapagawa nalang natin tutulungan ko kayo" pumayag naman sya.Sa isang banda sa paligid naman ng ginagawang bahay ang malawak na palayan ng aming tiyahin na piniprepare palang pra tamnan ng palay ay may napakaraming isdang nagkalat (tilapya/hito) kung kayat ang aking mga lola at ibang matatandang yumaon na ay namimingwit at nanghuhuli ng isda dun.Subalit,akoy binalaan ng aking ama na huwag manghuli nito dahil madumi ang mga isda dun. Bigla ko gumising at nagdasal nalang.
Ano po ang ibig sabihin ng aking panaginip na ito? Bigyan nyo po ako ng maswerting numero mula dito ang pangako ko po pgakoy nanalo sa lotto ippagawa ko talaga ng bahay ang aking ina doon sa probinsya khit wla na ang aking ama.
Napanaginipan kopo ang aking ama na pumanaw na.. sa panaginip ko ung damit kopo suot na pinampunas ko ng luha ko gusto nyang kunin at ipampupunas nya rin daw po sa kanyang luha..pagkatapos po nun naka himlay na ulit sya sa kabaong ano po kaya ibig sabihin nun.
Good afternoon po.
Ano po ang inig sabihin ng panaginip ko na nakahuli dw ako ng Di nman kdamihan ng isda at ibinigay ko dw ito sa akong Tatay na isang taon ng namayapa. Nang ibinigay ko s kanya nkita ko s kanya ng mukha ang lungkot at agad nyang iniabot ang mga isda sa nanay ko.. Sana mliwanagan nyo po ako.. January 1,1981 po birthdate ko at single mother po ako. Marami pong salamat.
Good eve. Po
Ano po ang ibig sabihin ng panaginip ko una ko pong panaginip nasa mall po kme tapos nung lumabas na kme para mag hintay ng sasakyan nakita ko po yung papa kong pumanaw na pag tapos ng panaginip umiiyak ako paggising ko.
Pangalawa ko pong panaginip nasa school po ako tapos naglalakad ako sa hallway kasama yung classmate ko habang tumatawa nadulas ako sa sobrang dulas ng sahig tapos tumawa lng ako pag katapos, tapos habang nag lalakad kme sa court kunyare nag collapse ako tapos sabe ng classmate ko 'maaga pa para mamatay ka' so tumawa lng din ako ng mahina dahil kunyare lng naman yun, tsaka lagi rin naman nag jo-jokes yung classmate ko. Tapos sbe nya ang dami na daw nakatingin sa amin kaya tumayo na ako agad tapos pagka tayo ko wala namng nakatingin tapos nag lakad na kame ulit dun ko na nakita yung papa ko tapos lumapit sya sken at ibinigay yung baon kong pagkain tapos bigla nlng syang nawala, pumunta muna ako tabi ng hallway tapos bigla na akong umiyak ng umiyak.
Grade 9 po ako babae february 17 2018 po pumanaw yung papa ko nabaril po sya tapos natamaan din po ako ng bala sa kanang kamay ko bale 4 po yung butas sa braso ko sana po ma notice nyo po ako :( Thank You Po!
Good am po.ano po ibig sabihin sa aking panaginip .
Napaginipan ko aking umaong ama galit na galit sya hindi ko alam kanino sya galit .walang makapipigil sa kanyang galit .yan lang po salamat.
Good pm po napanaginipan ko tatay ko palagi buhay sa panaginip tinuruan nya me mag drive ng sasakyan at binibigyan nya me ng manuk at iba pang produkto anu po kahulugan nun tnx po
Gup pm po napqnaginipan ko plagi rin mga kalapit ko kamag anak buhay sa panaginip anu po kahulugan nun tnx po
Nanaginip po ako sa aking yumaong ama na nakausap ko sa cellphone umiiyak xa at hindi ako mkpaagslita .anu po kaya ang ibig sbhin nun?
napanaginipan ko na itinatago ko ang isang matals na itak.nasa isang barong barong daw kmi.. tapos kasama p daw namin si papa pa namayapa na..tinanung pa niya ako na uh san mo dadalhin yan..
sabi ko pa itinatgo ko po at bka makita pa..mahirap na..
anu po kaya ibig sabihin nun..
ngayun ko lang napanaginipan si papa pero limot ko yung iba
Ano po and ibig sabihin na yung papa ko daw po ay may isang bahay (matagal napong patay ang ama ko) tapos binubuksan nya daw po yung ilaw???
SAlamat po in advance☺
Dear Mr.Honesto
Sana po ay matulungan nyo ako sa aking panaginip... napanaginipan ko po ang aking yumaong ama. nakaupo po ako sa loob ng kwarto o parang sa sala niyakap nya ako sa likuran na sobrang aliwaas ng kanyang mukha at nakangiti...ako po ay ipinanganak May 11, 1979.nais ko po sanang malaman kung ano ang kahulugan ng aking panaginip at anong mga numero ang katumbas nito
Maraming salamat po
Good morning po. Ano po ba ang ibig sbhin ng panaginip ko. 5 taon ng patay ang tatay ko.. Napaginipan ko po sya kagabi na naghahanap sabon dahil maliligo sya pagkatapos po nun ay nakita ko syang nakatayo bagkng paligo nakaputing t-shirt at itim na pantalon nakatingin lang po.. Wala na po syang sinabi.
Ano po ba ang ibig sabhin NG panaginip ko. 2 sa kaibigan ko kasama ko sila sa magkaibang sitwasyon
Don Honesto, napanaginipan daw po ng nanay ko ang yumao nyang ama na paramg maybgustong sabihin at parang sinasama sya. Kasalukuyan pong nasa hong kong ang aking ina at palagi daw po nya naiisip ang aking lolo. Ano po kaya ibig sabihin nun? Salamat po
Don Honesto napanaginipan ko po yung tatay ko na patay na nung 2019 po.tapos sa panaginip ko patay din sya at umiiyak ako s panaginip ko.at may karo.
Don honesto
3 beses ko na po napapanaginipan ang papa ko na yumao last year kanina ay napanaginipan ko siang muli
Scene 1 nakatayo ako sa tabi ng kanal na may malinis na tubig may mga halaman din sa aking tabi ornamental.tumawid ako ng kanal hindi po nabasa ang paa ko,parang humakbang lang ako upang pumunta sa aming bahay..
Scene2
Nasa loob na ako ng bahay nakaupo sa hapag kainan nandun sa loob ang mama kp mga pamangkin at kapatid na babae.nasa malapit lang ang papa ko na nmatay na.may nakita dib ako aso pero hindi ko pinagtuonan ng pansin.naglabas daw ako ng pera papel pero d ko alam kung para saan basta sa panaginip ko nagbigay ako ng pera then nakita ko na 20pesos nalang ang natira sa sobre na kulay brown.sabi ko sa isip ko hala 20 nalang pala ang pera ko.pero hindi ko na inilabas o sinabi sa kanila sinarili ko nalang..
Scene 3
Nakita ko ang 2 kapatid ko babae at lalaki na nagbubungkal ng lupa.nakita ko din na may mga bago ornamental plant na nakatanim.sa panaginip ko cnb ko sa sarili ko na hala ginawa na nila plant bed un lupa mukha ng taniman ng gulay.sa gilid ng aking mga mata napansin ko ang aking ama na nakatayo sa tabi ko.
Scene 4
Hinabol ko papasok ng house un aso kasi nakita ko sia kagat kagat un sobre na pinaglalagyan ng last 20 pesos ko.huminto sia sa tabi ng lababo at naupo..kaya hinawakan ko sia sa bandang leeg para kunin un sobre na medyo napilas pa kasi d nia agad bntiwan..then hinawakan ko daw sia sa magkabila pisngi na pinangigilan sa magiliw na paraan.napatitig ako sa mukha nia na maamo at parang nakangiti.
Scene 5
Naupo ako uli sa hapag kainan para pagdikitin ang napilas na pera.pero nun nilabas ko na un pera wala na un 20 pesos instead 100 un nkuha ko.nun sinilip ko un loob ng sobre may isa pang 100.inilapag ko daw un sobre sa lamesa at nagulat kasi bigla siang dinampot na papa ko napatingin ako pero d ako kumibo at pinagpatuloy ang gngawa ko.napansin ko na may nilagay ang papa ko sa sobre sabay abot sa akin malapit sa akinv mukha pagtingala ko daw nakita ko na ampao na may lamab barya base sa galaw ng sobre.napangiti daw ako sabay sabi ai akin nalang ilalagay ko sa wallet pampaswerte.then naalala ko na may paper bag ang mama ko kaya kinuha at nilabas ang mga laman na damit habag isa isa kong nilalabas un mga damit nakatayo ang papa ko sa kabilang side ng mesa at nakikitupi tupi ng damit nun nailabas ko na ang mga damit napansin ko na may mga barya sa loob... Nagising na ako..
Dear honesto,ako rin po may isa din panaginip. Halos lagi napapanaginipan ko ang tatay ko malapit na sya mag 1 year na patay. Sa panaginip ko lagi kmi nag uusap. Mdalas sya nagpapa naginip sa akin. Mga mdaling araw lagi. Bakit kaya lagi sya nagpapa ramdam sa panaginip. Nasa isip ko baka kakot hndi sya masaya kun asan man sya ngaun. Sa panaginip ko lagi sya umuuwi dito sa bahay at minsan ay sinusumpong daw sya ng kanyang sakit. Sana po masagot nyo ang tanong ko. Salamat po :)
Dear Honesto,
18yrs na pong pumanaw ang aking ama pero napanaginipan ko po sya buhay nakaupo nilapitan ko po sya kasi parang masama pakiramdam hinawakan ko po sya lagnat n lagnat sobrang taas ng lagyan naisip ko bigyan sya ng gamot o pakakainin ko muna. Ano po kaya kahulogan ng aking panaginip..
Dear honesto ako po si yuki ay nanaghinip sa aking ama na tinaponan ako ng kape maitim sya pg ktpos non niyakap ko po sya anu po b ibig sbihin non maraming salamat po
Napaginipan ko ang aking ama,simula nag kasakit ako,ngayon napaginipan ko na sinabi nya ibigay daw namin yun pangangailangan nya.
Post a Comment
<< Home