Wednesday, December 20, 2006

Computers okey

Dear Sir Dennis,
NATUKSO na rin akong magpa-serox ng guhit ng palad. Gusto ko kasing malaman kung magkiklik ang itinayo kong computer rentals. May limang units at may isang pinaaarkila kong video-karaoke machine. Nag-resign na ako sa tranbaho at dito ko ginamit ang nakuha kong benepisyo. Ipinanganak ako noong Hunyo 7, 1970. Matagal ko na ring pinapangarap na mag-abroad, matuloy kaya ako? May dalawa akong anak. Sino sa kanila ang magtatagumpay?

ROMING NG TAGUIG, MM

Dear Roming,
MAGKLIK naman ang iyong munting negosyo. Magkakaroon ka pa ng sangay o branch sa ibang lugar. May dalawang guhit kasi na nag-parallel paitaas sa dakong ilalim ng hinliliit (tingnan ang bilog sa dakong ilalim ng kalingkingan). Karaniwang nakikita ito sa matatagumpay na negosyante lalo pa't pumasok ka sa modernong teknolohiya. Magkiklik din kung hahaluan ng mga produktong cellphones. Magagawa mo ring makapag-abroad dahil malayo rin ang naabot ng dulo ng Life Line na dumikit sa dakong pulso (tingnan ang bilog sa dakong pulso0. Nagsasabi ito na buwenas ka sa pagbibiyahe. Makakatapos ng pag-aaral ang iyong panganay na anak pero hindi ang bunso kasi'y mag-aasawa nang maaga ito. Mas mahaba kasi ang unang guhit sa dalawang linya pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa dakong kalamnan ng hinlalaki).
(Tiktik newspaper, 22dec06)
----30--

1 Comments:

Blogger sphinx said...

una sa lahat gusto ko po muna kaung batiin ng manigong bagong taon.wish ko po sana ng magandang kalusugan para sa inyo at lalong tangkilikin ang iyong column.first time ko po dito sa inyo curious po ako na baka kau po ang makasagot sa matagal ko ng mga katanungan.nanaginip po ako na ang aking pink na nightish na damit amoy tai.minsan nanaginip po ako ng amlaking aha minsasn nman pilit kong lumipad pataas.ano po ang ibig sabihin nito.tanong ko po matuloy po ba ang planong makapunta sa ibang bansa? makakabili pa po ba ako ng sariling bahay at lupa?aangat pa po ba ang buhay at ano po ang magandang negosyo para sa akin?may darating pa po bang magandang kapalaran?..pasensya na po sa marami kong katanungan.pakiusap ko po na wag ilathala ang pangalan ko.maraming maraming salamat po.

10:24 PM  

Post a Comment

<< Home